CHAPTER 1

164 4 0
                                    

Academia Luxe University

Naglalakad ako sa hallway ng Galileo building nang makita ko ang kaibigan ko si Gray. Kasama niya si Sam kaklase namin. Dalawang metro lang ang layo ko sa kanila and I guess they were heading in our library so I decided to follow them.

"Ken!" sigaw ko

Kinakabahan ako and di ko alam ang magiging reaction niya pag nakita niya ako lalo na't kalat na ito sa buong campus. Ang bilis ng chismiss right?

Alam niyo kasi,mas obsessed pa sa kuto ng classmate ko si Gray kung habulin niya si Clint. Lagi siyang present tuwing may basketball games or football games si Clint at siyempre minsan sumasama ako para suportahan ang kaibigan ko sa mga katahangahan niya.Minsan nga magugulat nalang ako may ibinibigay siyang gift kay Clint but he always rejected those gifts.

Kaya sa sitwasyon ngayon na siguro alam na ng kaibigan ko ang totoo na ako ang gusto ni Clint?

Gusto ko mang ikwento sa inyo ang lahat-lahat but nahh ayoko magmukhang chismosa.

"Hi Lei" he casually said nung timingin siya sa direction ko. Wait is he paos? Nagconcert ba siya kagabi? Charizz I wonder why?

I walked beside them and ngumiti na parang walang nangyari. Only Sam smiled at me and greeted me 'good morning'. Si Gray ang nasa gitna namin ni Sam but a few seconds gray positioned himself at si Sam na ang nasa gitna namin. Di ko iyon pinansin and I rolled my eyes at naglakad na lamang.

"Ken balita ko crush ka daw ng Campus Crush ha?"kinikilig na saad ni Sam. "Nagulat ako nung mabalitaan ko yun, alam mo ba yun di ko alam na he's into guy pala pero I don't care mas kinikilig nga ako bagay na bagay kayo parang JoongDunk lang" dagdag niya na nagpatigil sakin

"Di tayo sure dyan Sam" I said pero kay Gray ako nakatingin "baka Kasi hindi totoo yun, malay mo dare lang yun sa kanya"

Humagalpak ng tawa si Sam at napatigil naman sa paglalakad si Gray at napatingin sa akin.

Then he pouted and proceeded walking.

"Anong Dare ka dyan Ken, I don't think magagawa iyon ni Clint. He's serious kaya sa lahat ng bagay" saad ni Sam

Jongina she has a point. Pero ayokong masira ang friendship namin ng best friend ko dahil lang sa isang tao.

At that point, nakarating na nga kami sa library and we chose to sit at the table sa gilid. May ilang estudyante na rin dito busy sila sa pagrereview.

"Gray, uhm alam kong alam mo na ang totoo,sana di ka magalit sakin kasi pati ako nagulat na why all of a sudden eh sakin nagkagusto si Clint?" seryoso kong saad sa kanya who was sitting across of me.

"Ken is right Gray" Sam said "Magkaiba ng building sina Ken at Clint para magcross yung landas nila? Never silang nagkaroon ng communication at never naging classmates?but nagkita na sila because of you? Dahil lagi mong pinipilit sa Ken na sumama sa iyo tuwing may laro sila."

Tumango-tango ako sa sinabing iyon ni Sam."Tama si Sam,Gray,Never kaming nagkaroom ng communication ng lalaking iyon. And I'm pretty sure na di niya ako kilalang-kilala personally.Wala nga ako ni isang matandaan na nagkasama na kami sa isang lugar dito sa loob ng campus." I said

"Pero except yung kasama kita tuwing may games siya,lagi ka raw niyang tinitignan" Gray rolled his eyes at kinuha ang notebook niya sa kanyang bag "Di pala ako nakapag-review"

"Too" sabat naman ni Sam. Pansin ko na gustong ibahin ni Gray ang topic but I won't let it. Gusto kong magkaintindihan muna kami para matahimik ang utak ko mamaya habang nag-eexam.

"Gray wala akong ginawang masama." i stated "Pero sigurado akong trip lang iyon ni Clint or dare lang sa kanya" I said

He sighed "Ken, Di ako galit sayo,okay?" lumapit siya sa tabi ko "Masama ang loob ko pero hindi dahil sayo.Napahiya ako and ofcourse I was hurt too.

Dahil buong akala ko sakin niya ibibigay iyong roses na iyon pero sa iyo pala tas minyday pa niya iyon kaya nabasa ko kung ano yung nakasulat"

Nakataas ang kilay ni Sam na tumingin sa amin bago ngumiti sa amin.

"Alam kong matagal na kayong magkaibigan.Grade 6 palang tayo nun eh kayo na palagi ang magkakampi.Kaya wag niyong hayaang masira ang relasyon niyong magkaibigan dahil lang sa isang lalaki"

Gray tapped my shoulder before looking at Sam "Di naman mangyayari yon teh.As in NEVER, Di ko hahayaang masisira ang pagkakabigan namin ni Ken dahil lang sa di ako ang gusto ng taong gusto ko."

Napangiti ako "Magiging payapa na utak ko, kala ko ito na ang end ng fwendshwip natin ehh"

"Gaga ka, Sige na magreview na tayo" he said.

Meron pa kaming 58 minutes to review so I'm pretty sure na na enough na yun but there's someone bothering me. Aishhh anong kagaguhan ba ang gustong gawin mo?

Beneath the LiesWhere stories live. Discover now