Chapter 1
Grabeng ingay ang nadatnan ko nang pumasok ako sa room namin. Parang mga hindi nag grade 2 naman tong mga to, hindi pa nagsisimula ang klase pero yung kalat parang uwian na.
Hinanap agad ng mata ko ang president namin. Nasan na ba'yong babaeng yon??! Bat nga ba naging president pa'yon eh ayon nga laging nauuna sa katarantaduhan.
"Eya!! my lovie pookie pie!!"
"Omg I missed you baby loveydabs my honey bunch toppings sa cupcake ko!"
Ayan agad ang lumabas sa bibig ni Shamy nang makita nya'ko. Naka-upo pa nga sa lamesa at nakataas pa yung isang para na parang nasa bahay lang.
Mukha bang president yang babaeng yan? mas pwede pa syang tambay sa kanto, yon! bagay sakanya.
Gulo-gulo narin yung buhok at gusot-gusot na yung uniform, mukha syang pinalayas sa bahay at pumasok lang sa school kasi walang choice, pwede rin syang galing sa gera at sya lang yung naka survive. Mukha syang dugyutin, oo dugyu- Luh sabi ko hindi na'ko manlalait, pero 100% true naman kasi na mukha syang dugyutin kaya deserve naman.
Inilagay ko nalang yung bag ko sa upuan na katabi nung sakanya at hindi sya pinansin. Kulang ba naman sa pansin nila tita at ko ang ginugilo.
"Ano?" Sabi at tingin ko sakanya.
"Samahan m-"
"Ayoko" Hindi pa sya tapos magsalita ay sinagot ko na sya. Ano bang pumasok sa utak neto at nag-aaya pa eh malapit na mag start yung klase.
"Malapit na mag start yung klase lalabas ka pa"
"Tara na, sandali lang talaga. Mamaya baka pumasok na sya sa classroom, kaya tara na" Pag pupumilit nya sakin at hinihila pa ang braso ko para tumayo.
"Hoy Pres akala ko ba si Eya lang??" pakikisali ng Isa naming kaklase sa amin. Ngayon ko lang din napansin na pinagtitunginan na kaming dalawa dito sa classroom.
"Don't worry Pedro de pande coco, yung kabet ko lang yung pupuntahan namin pero kay pookie pie parin yung puso't buong pagkatao ko" aniya at niyakap pa'ko na ikinakilig naman ng mga hayop dito sa loob ng classroom.
Diri ako humiwalay sakanya at inirapan sya. Kaya kami laging issue dito sa classroom eh! Girlfriend daw ako ng babaeng dugyutin na'to. Dapat kapag friend, friend lang.
"Ayaw ko, ikaw nalang lumabas"
"Sige na lovey ko. Treat kita mamaya" Saad nya at ngumiti pa sakin na akala nya ay ikinacute nya naman eh mas naging mukha pa syang aso.
Hanggang dumating si Professor Chavez ay hindi ko sya pinansin kaya padabog syang umupo sa tabi ko at hindi ako kinausap hanggang matapos ang klase namin na isinawalang bahala ko nalang. Mamaya ko nalang sya sasamahan.
Nang matapos ang klase ay mas nauna akong lumabas sakanya at hinintay nalang sya roon.
"Tara na" saad ko at nagsimula nang maglakad ng lumabas sya sa classroom namin. Hindi naman nag tagal ay sumunod rin sya at inakbayan ako. Same height lang naman kami kaya hindi rin ako nahirapan.
"Hindi ba natin sasama sila Rain?" Tanong ko sakanya. Kanina ko pa hinahanap yong mga yon ni isa sa kanina hindi ko nakita.
Lakas mga mag sabi na hintayin daw sa gate para sabay-sabay pumasok! mga hindi naman nagpakita! Muntik pa'ko malate.
YOU ARE READING
Just Say You Won't Let Go
Storie d'amorenya DATE STARTED : January 29 2023 DATE COMPLETED : - - 20 -