Warning: You may encounter some grammatical and typographical errors. Please bear with me. Thank you and enjoy!!
***
Zhia's POV
"Buenos Dias Señorita Zhandrria!" bati sakin ng mga 'criada' pagkalabas ko ng aking kwarto. Nakapila na sila sa labas ng kwarto ko habang bitbit ang aking mga gamit at nakayukong nakaharap sa akin. Anim silang naririto sa harap ko. Ang isa ay hawak ang aking bag, ang isa naman ay hawak ang aking sapatos, habang ang iba ay hawak ang aking roba at bitbit ang aking uniporme pampasok sa paaralan. Good morning young lady Zhandrria!
"Buenas Dias din. Solo ponlo en mi camerino por favor." pakiusap ko sa kanila. Agad naman silang tumango at naglalakad ng patalikod habang nakayuko parin sa akin. Nang ilang metro na ang layo nila ay saka lamang sila tumalikod at lumakad papuntang powder room ko. 'Good morning too. Just put it on my dresser please.'
"Tiya Isabel, sinabi ko na po sa inyong wag nyo ng bitbitin ang mga gamit ko marunong naman po akong maglakad tiya." naiiling kong sabi sa kanya. Masyado kasi nila akong iniispoiled. Kahit sa mga simpleng bagay na kayang-kaya ko namang gawin ay ayaw nilang ipagawa sa akin. Ni kahit paghakbang ay hanggat maaari ay hindi nila ipapagawa. "Señorita, alam mo namang ayaw ka lamang naming mapagod lalo pa at simula na naman ng iyong pasukan. Paniguradong ika'y pagod na naman kakaaral." tugon niya.
"Pero tiya, Ya soy lo suficientemente mayor para hacer todo por mi cuenta. No tienes que tratarme como una princesa solo porque soy la sucesora." dagdag ko pa. I'm old enough to do everything on my own. You don't have to treat me like a princess just because I'm the successor.
"No señorita, this is an order from your Mama and Papa. Y ademas eres realmente una princesa. Naikwento ko na sa iyo ang tungkol roon hindi po ba?" wika niya. And you really are a princess.
"Sì sì, just please let me do some work tiya. Nakakapagod rin ang palaging nakaupo." sabi ko sabay pa cute sa kanya. Natatawa naman nya akong tinignan habang tumatango. "Será seguido." sagot niya.
Nginitian ko na lamang sya bago pumunta sa katabing kwarto ng aking isa pang kwarto. Marami akong silid dito sa aming mansion. Sa katunayan ay sakop ko ang buong kanang pasilyo sa ikalawang palapag ng aming mansion. Sa sumatutal ay lima ang aking mga kwarto. Isang shower room, powder room, bedroom, dressing room at study room na mayroong mini library sa loob. At ngayon nga ay pumasok na ako sa shower room para maligo dahil unang araw ng klase ko ngayon bilang Senior high school graduating student sa South East International School for elites.
South East International School for elites is an elite school for student who belongs to the richest family all over the world. It also for students who came from a royal families and heiress of the multi- millionaire families. In short its only and exclusively for richest people. Scholar students or should i call it 'outsider' are not allowed to enroll in our school. It is to maintain the elite image of the school.
***
Kakatapos ko lang maligo at nakaroba akong pumunta sa aking dressing room na katabi lamang ng aking shower room. Kinuha ko ang uniform ko na maayos na nakasampay sa sampayan ko. Korean styled uniform ang design ng uniform namin. Kulay navy blue ang coat ko na may dalawang butones sa bandang upper tummy at belly button at may logo ng school sa kaliwang dibdib. Mayroon din itong dalawang bulsa sa magkabilang bahagi ng coat ko at navy blue ang necktie ko na checkered while plain white naman ang panloob na polo. Ang skirt ko naman ay navy blue din na chekered ang design katulad ng necktie ko.
Sinuot ko na ang uniform ko pagkatapos ay kinuha ang aking black school shoes and black socks na hindi aabot sa tuhod ang haba. Matapos nito ay lumabas na ako sa aking dressing room dala dala ang aking bag at pumasok ulit sa aking bedroom dahil doon nakapwesto ang aking tukador. Nilapag ko muna ang aking bag sa aking higaan atsaka umupo sa harap ng aking tukador. Nag-apply lang muna ako ng light make up at saka inayos ang aking buhok. Nang matapos ay nag-spray lang ako ng konting pabango saka pumwesto sa tapat ng aking full-length mirror at tinignan ang aking itsura mula ulo hanggang paa. Kinuha ko ang aking bag at isinukbit sa aking kanang balikat saka kinuha ang aking cellphone to take a picture of me and posted it on my instagram account.
BINABASA MO ANG
Our Chaotic Love Story
Novela Juvenil"Do not settle for 2nd best." This was the only words that Zhia always hears from her mom. Well, not really. Because aside from that there's also 'Make me proud' and 'Don't embarrass me' words that she always hears. It makes sense though. She's a su...