~Ako Bahala sayo!~

15K 93 8
                                    

Aliyah's POV



"Aliyah anak mo?" Tanong ni Charlotte. I nodded.

"Hi! Cute little boy. Alam mo ba meron kang kamukha?" ngumiti ang anak ko.

"Kamukha ko po si Dada Aldrin right?"  Sagot ng anak ko. Pakiramdam ko matutunaw ako sa masamang tingin nya sa akin. Tinignan ko si Aldrin.

Tulungan-mo-naman-ako-please-look!

"Ah! Hon Tapos na ba ang trabaho mo?" What?? Anong ginagawa nya. Bigla na lang syang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi na ikinagulat ko. Arrgghh!

"Hon?" Sabay na sabi ni Harvey at Charlotte.

"Yeah! By the way She is my WIFE now." Pinanlakihan ko sya ng mata. Ano bang ginagawa nya? Nakakainis naman e.

"Ganun ba? Congrats Mr. and Mrs Yu. I hope Aliyah magkasya ka na sa isa." Patuya na sabi ni Harvey. Yumuko ako dahil alam kong may ibig sabihin ang sinabi nya.

Tumayo na sya at lumabas ng shop. Sumunod naman agad si Charlotte sa kanya.

"Aldrin bakit mo ginawa yun?" Tanong ko. Napasapo ako sa noo. Ano bang dapat kong gawin?

"Sabi mo tulungan kita." Umupo sya sa sofa at nagdekwatro pa.

"Pero hindi mo dapat sinabi na asawa mo ako. Like Duh! Paano pag nalaman to ni Michelle."




"Hahaha! Wag ka mag-alala. She will understand. At alam naman nya ang sitwasyon mo."




"Ewan ko sayo." napailing na lang ako. Pero kinabhan talga ako kanina. Nung sinabi ni Charlotte na may kamukha si Jaypee. Paano kung alam nya ang mukha ni Harvey nung bata pa sya. Natatakot ako. Buti wala ang anak kong si Arly.

Light my fireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon