- I M E E -
Kasalukuyan akong nandito sa auditorium ng South Luzon Colleges. Kinakausap ko yung mga teachehers ng College of Agriculture para malaman kung ano ba talaga yung mga kailangan ng mga future young farmers.
" Senator hello po narito po yung mga project proposals ng mga bata from College of Agriculture" - Dean De Vera habang inaabot sa akin yung mga folders.
Habang binabasa ko yung mga papers na binigay sa akin. Narinig ko si Dean De Vera sa hindi kalayuan.
" Anong ginagawa niyong dalawa dito? Pang COA lang tong meeting na ito bawal kayo rito. - Dean De Vera
" Ma'am sorry po hindi na po kasi kami pinapasok ni Sir Salvacion sa klase niya." - Amara
Na bother ako kaya lumapit na ako sa kanila.
" Hello good morning may problema ba?" - Senator Imee
" Senator, wala po ito po kasi dalawang estudyante hindi nakapasok sa klase nila kaya nagpupimilit na sumama sa meeting na 'to e ang kaso College of Education sila hindi sila taga College of Agriculture. - Dean De Vera
" Wait hindi ba ikaw yung nagsabit nito sa 'kin kanina?"- Imee habang itinuturo yung garland necklace na nakasabit sa kanya.
Hindi naman siya tumugon sa 'kin at nakatulala lang.
" Hello kinakausap kita Neng" - Senator Imee
" Opo siya nga po, pasensya na po kayo Senator ha nawala po ata sa ulirat na starstruck po ata sayo." - Krisha
" Ahh ganon ba sige dean let them stay baka gusto rin nila matuto. "- nakangiting saad ni Senator Imee.
Ilang saglit lang ay tinawag na ako sa inahan para magsalita.
Isang mapagpalang araw sa ating lahat sa mga estudyante at gurong dumalo maraming salamat po sa paglalaan ng oras niyo. Ngayon naglilibot ako sa mga eskwelahan para hingan ng suhestiyon ang mga kabataan tungkol sa mga kinakaharap nating problema pagdating sa sektor ng agrilultura lalo na at higit sa panahon natin ngayon bihira nalang ang mga kabataang may puso pagdating sa pagtatanim, paghahalaman at paghahayupan dahil kalimitan ngayon sa kanila fly na agad papunta sa abroad o di kaya pumapasok sa mga companies kasi ayaw ng mga ferson na madumihan ang kamay nila. Talaga namang sayang ang manicure at gel polish ng mga bagets charot binibiro ko lamang kayo. Kaya ako ay nandito ngayon para maghanap ng mga possible projects and innovations na makakatulong sa atin para mapaunlad ang sektor ng Agrikultura dahil ngayon pagdating sa teknolohiya talong talo na ng Gen Z ang mga feelenial na tulad ng " Ate Imee niyo" o huwag naman lola ha 4 decades lang naman ang tanda ko sa iba sa inyo kaya ate nalang ha. At para nga sa pagpapatuloy ang daming magagandang imbensyon na may potensyal ang nakita ko kanina kaya asahan niyo na hahanapan ko ang mga ito ng pondo at ipupush natin sa Senado para hindi lang puro drawing ang mga ito bagkus maisasaktuparan natin ito at magiging solusyon sa problemang kinakaharap natin sa sektor ng Agrikultura huwag tayong tumigil magbungkal ng lupa, huwag tayong tumigil maghanap ng solusyon. Sabi nga ng aking mama " Mas malawak ang langit kaysa sa lupa, mas maraming solusyon kaysa problema. #imeesolusyon ,Maraming salamat po. "
(At tumugtog na nga ang Mandatory closing song char HAHAHAHAHA)
" Maraming Salamat sa ating napakaganda at napakabait na Senadora tunay nga naman na napakaganda ng kanyang mga plano para sa mga kabataan, tulad ng sinabi niya ipagpatuloy ang paghanap ng solusyon dahil walang hindi kayang konsumisyon ang isang Imeesolusyon. " - Emcee
Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti.
" Ready na po ba kayo sa mga katanungan nila Senator?" - Emcee
" Game na!"- Imee habang naka thumbs up.
