Chapter 3

239 24 18
                                    

Chapter 3:
Staring


Halos masabunutan na ako ni Tanya sa sobrang inis niya sa akin dahil sa gusto kong isuot para sa party mamaya.

What's wrong with wearing a black-sleeved dress, black stockings, black pumps, black accessories and black purse?! Atleast hindi black ang buhok ko at ang complexion ko, but pale.

"Stupid! Victory party ang pupuntahan natin at hindi lamay!"

"I mean, pag party, party talaga! Super formal ng party ng mga Kim, kahit mapa-casual party pa yan!"  Pagpapatuloy ni Tanya habang nagpipigil ng inis.

Oh diba! Nagpipigil pa siya ng inis sa lagay na 'yan. "Now, wear this!" Hinagis niya sakin 'yung hawak hawak niyang gown na red. Maganda rin naman siya pero I prefer black talaga. Duh! Black is beauty kaya!

Tiningnan ko nalang siya ng masama at kinuha yung damit, "Fine! I'll freakin' wear this. Now, go out! Shoo! Umalis ka na rito. Kakaunin ka pa ng supportive mong boyfriend!" Sabi ko at umalis na nga siya.

Pagkatapos kong magbihis, nag ayos na ako ng mukha. Tiningnan ko yung buong sarili ko sa salamin. Wow, I have to admit, maganda nga yung damit pero siyempre maganda rin yung nagsusuot. Lumabas na ako ng kwarto at akmang bababa na ng hagdan ng may nakita ako salas!

Holy macaroons!

Andun si Bobby sa sala. Pusheen naman! Bakit hindi manlang ako kinatok ni Nanang at bakit hindi niya sinabi na may god pala sa loob ng apartment namin!

"Oh andyan na pala si Pershe," Sabi ni Nanang kaya naman agad napatingin sakin si Bobby. Magsasalita sana si Bobby pero agad akong bumalik sa kwarto ko.

Oh my gods putanginersersers!

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pumunta ako sa harap ng salamin at muling inayos yung itsura ko. Sana nag-black nalang talaga ako! Mukha akong bampira sa suot ko! Kulay red tapos ang putla putla pa ng complexion ko.

Huminga ako ng malalim at kinuha yung purse ko. Nilagay ko yung mini notebook ko sa loob ng purse at lumabas na. Hahakbang na sana ako, pero mas mabilis pa sa speed of light ang galaw ni Bobby at nahawakan niya yung kamay ko.

"Careful." Alalay sa'kin ni Bobby. "Thanks." Ngiti ko naman sa kanya. Nginitian niya naman ako.

Putanginersersers! Thank you, gods and goddesses! Oh my gosh! Isa tong blessing para sakin! At thank you din sa mala-tower kong heels at sa gown na 'to! Kung hindi dahil sayo heels at gown, hindi ko mahahawakan kamay ni Bobby! Thank you, Tanya! Charot!

"Pag umiibig nga naman, hala sige, magiingat kayo." Sabi ni Nanang. Lumabas na kami at sumakay sa kotse niya. May sarili siyang kotse. Naiinggit ako!

Hindi kami nag-iimikan pero halos mangiwi na yung cheekbones namin sa pagpapalitan namin ng ngiti hanggang sa makarating na kami sa venue. Which is sa bahay niya- I mean mansion. I won't consider this as a house, but a mansion. Sobrang laki.

Lumabas na kami ng kotse. Kinuha niya yung kamay ko at sinabit niya yun sa braso niya. Gusto ko sanang magtitili at gumulong pero tiniis ko nalang yun kasi baka pagkamalan nila akong baliw- sabagay, baliw nga pala ako. Baliw kay Bobby.

Pumasok na kami sa loob ng mansion. Halos lumuwa na yung mata ko sa sobrang daming tao.

Napakaraming tao, na animo'y may grand ball pero victory party lang naman. May stage din sa gitna. Pabilog yung stage para makita iyon lahat ng taong nandito.

"Bobby!" Agad kaming napatingin ni Bobby sa sumigaw. Si Hanbin pala at yung iba pa. May mga kasama rin silang mga babae. Their date, maybe?

Kapansin pansin naman 'yung date ni Hanbin gawa ng kulay ng buhok nung girl. Kulay green. Parang seaweed lang. Ang sama ng tingin niya sa'kin pero nginisian ko siya. Pero napansin kong walang kasamang babae si Junhoe! Hindi niya kasama si Tanya? Kumalas muna ako kay Bobby, dahil busy rin naman siya sa pakikipagusap samantalang si Junhoe tahimik lang. Lumapit ako sa kanya.

7 Ways to Get Bobby {ikon}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon