- A M A R A -
" Hay sa wakas graduate na tayo best friend. Yieeeeee cum laude tayo parehas goals yarn?"- Amara
" Oo nga e graduate na tayo"- malungkot na saad ni Krisha
" Oh bakit ganyan ang tono ng boses mo? Bakit parang hindi ka masaya?"- Amara
" Alam mo naman na love kita di ba?"- Krisha
" Oo naman bakit? Nagdadrama ka diyan?"- natatawang saad ni Amara
" Aalis na ako bukas sinasama na ako ni mommy at daddy sa Switzerland doon na ako magtuturo"- malungkot na saad ni Krisha
" Ha? Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi manlang tayo nakapag bonding"- Amara habang paiyak na.
" Basta be successful sa life ha. Support pa rin kita kahit anong mangyari"- Krisha
" I love you bff please take care and sa fansclub na binuo mo susuportahan ko pa rin kayo kahit wala na ako sa Pilipinas."- Krisha at niyakap si Amara.
" I love you bff mag-iingat ka doon ha"- Amara
" Oo naman yes basta ha walang kalimutan pektusan kita huwag ka rin umiyak ang pangit mo"- Krisha
" Kainis aalis nalang mang aasar pa. Lumayas ka na ipapa banned kita dito"- Amara
" Krisha let's go kailangan pa natin mag-ayos for flight tomorrow"- Tita Anika
" Congratulations Amara"- Tita Anika
" Thank you po tita."- Amara
Tuluyan na nga umalis si Krisha at tulad ng inaasahan ko bihira nalang kami magkausap dahil naging busy siya at ako naman naghahanap pa rin ng work.
" Iha okay ka lang?"- saad ng isang babae.
Napatingin ako sa kanya at natulala.
" Se-se-senator Imee"- Amara
Tumawa naman siya.
" O bakit para kang nakakita ng multo?"- Senator Imee
" Ah hindi po ang ganda niyo nga po."- Amara
" Hay nako kagaya ka rin nila binobola mo ako"- natatawang saad ni Senator Imee
" Po? Hindi po nagsasabi po ako ng totoo"- Amara habang nagpupunas ng luha niya.
Nagulat naman ako nang bigla akong bigyan ni Senator Imee ng towel.
" Huwag ka mag-alala malinis yan bakit ka ba umiiyak?"- Senator Imee
" Kasi po nalulungkot lang ako kasi umalis yung bestfriend ko nagpunta na po siyang ibang bansa."- naiiyak na saad ni Amara.
" Huy stop crying ano ba baka mamaya isipin nila rito inaaway kita. It's normal to part ways mararamdaman mo talaga na minsan parang malulungkot ka kasi hindi na kayo gaya ng dati. Hindi na kayo palaging magkasama at magkausap but as long as nasa puso niyo ang isa't-isa distance does not matter anymore. Hindi naman masama mangulila kasi nasanay ka pero minsan kailangan mo tanggapin na kailangan niyo malayo sa isa't-isa para magkaroon kayo ng self growth pero hindi ibig sabihin non kakalimutan niyo na ang isa't-isa. Take it from me iha I have been there in exact situation years ago. Pero wala e acceptance is the key talaga."- Senator Imee
" T--than--thank you po"- nahihikbing saad ni Amara
Niyakap naman siya ni Senator Imee tas hinawakan ang kamay niya.
" Tara mag ice cream tayo sabi nila nakaka change raw ng mood"- Senator Imee
" Pero po--"- hindi na natapos ni Amara yung sasabihin niya nang bigla siyang hatakin ni Senator Imee at hawakan siya ng mahigpit.
" Tara na!"- Senator Imee
Wala na nagawa si Amara kung hindi sumama. Nang makapunta na sila sa convenience store ay pinapili na siya kung anong ice cream.
" Anong flavor gusto mo"- Senator Imee
" Ito nalang po dark chocolate"- nakangiting saad ni Amara.
" Ay parehas tayo pala may gusto ka pa ba?"- Senator Imee
" Wala na naman po okay na po"- Amara
Papunta na sana sila ng counter nang biglang napadaan sila sa chocolate section. Hinila ulit ni Senator Imee si Amara.
" Bili lang akong chocolates for my apo. Ikaw rin kuha ka ng gusto mo"- Senator Imee
Tumango lang naman si Amara habang namimili ng chocolates si Senator Imee ay para siyang batang akay-akay nito.
" I think my apo will love this"- Senator Imee at binitawan yung kamay ni Amara sa pagkakahawak at inilagay ito sa braso niya.
Nagulat naman si Amara at hindi maitago ang kilig niya.
Nang matapos na mamili si Senator Imee ay nagpunta na sila ng cashier.
" Sure ka ba wala ka ng gusto?"- Senator Imee
" Wala na po thank you"- nakangiting saad ni Amara.
" Ako na po magdadala"- Amara
" Hindi ako na"- Senator Imee at hinila ulit si Amara papunta sa may table para kumain ng ice cream.
" Hope you feel better"- Senator Imee habang kumakain ng ice cream.
" Opo thank you"- Amara
" Ahmm Senator May I ask a question po?"- Amara
" You already asking char oo naman go ahead"- Senator Imee
" About that friend po"- Amara
" Yes what about him?"- Senator Imee
" Nag-uusap pa po ba kayo ngayon? I mean in good term po ba kayo?"- Amara
" Ikaw ha pa showbiz yan tanong mo baka mamaya may hidden camera dito ha charot. Trust issue yarn?"- natatawang saad ni Senator Imee.
" Kidding aside yes we are okay now. We promise that despite of what happened we will became alliance of each other kahit kami lang kahit hindi kami naiintindihan ng maraming tao."- Senator Imee
" Mahirap po ba?"- Amara
" Yes sa start sobrang hirap kasi dumating yung point na hindi kami nag uusap kasi masyadong busy and malayo rin pero ngayon okay naman kasi alam naman namin na kahit anong mangyari kahit ano sabihin nila kahit kami nalang ang magkakampi kakalabanin namin sila kahit kami lang dalawa."- Senator Imee
Ngumiti naman si Amara.
" Thank you for this Senator Imee hindi ko po akalain na makakapag usap tayo ng ganito."- Amara
" You are welcome I know the feeling"- Senator Imee
" Miss mo na po ba siya?"- Amara
Tumungo naman si Senator Imee at muling tumingin kay Amara.
" Walang araw na hindi ko siya namimiss. I do really miss R----"
" Amara gising na ikaw na ata tinatawag doon sa interview"- saad ng isang babae na kasabay ko sa job interview.
Tiningnan ko naman siya ng masama at inayos ko na ang sarili ko.
" Sorry nagising kita kanina ka pa tinatawang by the way I am Raya and this is Isha nag aapply din kami ng work."- nakangiting saad ni Raya
" Hi"- Isha
" Hello sige mauuna na ako ha"- Amara
" Hay pero sige na nga gagalingan ko sa interview para may work na ako"- Amara's Mind.