Chapter 3
"Oy Eya! Oks kalang?? Tulala ka pookie pie ko" may pagaalalang tanong sakin ni Shamy.
Kanina pa'ko nakabalik dito sa table kung saan kami naka pwesto at hindi rin naman nag tagal ay bumalik narin so Shamy.
After sabihin sakin ni ate Danya kung sino yung babaeng nasa parking lot kanina ay hindi na mawala sa isip ko ang pangalang nya.
Helena Amelia Soliel T. Baldivia... Ang pamilyar kasi ng name nya?? Parang narinig kona kung saan??
Well sikat nga raw sabi ni ate Danya baka kaya rin siguro pamilyar yung name sakin? Pero hindi eh, parang kilala ko na sya dati hindi ko lang matandaan??
"Sha.." tawag ko sa pangalan nya kaya naman natigil sya sa paginom at tumingin sa akin. Kaming dalawa nalang ang nandito dahil kanina pa umalis si Clea at Rain para samuyaw, si Lanna ay kaalis lang, hindi raw sya makapag focus maglaro rito at maingay. Gago rin to eh, bat kasi dito naglalaro??!
"Yes??" Sagot sya at ibinaba ang basong hawak
"Diba para sa pinsan mo 'tong party??? sinong pinsan mo??" Medyo may pag aalangan Kong tanong sakanya.
Napaayos sya ng upo at ngumisi sa akin na para bang nang gagago lang. Luh?? Nurse gising na sya!
"IHHH ikaw ah! Bakit curious ka kung sinong cousin ko??" Mapaglarong saad nya at sinundot sundot ang tagiliran ko. Lord pigilan nyo'ko at baka masapok ko to ng wala sa oras.
"IHHH!! IHHH!! IHHH!! Miss mo?"
"Ha??" Pinagsasabi nito??? Minsan talaga ay hindi ko alam kung bakit ganito 'tong babaeng to, hindi naman ganyan ang iba nyang pinsan.
"Mamaya papakilala kita pag nag alisan na yung iba kaya stay ka muna dyan, masyado kang excited" nakangiti nya pa ring saad sa sakin at tinapik ang balikat ko bago tuluyan nang uminom.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya at nag uninom nalang din. Hindi ko alam kung anong oras na pero bahala na. Hindi naman daw papasok si Professor Dela Fuente, at yung plate namin sa kanya ay doon nalang namin ilagay sa office nya, kaya ang pasok na namin hapon na.
Saka ano daw??? Excited?? Wala naman akong paki alam sa Helena na'yon. Kahit pa sakanya yung Mon Zeiel na wala akong paki sakanya. Mas maganda pa nga ako don.
Hours passed and isa isa naring nag paalam ang ibang mga tao rito para umuwi. Kaming lima nalang nila Clea at iba pang relatives ni Shamy ang natira rito.
Lumipat na rin kami malapit doon sa pool area dahil kami nalang rin naman ang tao sa loob, at lahat ng pinsan ni Shamy ay narito.
Nag siswimming sila sa pool at nag babatuhan ng mga balloons na parang bata. Kasama ring nag siswimming sila Clea kaya ako lang ang naiwan dito sa table, ano?? sasama ako??? hindi nga ako marunong lumangoy, edi baka malunod pa'ko?? Edi mamamatay ako?? Tapos pag namatay ako kawawala sila kasi wala na silang makikitang maganda every minute, every second, at everyday?? Wag na, dito nalang ako.
"COME ON EYA!! Join us!!" Rinig kong sigaw ni Clea mula sa swimming pool.
"Oo nga Eya! Join us!! We'll accompany you naman para hindi ka malunod!!" Rinig ko pang sigaw ng Isang pinsan ni Shamy na si ate Celine para pilitin ako.
"Tara na Eya!! Show us that sexy body of yours!!!" Mas lalo pang pag pilit sa akin ni Shamy. Tinignan ko sya ng masama bago irapan.
Minsan(madalas) masarap rin talagang lagyan ng tape sa bibig iting si Shamy eh! Ayaw ko nga!! Simpleng ayaw hindi maintindihan! Kaya ayaw Icrush back ng crush nya eh. Buti nga sa kanya , deserve na deserve.
YOU ARE READING
Just Say You Won't Let Go
Romansanya DATE STARTED : January 29 2023 DATE COMPLETED : - - 20 -