Kapag nasa movie industry ka at kilala ka sa pagganap bilang kontrabida halos lahat ng tao ay tingin sa 'yo ay kontrabida na.
*
"My gosh! Hindi ba siya titigil sa pagiging buntot ni Kevin! Hindi halatang gusto niya ha! Araw-araw na lang! Araw-araw na lang kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'yan!" iritableng wika ni Joanna na may kasamang salubong na kilay.
"Hayaan mo na, Joanna." walang ganang tugon ko habang nagpipindot-pindot sa cellphone ko.
"Juice ko, Dahlia! Hahayaan mo lang!? Papayag ka bang makitang may kasamang iba 'yang boyfriend m–"
"Ex-boyfriend." sabat ko sa kanya na may kasamang diin.
"Ano ka ba, bes! Kahit ex-boyfriend mo pa 'yan! Lahat kaming mga kaibigan mo alam na mahal mo pa rin si Kevin, so don't act na hindi ka affected! Go bring back your man!" pagmamakulit ni Joanna.
"Joanna, wala na. Hindi ko maibabalik 'yung taong nawalan na ng pagtingin sa 'kin." sagot ko naman.
"Eh hinahayaan mo kasing kunin ng iba–"
"Joanna, stop! Hindi makakatulong 'to sa film. Ayoko ng gulo." nakasalubong na kilay na wika ko sabay nilagay sa bulsa ng pants ko ang cellphone ko. "Pupunta muna ako sa tent. Mamaya pa 'yung next scene ko." mahinahong dagdag ko.
Iniwan ko si Joanna'ng nakaupo doon sa table. Hindi ko na kasi matiis ang kakulitan niya. She kept bringing back the past when I'm currently dealing with it. I was trying to forget about him but how am I supposed to forget kung lagi niya na lang binabalik 'yung dati? Magkaibigan kami and I think she should support me on my decision.
Bumalik ako sa tent at saktong sumalubong sa akin si Gilbert. He's one of the cast in the series. We never really talked kasi wala naman kaming dapat pag-usapan. Even if we've been filming longer enough we never really talk to each other except if work purposes. Actually, we barely interact. Sa lahat ng mga casts siya lang ang tanging hindi ko kainakausap. I don't know. He just seems like unfriendly.
I passed by Gilbert without saying a thing. Pumasok ako sa tent samantalang lumabas naman siya. Pagpasok ko umupo ako sa isang upuan at kinuha ang cellphone ko at nagpindot-pindot doon.
We are staying in for the upcoming TV series to be release soon in Netflix. Romance ang genre and we play as high school students. As usual, Kevin and Kate are the main leads while I play as an antagonist. Gilbert, Joanna, and Kit (one of my friends) play as the supporting characters.
For now, we're taking a break kasi nagkaroon ng technical issues.
Dahil wala akong magawa binuksan ko ang twitter ko upang makita ang trending ngayong araw. Nakita ko na until now no.1 trending pa rin sa Philippines ang 'Love Me, Hate Me', which is ang finifilm namin ngayon.
Tinignan ko naman ang mga tweets ng fans kasi I feel bored.
By: EmilylovesKevin
I just know na magiging maganda 'tong project na 'to also played by my favorite actor and actress Kevin and Kate! My Kavin heart huhu❤️❤️By: Katenatics
This will be a big hit! Worldwide na naman 'tong pag-uusapan! Pang-hollywood kasi ang popularity ni Kate! Mamshi Kate love na love kita!By: KatieLoves
Jusko! Trailer pa lang nakakaintriga na si Dahlia dito! Ang sarap mong ipakain sa Leon letche ka!Dahil sa tweet na nakita ko napahinto na ako sa pagbabasa. Agad kong pinatay ang cellphone ko at saka binaba ito sa hita ko. Sumandal ako sa upuan at nilagay ang braso ko sa noo ko.
YOU ARE READING
The Villain's Untold Story
RomancePaano kung ang lahat ay tingin sa 'yo kontrabida? Pero ang totoo ikaw ang biktima. Dahlia Vargas is considered the most hated actress in the Philippines, but here comes the man of her dreams who does not care about that at all. Gilbert.