Part 1

309 14 1
                                    


- A M A R A -

" Amara pumunta ka ngayon sa field bilisan mo. "- Krisha best friend ko. 

" Bakit anong meron?" - Amara 

" Basta ikatutuwa mo 'to promise"- Krisha habang hinahatak ako para sumama sa kanya. 

" Krisha 10 minutes nalang darating na si Prof Salvacion, alam mo naman na hindi yon nagpapasok ng late di ba?"- Amara 

Wala na akong nagawa nang bigla akong hawakan ng mahigpit ni Trisha at tumakbo papunta sa field. 

" Ano bang importante 'to? at kailangan natin mag skip ng klase para dito? Krisha sinasabi ko sayo ha umayos ka. "- Amara 

" Sa 'kin wala lang to pero para sayo big deal. "- Krisha 

" Ha? Di kita gets ano?"-  Amara 

" Excuse me, excuse me, dadaan kami."- Krisha habang hinahawi yung mga tao sa field. 

" Krisha ano ba talaga? Bakit kailangan mo manhawi ng tao?"- Amara 

Hindi niya ako pinansin at nilapitan niya si Chastine yung president ng Student Government ng campus at lumapit naman sa akin ito. 

" Amira, pwede bang ikaw na doon sa pwesto ko? Masama kasi pakiramdam ko sinabi ko na rin kay Dean na ikaw na papalit sa akin." - Chastine 

" Ha? Ano bang meron? Bakit ang daming mga pulis na nakapalibot?"- Amara 

Hindi na ako sinagot nang dalawa biglang may tunog ng chopper na papalapit. Tinawag na ako ni Dean papalapit para magsabit nang garlands sa bisita. Nang makalapag na ang eroplano tumugtog na ang banda. Bumaba ang tatlong guard mula sa chopper. 

" Amira smile kapag dumating na si Senator ha, and please mag ingat pagsasabit ha. "- Dean 

" O- opo.." - Amira 

Nagsalita naman yung emcee kasabay nang pagbaba ng bisita "Welcome to South Luzon Colleges Senator Maria Imelda Josefa Remedios "Imee" Romualdez Marcos". 

Napatulala naman ako nang banggitin ng emcee yung pangalan. OMG si Senator Imee palapit sa akin. 

" Hello Dean De Vera"- Senator Imee habang nakikipagkamay kay Dean. 

" Welcome to SLC madam we are glad po na binisita mo po yung school namin. "- Dean 

Tumingin naman sa gawi ko si Senator at medyo yumuko siya. Naramdanaman ko naman yung pagsiko sa akin ni Dean. Ay oo nga pala isasabit ko 'tong hawak ko sa kanya. Sinabit ko na yung garland kay Senator. 

" Welcome to our school Madam Senator." - Amara 

" Thank you so much. " - Senator Imee habang kinuha yung kamay ko at nakipag shakehands. 

Hindi ko napigilan yung ngiti ko, umalis si Senator, Dean at ibang sa harap ko at ako naiwan naestatwa dito. Pumunta sila sa auditorioum kasama nang ibang estudyante ng College of AgricultureDepartment  na sumalubong sa pagdating ni Senator Imee. Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Krisha kaya lumapit ako sa kanya. 

" You're welcome "- Krisha 

" Ang saya 'ko bakit hindi mo kaagad sinabi?"- Amara 

" Para suspense." - natatawang saad ni Krisha 

" Yung klase natin. "- Krisha habang hahawakan na sana yung kamay ko. 

" IHHH wag mong hawakan to, isang linggo ko tong hindi huhugasan" - natatawang sagot ko kay Krisha. 

" Kadiri mo, porket na kamayan ka lang ni Senator Imee ayaw mo ng pahawak gaga ka. "- Krisha 

Tumakbo na kami ni Krisha papunta sa klase namin ngunit kagaya ng inaasahan hindi na kami pinapasok ng Prof namin. 

" First time kong hindi makapasok sa klase, cutting na tawag dito no? 3 hours pa naman klase natin kay Sir. "- Krisha 

" Oo pero okay lang sa akin kahit absent ako ngayon. Thank you so much my supportive bff."- Amira 

" You're welcome besh, future educators tayo tas nag cutting tayo? Tama ba 'yon?- natatawang saad ni Krisha. 

" Ahmm hindi naman malalaman ng mga future students natin 'yan e kung hindi mo ikwkwento. Punta nalang tayong auditorium?" - nakangiting saad ni Amara 

" Sige na nga ano pa bang magagawa natin e na saraduhan na tayo ng pinto. Halika na puntahan na natin yung idol mo, para naman makita ko kung bakit ganyan ka sa kanya e ang tanders na non. "- Krisha 

" Hoy maka tanders ka ha ganda ganda kaya non ayusin mo pananalita mo ha. "- gigil na saad ni Amara 

" Sorry na eto naman seryoso tara na nga." - Krisha



Madam SenatorWhere stories live. Discover now