Chapter 2

3 2 0
                                        

Warning: You might encounter some typo and grammatical errors ahead. Please bear with me. Thank you & enjoy^^

***

Zhia's POV

Padabog kong ibinagsak ang aking bag sa aking kama. Kakauwi ko lang galing SEAISE (South East Asia International School for Elites). Mainit ang dugo ko ngayon. Pano ba naman kanina ko lang nalaman na kaklase ko pala yung bastos na Nicollo na yon! At ang malala pa eh scholar lang naman sya pero kung umasta kala mo may-ari ng school. Gets ko naman na sya lang naman ang newly elected SSG President ng SEAISE pero ang tratuhin akong ganto? Yun ang hindi ko maintindihan. No one ever treated me that way! And no one ever disrespected me except him! He's such a pain in my ass! Gosh!

Habang nagmumukmok ako ay hindi ko napansing nakapasok na pala ng aking kwarto si tiya Isabel. Nang magtama ang aming mga paningin ay kita sa kanyang mga mata ang pagtataka. Marahil ito ay dahil sa aking nakabusangot na muka at sa magulo kong buhok na kanina ko pa pala nagugulo dahil sa sobrang inis.

"Ano ang nangyari sa iyo señorita?" tanong nito sa akin na may bahid ng pagtataka at pag-aalala. Inabot ni tiya ang aking ulo atsaka dahan-dahang inayos ang magulo kong buhok. Malalim na lamang akong napabuntong hininga atsaka napungosong tumungin sa kung saan.

"Eh kasi ho tiya someone really ruined my day. As in ruined tiya! As in sinira nya ng bonggang-bongga!" paghihimutok ko. Napangiti na lamang si tiya Isabel pagkatapos ay umupo sa aking tabi. Kinuha nya ang hair brush ko na naiwan ko kanina sa table ko kung saan nakapatong ang aking lampshade.

Nakangiti akong tinignan ni tiya pagkatapos ay marahang sinuklay ang aking mahabang buhok. Napabuntong hininga na lamang muli ako. Nakakarelax talaga kapag sinusuklayan ako ng ganito ni tiya Isabel. Sa tuwing nalulungkot ako, nagagalit o masaya dahil sa bagong achievement na nakamit ko sa araw na iyon ay hindi nakakalimutan ni tiya Isabel na suklayan ako. Nakasanayan na nya iyong gawin sakin. Nakakawala ng stress at pakiramdam ko ay isa lang akong simpleng bata sa twing sinusuklayan nya ko.

Magmula ng ikasal ang aking mama at papa ay trabahante na ng 'Mansión de Torres' si tiya Isabel. Una syang naging hardinera sa malawak na hacienda ng mga Cruz na kalaunan ay naging kasambahay ng mga Torres. Kaya hindi na kataka-taka na gamay na gamay na ni tiya Isabel ang buong mansion na ito pati na rin ang mga taong nakatira dito at isa na ako roon.

"Alam mo señorita noong kabataan ng iyong mama katulad na katulad mo siya. Lagi ring abala ang mama mo noon sa estudiar halos lagi na lamang namamalagi sa kanyang silid-aklatan." pagku-kwento sa akin ni tiya. Tahimik lamang akong nakikinig sa kanya at iniimagine ang dating buhay ni mama noong sya ay dalaga pa.

Ang kwento noon sa akin ni tiya Isabel ay namana ko di lang ang ugali ni mama kundi pati narin ang wangis nito noon. Matapang at nagpapahiwatig ng otoridad ang aming mga mata. Hindi ganoon ka kapal ang kilay ngunit mahaba ang pilik-mata. Matangos ang aking ilong at natural na mapula ang aking mga labi. Mayroon din akong mga pekas sa muka at ibang bahagi ng aking katawan dahil na rin siguro sa may lahi akong espanyol at portuges.

Patuloy lamang sa pagkwento at tahimik naman akong nakikinig. Maya-maya pa ay nagpaalam na sa akin si tiya at sinabing babalik nalamang sya mamaya. Nang mag-isa nalang ako sa aking kwarto ay napabuntong-hininga nalamang ulit ako at saka napagpastahang maglinis ng katawan.

***
Nagpupunas ako ng aking buhok habang naglalakad papunta sa aking wardrobe. Nang buksan ko ang kwarto ng aking lalagyan ng pambahay at pangtulog. Kumuha lang ako ng pajamas at saka ito isinuot pagkatapos didiretsyo na sana ako palabas ng silid na ito ng biglang may mahagip ang mga mata ko. Nilapitan ko ito ay napangiting kinuha ang maliit na litratong nakapukaw sa atensyon ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Chaotic Love Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon