Part 2:

7 1 0
                                    


***

Last night was a mess. I didn't told Joanna about it, it's just between me and Gilbert.

Now, we're packing up kasi lilipat kami ng lugar. Mayroon kasing part sa script na nasa beach kami kaya ngayon nag-papack-up kami.

Kagabi pa naman ay naka-pack-up na ako minake sure ko na lang kung kumpleto ba 'yung gamit ko. Matapos ay lumabas na ako sa bahay na pinagii-stay-in namin at nandoon na ang iba na naghihintay sa amin.

Nakita ko naman doon si Gilbert na nakangiting kinakausap 'yung direktor. Napansin kong nag-side-eye siya patungo sa direksyon ko kaya bandang huli ay nagtama ang paningin namin. Tinanguan niya naman ako at saka natapos ang usapan nila ng direktor.

Pinanood ko siyang maglakad palayo kaya nagtaka ako. Paalis na kami kaya saan kaya siya pupunta? Hindi ko na lang muna pinansin at lumapit sa ibang mga staffs na kasama namin. Nakita ko doon si Ate Miriam kaya lumapit ako dito.

"Anong oras tayo aalis, ate Mi?" tanong ko sa kanya.

"Hinihintay lang namin 'yung dalawa." sagot naman niya.

"Si Kevin and Kate?"

"Oo."

"Ahh.."

"Nabalitaan ko 'yung nangyari kagabi ha, tinulak mo raw si Kate?" hindi ko naman alam ngunit parang dinidiin niya sa akin na parang totoo 'yun.

"Uh–"

"Alam mo kung ano man 'yan pag-usapan niyo hindi 'yung mananakit ka. Alam ko 'yung nangyari sa inyo ni Kevin, kung mahal mo 'yung tao hayaan mo siyang maging masaya.." anito na para talagang final na ang desisyon niya na paniwalaan ang tsismis na 'yun.

Hindi naman ako nakapagsalita at tumango na lang, saka ko na lang napansin na ang sasama na pala ng tingin sa akin ng mga staffs pati 'yung ibang mga casts. Panigurado ako dahil na naman ito sa kasinungalingan ni Kate.

Hindi ko na kinaya kaya lumayo na lang ako hanggang sa nakita ko si Gilbert kasama ang motor niya na palapit. Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang palayo.

Habang naglalakad binungad ako ni Joanna at Kit.

"Dahlia, ano na namang kasinungalingan ang pinagsasabi ng malanding Kate na 'yun?!" naiiritang wika ni Joanna.

"Joanna, huwag kang mag-ingay baka marinig ka nila–" si Kit.

"Aba! Dapat lang marinig nila! Hindi nila alam kung sino talaga ang nagbabait-baitan sa harap nila–"

"Joanna, tama na! Please–" Ako.

"Pero Dahlia–"

"Fvck it, Joanna–"

"Tsk! Then, fine! Alam mo kahapon pa kita napapansin ha! Ikaw na nga 'tong tinutulungan–"

"I don't fvcking need your help, Jo! Everyone already thinks of me as the bad guy at kahit anong gawin ko hinding-hindi nila ako paniniwalaan!"

"Language, Dahlia!" sabat ni Kit.

"Alam mo Dahlia? Bahala ka sa buhay mo! Gawin mo kung anong gusto mong gawin! Ako na 'tong tinutulungan ka ikaw pa 'tong–"

"Pagtulong ba 'yan?! Joanna, nung una pa lang ikaw na 'yung may saltik sa atin! I already told you to just fvck it off pero gusto mong ibalik ko si Kevin!"

"What the heck, Dahlia! So, ako pa nagmukhang masama ngayon–"

"Guys, tama na! Please!" pag-aawat ni Kit.

"What's happening?" nakita ko si Gilbert na palapit sa amin.

Hindi ko mapigilang hindi maluha sa gitna ng sitwasyon.

The Villain's Untold StoryWhere stories live. Discover now