~Date nga ba?~ part one

19.9K 123 0
                                    

 

Aliyah’s POV

 

Waahhhh!! Grabe nakakaantok talaga tong! Subject na to! Pwede bang lumubog na ako ngayon sa kinauupuan ko?

 “Psssssst.  Aliyah! Pssst”   ha? May tumatawag ba sa akin hay! Baka gui-guni ko lang yun tama! Nakakabaliw kasi si ma’am eh!

 “Aliyah! Dito sa may bintana” Ano ba yan? Nakakainis saan ba yun! Tumingin ako sa may bintana.

 Sus! Sya lang pala akala ko naman kun sino! Teka lang----

 “HARVEY?!?”  napalakas ata! Yung pagkakasabi ko nakatingin tuloy lahat ng classmates ko sa akin.

 “ yes? Ms. Aliyah? May problema ba?”

 

 “Ah! Ma’am w-wala po  eh! K-kasi po tinatawag na po ako ni mother earth” tapos nagtawanan naman yung mga chuva! Kong classmate at tinignan ko ng masama si rhoanne kaya tumahimik sya.

“Oh! Ganun ba? ok you may go! Baka dito ka pa magkalat” Ang sungit naman kung di lang kita teacher ee! Nasapak na kita.

“T-thank you po Ma’am” sabi ko na lang at lumabas na ako kaagad.

Asan na si harvey?

“Aliyah!” lumingon ako  nakita ko sya nakangiti, napangiti rin ako

 “Harvey! a–ano ginagawa mo dito?”

 “Na bored kasi ako kanina ee! Kaya pinuntahan kita”

 “Nyek ganun?”

 “Oo ganun talaga halika na!” hinawakan nya ko sa kamay naalala ko tuloy yung mga nangyari sa amin  Nakalahiya naman i-open ang Topic na iyon.

 “Harvey saan ba tayo pupunta? “ nakalabas na kami ng school gate.

 “Basta kung saan hindi tayo mabobored!”

 “Ok! “ sabi ko at naramdaman ko na lalo humigpit yung hawak nya sa kamay ko .

 After ng maraming oras nakarating din kami  sa aming destinasyon

“Ha? Orphanage?”  sabi ko at tumingin ako sa kanya

 “Yup! Kapag bored ako o malungkot dito ako nagpupunta, Masaya dito” at pumasok na kami sa loob .

 May nakita akong mga bata na naglalaro waahhh!! Grabe ang cute nilang lahat. :’3  ano ba yan!

“Harvey Ang cute naman nilang lahat parang gusto ko tuloy ng baby!”  Naintindihan  nyo ba yung sinabi ko ? kahiya naman yun.

 “ah! Eh? T-tara na dali”  bago pa sya makapagsalita . Lumapit na ang mga bata sa amin

“Kuya harvey!”

“Kuya buti dito ka play na tayo”

“I want to play baket ball”

“No! Daddy wants to play a barbie”

“He’s my daddy”

 

 ”hahaha!”   di ko talaga mapigilan ang tumawa. Nung naramdaman kong ako lang ang tumatawa tumigil na kaagad ako tapos nakatingin pa sila sa akin.

 May lumapit sa akin na batang babae at ngumiti ng nakakaloko tapos tumingin kay harvey.

 “Daddy! She’s my mommy right?” ha? Ako WHAT?!  Nakita ko si harvey na umupo para makapantay nya yung bata.

 “Yes! Baby she’s your mommy! Aliyah”

 O______O ??

 Pagkatapos nun! Lumapit sa akin lahat ng bata at tinatawag pa nila akong MOMMY what the?? Si harvey tinatawanan lang ako pero ok! Na rin =)

 Sya naman ang daddy eh!

“Diba gusto nyo maglaro? Tara laro na tayo!”

 “Yehey!”   

 

Sobrang saya ko talaga ngayon . Sana wag na matapos ang araw na ito

 “Grabe nakakapagod pala mag-alaga ng mga bata”  magkatabi kami ni harvey

“Syempre pero masaya naman diba?”

 “Oo naman pakiramdam ko nga naging bata ulit ko. Buti pa sila walang iniisip na problema”

 

Hindi na sya nagsalita pero naramdaman kong hinawakan nya yung kamay ko ang sarap sa pakiramdam.

 “Uyyy!  Tignan nyo sila mommy at daddy magkahawak ng kamay” aalisin ko na sana kaya lang lalong humigpit yung hawak nya. Napatingin ako sa kanya tumingin din sya sa akin

 “Please! Wag kang bibitaw “ nakatingin lang sya sa akin. Bakit ganun parang meron syang gustong sabihin sa akin di lang nya sinasabi.

 Ngumiti na lang ako at humigpit din yung hawak ko sa kanya

 “wag ka mag-alala hindi ako bibitaw”  ngumti na rin sya.

Light my fireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon