Chapter 4:
Behind the ScenesTHIRD PERSON'S POV
(Mga nangyari na hindi nabanggit sa last chapter)Bago pa man dumating sina Pershe at Bobby sa party ay nagkakasiyahan na ang ibang imbitado sa party lalong-lalo na ng team kasama ang kani-kanilang mga harlot- este date.
Sa kabilang banda naman ay nasa table lamang ang magkasintahan na sina Tanya at Junhoe. Inis na inis si Tanya kay Junhoe at gayon din si Junhoe kay Tanya dahil sobrang kulit nito sa kanya at todo hablot ng braso. Hindi niya alam kung nananansing ba si Tanya o ano.
"Ang likot mo, kumain ka na nga lang." Sabi ni Junhoe sa malikot na si Tanya. Kanina pa talaga nagpipigil si Junhoe na magsalita dahil against siya sa Child & Woman Abuse.
"Mahiya ka nga, ang pormal pormal ng suot mo pero para kang butiking tigang diyan." Muling sambit ng mataray na si Junhoe at nagpatuloy sa pagkain, kaya naman napairap at napa-buntong hinga dahil sa kasungitan nito.
"Hindi mo ba alam na-"
"Hindi mo ba alam na may ka-eyeball ako?" Sabi at maarteng pang-ga-gaya ni Junhoe kay Tanya.
"Alam na alam ko na 'yan Tanya. Sana hindi mo na ako binoyfriend kung puro ka naman eyeball." Pagdadrama nito kay Tanya at saka humarap sa ibang direksyon na animo'y batang nagtatampo.
"Wow naman huh! Sino ba sa atin ang nagpumilit na magiahsdjajaklalamx- PUNYETA ANGHANG!" Malakas at malutong na mura ni Tanya ng subuan siya ng pagkabilis-bilis ng kanyang boyfriend kuno ng isang kutsarang punong-puno ng chili powder.
Nag-si-tinginan naman ang mga tao sa kanilang dalawa kaya naman dali-daling uminom si Tanya ng sandamakmak na tubig.
"It's bad to cuss when you're eating, babe." Matawa-tawa na malandi pero mahinahon na sabi ni Junhoe sabay kindat sa kanyang girlfriend na nagpa-kilabot naman kay Tanya, hindi dahil sa kilig kundi sa pandidiri.
Sa kabilang banda naman ay nagkukwentuhan sina Yunhyeong, Jinhwan, Chanwoo, Hanbin at Donghyuk sa may bar kasama ang kanilang mga date na halos matanggalan na ng eyeballs dahil sa kakairap sa isa't isa. Habang nagkukwentuhan ang magto-tropa ay hindi mapakali ang isa sa kanila na nag-ngangalang Kim Donghyuk.
Kanina pa napapansin ng nakababata ang hindi mapalagay na si Donghyuk kaya naman napagdesisyunan ng barkada na kausapin siya.
"Pre, ayos ka lang?" Tanong ni Chanwoo kay Donghyuk kaya naman agad siyang umiling dahil iyon ang totoo, hindi siya ayos, alangan namang magsinungaling pa siya eh ang simple simple lang ng tanong ni Chanwoo.
"Pakshet na malupet kasi mga tol eh, ang tagal magreply ng katext ko." Problemadong sambit ni Donghyuk kaya naman napasapo sa noo ang kanyang mga kaibigan.
"Pare, textmate lang pinoproblema mo pa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hanbin na lalo namang ikinainit ng ulo sa taas ni Donghyuk.
"Mga tol, ka-eyeball ko 'to eh! Eyeball prend!" Taas noong sambit ni Donghyuk.
"Pare, eyeball na naman?! Hindi ka ba nagsasawa sa eyeball eyeball na 'yan? Pang-14th attempt mo na 'yan pero halos puro bakla at transgender naman 'yang mga nami-meet mo." Concerned na sabi naman ng nakatatanda na si Jinhwan.
Alam ni Donghyuk ang punto ni Jinhwan dahil totoo nga na nakailang beses na siyang nakipag-eyeball pero puro bakla at transgendet naman ang kanyang na-mi-meet. Pero wala siyang duda at confident na confident pa si Donghyuk na hindi bakla at hindi transgender ang kanyang ka-eyeball ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/37209697-288-k590660.jpg)
BINABASA MO ANG
7 Ways to Get Bobby {ikon}
FanfictionSeven ways to get Bobby. I swear to the River Styx, makukuha ko si Bobby of my life! But what if it turned out to be 'someone' else?