14 : Jokes

492 20 1
                                    


~
( Lance's POV )

Hyung, ikaw muna ang magbantay jan sa tatlo. Nasa trabaho kaming dalawa ni Kurt hyung. Bahala ka na sa kanila. Just take care of them. We'll be back as soon as we finished our work.
P.S: DON'T MAKE THEM CRY.
~Jacob.

Psh.. bat hindi na lang ila naghire ng babysitter? I dont want to stay here in the house with this kids. Sobrang boring. Tsaka alam naman nilang hindi ako marunong mag alaga ng bata! Aish.

"Jacob hyung, where?"
Tanong ni Minguk sa akin. Eto pa nga lang isang toh, di ko na matagalan, tatlo pa kaya? Lagot talaga kayong dalawa sa akin makita niyo.

Hindi ko siya pinansin. Bahala siya jan. Ang kulit kulit niyang batang yan. Kaya lang ako kinakausap niyan kase gutom siya.

Pumunta ako sa sala at naupo a sofa. I dialed Kurt's number. Nakailang missed calls na ako pero wala pa ding sumasagot. Busy ba talaga sila? O nagbibusy-busyhan?

Napansin ko naman na parang walang maingay. Nasaan na kaya yung tatlo? Matignan nga.

Lumabas ako sa sala para hanapin sila. Asan na ba yung mga kiddo na yon? Tinataguan ba nila ako?

Nakadaan na ako sa mini library ko ng mapansing nakauwang ang pinto nito. Bumalik ako para isara iyon ng mahagip ng mata ko ang ginagawa ng triplets sa loob.

Nabagsak ko ng malakas yung pinto kaya lahat sila napatingin sa akin. Halos magwala na ako sa galit ng makitang kino-color-an nila ang mga English pocketbooks ko. Shit! Anong kalokohan naman yan ngayon?!

"What did you do?!"
Naiinis na tanong ko sa kanila. Lumapit ako at isa isang kinuha ang mga libro sa kanila. Tinignan ko toh. Hindi na mabasa ang ilang pages dahil sa color.

Tahimik lang silang tatlo. Napakamot ako ng marahas sa batok. Fvck men. Mga collection ko toh tapos kinoloran lang nila. Mahal din ang bili ko dito ah!

Ayan ka na naman. Pagagalitan mo na naman ang mga bata. Kakabasa mo lang na wag silang paiyakin pero anong ginagawa mo? Bumili ka na lang kaya ng bago kesa naman paiyakin mo ang mga yan. Ang init masyado ng ulo mo.

"Hyung, mianhe.."
Sabi ni Daehan na nakasimangot. Tss.. pasalamat sila bata sila kundi! Nevermind.

Ibinalik ko na lang sa shelf ang mga libro at dinala ko sila sa labas. Kulit talaga ng mga toh. Mabuti na lang, hindi yung paboritong libro ko ang nadali nila.

"Diyan lang kayo. Walang lalabas hanggat di ako bumabalik okay?"
I said before closing the door. Iniwan ko muna sila sa playroom. Aayusin ko kasi yung mga damit na isusuot nila mamaya. Dadalhin ko na lang sila sa mall. Baka ibang bagay na naman sa bahay ang mapa tripan nilang laruin eh. Tch.

°°

"Yah! Daehan, wag kang tumalon!"

"Minguk! Baka madulas ka!"

"Binabalaan kita Manse. Wag mong ihahagis sa akin yang tabo na may tubig. Kundi--"

Oh fvck. Ang titigas ng mga ulo nila. Kakasabi ko lang kanina na wag akong basain eh. Tsk.

Eto ang pinakamahirap gawin sa lahat. Ang paliguan sila. Malay ko bang ganito ang mangyayare? Hindi naman ako ang nagpapaligo sa mga yan eh.
Kung mahirap silang kabitan ng diapers, mas mahirap namang silang paliguan. Pati ikaw mapapaligo ng wala sa oras eh.

"MAKIKINIG BA KAYO O PAPALUIN KO KAYO SA PWET?"
Naiinis na talaga ako. Unting unti na lang! Nauubos na ang pasensya ko.

Tumigil naman sila sa kakulitan nila. Yan, ganyan dapat. Kailangan pa palang magsungit ako para lang sumunod sila eh. Tsk. Tinatry ko na ngang maging mabait sa kanila, ayaw naman sumunod sa akin.

Living with these Cute Little BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon