Chapter 4
"My naman.... Kahit 15 lang?? Ayaw mo talaga?"
"Ikaw pumili nyan diba?? Panindigan mo"
"Eh sige na?? please? 15k lang?" Mas lalong pagmamakaawa ko kay mommy. Pano ba naman kasi! 15k lang naman eh! Parang hindi anak.
Kavideocall ko kasi sya ngayon dahil pumunta dito yung landlord ng apartment na nirerentahan ko, pag hindi raw ako nag bayad this month sya na raw mismo ang maglalabas ng mga gamit ko.
Tapos eto namang mga magulang ko ayaw manlang ako tulungan! Actually may trabaho naman talaga ako para makabayad ng renta kaso wala, umalis ako, bastos yung amo eh.
"Akala ko ba you can live independently na?? Without our help?" Mas kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Even if I want to give to your 15k, I can't honey, talk to your papa first"
Isa rin yong si papa! Akalain mo?? Sinabi ko lang naman na I'm a grown up woman na and kaya ko nang mabuhay independently edi ayon hindi na'ko binigyan ng pera. Ang sama nila sakin!
"Mangutang ka nalang kila Shamy, papautangin ka naman non" nakangising sabi nya sakin.
Uminit naman ang ulo nang matandaan yung time na nangutang talaga ako sa isa sa kanila. Grabe yung tubo nila, mas malaki pa sa inutang mo! 50k lang inutang ko, tas yung binayaran ko 150k! Hinding hindi na mauulit!
"That's just a small problem my dear, gamitin mo kasi yang utak mo, I know you can solve it." Pagtapos nya sabihin yon ay pinatayan na'ko. Humiga ako sa kama at ilang ulit huminga ng malalim.
Kahit naman kasi mag hanap ako ng trabaho hindi rin agad ibibigay ang sweldo ko. Huminga ulit ako nh malalim bago bumangon sa kama nang makita ko sa orasan na may Isang oras nalang ako para pumunta sa AU.
Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep ay pinuproblema ko ang pambayad sa renta. Kung wala pang pinapabiling materials prof namin edi sana konti lang yung kulang kong pera para makabayad, mga 10k.
Mga 15 minutes rin akong nakipag unahan sa iba pang estudyante rito na makasakay. Mga tumitingin pa nga ang iba sa akin, dahil siguro sa uniform ko. Sikat rin kasi yung Alzavera University, known as one of the best universities. Kadalasan yung mga nag-aaral dito ay galing rin sa mga sikat na pamilya, kagaya nung apat kong mga alipin. Akalain nyo? Galing sila sa known families pero mga alipin ko lang.
Tumatanggap naman sila ng scholarships kung pasok ka sa standards nila. Like me! Pasok na pasok ako sa standards nila kasi I have beauty and of course the brain, malamang.
Nakeri ko naman kung examinations kahit konti nalang ay puputok na ang utak ko sa hirap ng questions. Pwede namang ipasok na agad ako nila mommy kagaya ng ginawa ng parents nila Clea kaso walang thrill, edi ayon, nag apply nalang ako ng scholarships para may thrill manlang.
"bes akala ko ba mga mayayaman nag aaral sa Alzavera? Bat nag jjeep lang 'yon oh" rinig kong bulong ng kaharap ko na agad ring nag iwas ng tingin nang mapatingin ako sa narinig.
"Pangit mo bumulong miss, medyo hinaan mo pa para hindi ko marinig" saad ko at ngumiti sa kanya. Totoo naman? Pangit na nga, pangit pa bumulong. Doon na nga kang sya babawi hindi pa nagawa. Hindi naman ibig sabihin na pag sa university ka ng mayayaman bawal ka na mag jeep diba??
"Manong magkano po pag hanggang AU?" Tanong ko sa driver. Ngayon nalang kasi ako nag jeep, last na sakay ko last month pa kaya baka tumaas na yung bayad. You know, Philippine things, bilis tumaas ng mga bagay bagay.
YOU ARE READING
Just Say You Won't Let Go
Romancenya DATE STARTED : January 29 2023 DATE COMPLETED : - - 20 -