" Ayan game na game na si Senator sa mga tanong niyo, kapag magtatanong state your name, course and year. Ready na ba SLC College of Agriculture? It's your time to shine. "- Emcee
" Good morning Senator Imee, I'm Faith Cruz of Agribusiness, Sa panahon po ngayon konti nalang po yung mga lupang sakahan kung meron ma approve po na projects mahihirapan din po gawin dahil sa problemang ito baka po imbes na makatulong po e lalo pa pong masayang ang mga ito." - Faith
" Hello Faith thank you, kaya dapat mas maging maingat sa pag-usisa ng mga projects na pwedeng gamitin para walang masayang at para mas mapaglaanan ng panahon yung tunay na makakatulong and oo hindi maitatanggi na kaunti nalang ang mga lupang sakahan dito sa atin pero yung kaunti na yon pwede pa natin ma manage or maari pang mapalawak at ang lahat ng ito ay naka depende sa mga possible projects na pwede pa natin mapagtulungan. Wala namang kailangan masayang walang kailangang makasama if we manage our resources wisely. That's all" - Senator Imee
Nagpalakpakan yung mga tao sa auditorium.
" Iba talaga sumagot ang isang Senator Imee". - Emcee
" Sino pang gustong magtanong?" - Emcee
" Ako po"- Amara
Tumaas ang kamay ng isang babae at nakita kong pinipigilan naman siya ng katabi niya at ang lahat ng atensyon ay nasa kanya. Kinuha ko yung mic sa emcee at nagsalita.
" Go on iha"- Senator Imee
" Good morning Madam Senator, I am Amara Policarpio, Bachelor of Secondary Education Major in Social Science. Ayon po sa Summary of Inflation Report Consumer Price Index mula sa Philippine Statistic Government tumaaas po ang inflation rate mula 3 percent noong January 2022 sa 8.1 percent noong December 2022 at sa pagpasok January 2023 pumalo na ito ng 8.7 percent kung saan tumaas ng halos 37 percent ang presyo ng panguahing pangangailangan lalo na ang pagkain kabilang dito ang mga pang araw araw na bilhin tulad ng mga gulay at mga ilang sangkap sa pagluluto na tumaas ng 9.8 percent at sa bigas naman ay 2.7 percent. Di ba po madam senator mas maganda po if mag allocate tayo ng funds para maibsan yung pagtaas ng inflation rate na nagpapahirap sa maraming tao kaysa aksayahin ang pondo sa pangangalap ng mga bagay na walang kasiguraduhan?- Amara
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng batang ito infairness very ekonomista ang datingan.
" Hi Ma'am Amara, good question hindi lingid sa ating kaalaman na hindi natin mapipigilan ang paglobo ng mga presyo ng bilihin dahil sa mga bagay na hindi inaasahan tulad nalang na nangyaring pandemic maraming tao ang nawalan ng hanap buhay at pagkakakitaan kung kaya nadamay rin ang sektor ng Agrikultura marami ang hindi nakapagsaka at nakapagtanim sa bukid na naging dahilan ng pag import natin ng mga pangangailanagan natin sa ibang bansa. Kung dati tayo ang nag eexport sa kanila, tayo ang nagturo sa kanilang magbungkal ng lupa magtanim at magsaka. Kung ang pagtutuunan natin ng atensyon ay kung ano lang yung sanga at nakikitang problema at hindi natin titingnan yung ugat uulit at uulit lang yan. Tutubo at tutubo lang ulit kung hindi papansinin ang puno't dulo ng lahat. Lalo tayong mahihirapan mababaon at mahihirapang makaahon kaya hindi lang dapat tayo mag settle sa short term solution we need to undergo in several research para magkaroon tayo ng long term solution kayang ma solusyunan ang mga problema natin at hindi na mauulit pa." - Senator Imee
Kita ko naman na nangiti siya sa sinagot ko, nagpalakpakan muli ang mga tao dahil sa sinabi ko.
" Maraming Maraming Salamat sa mainit na pagtanggal SLC, hanggang sa muli." - Senator Imee