49 : Blood Donation

295 11 3
                                    


~~
( Kurt's POV )

Kasalukuyan akong nasa tapat ng ospital. Naghahanap ng maiinom sa maliit na vending machine. Nakakainis nga, bakit ba ang liit nito at kailangan ko pang yumuko. Masakit na nga ulo ko, idagdag mo pa tong likod ko -_-

"Weak naman neto. Wala man lang beer o kaya kape tsk"
Kinuha ko ang isang can ng softdrink at binuksan iyon gamit ang isang kamay.

Bumili din kasi ako ng gamot ni Manse. Ang dame nga at nauubos na ang laman ng atm ko dahil sa mga gastusin. Hays, nakailang bili na ako pero ganun pa din siya. Kalbo, payat at maputla.

Palihim kong sinipa ang walang kwentang vending machine na yon. Kainis kasi, dapat hindi na sila gumagawa niyan kung ampapanget naman ng mga inumin na nakalagay diyan.

"Pati ba naman vending machine, binubully mo? Dang sama talaga ng ugali neto e"
Natigil ako sa pagsipa doon. Hindi ko na kasi tinigilan, nakakagigil.

"Wag ka nga! Tss"
Hindi ko kaagad napansin na si Eun Mi pala yung kausap ko. Napatingin ako sa kanya ng dalawang beses at napanganga sa gulat. I didnt expect her here!

"Hoy! Anong ginagawa mo dito?"

"Wow. Kung maka-hoy ka naman, parang pag aari mo na tong lugar na to"
Inirapan niya ako. Parang nagtatanong lang e.

"Napaka mo! Diyan ka na nga. Pupuntahan ko na si Manse at baka gising na yon"
Tumapat ako sa pedestrian lane habang hinihintay ang pag-green ng light. Nang maggreen ito, nagsimula na akong maglakad patawid. Nagulat na lang ako ng makita ko siyang nakasabay sa akin.

"Saan ka pupunta?"

"Bakit, kailangan bang malaman mo lahat ng pupuntahan ko ha?"

"Aba kanina mo pa ako pinipisolopohan ah! Makakatikim ka na talaga saken"

"Mukha mo! Panget mo talaga"
Naiinis na ako sa kanya kaya binilisan kong maglakad. Dire-diretso lang ako sa paglalakad nang mapansin kong nakasunod pa din siya sa akin.

"Bakit mo ba ako sinusundan?"

"Malamang hindi ko alam kwarto ni Manse! Duh!"

"E bakit ka ba pupunta don? Tsaka sino ba nagsabi sayo na nandito kami? Napakatsismosa mo talaga!"

"KAPAL NG MUKHA MO. E sa gusto kong bisitahin si Manse e! Baket? Ikaw ba ipinunta ko dito? Tsaka si Jacob nagsabi saken! Feeling mo!"
Sinipa niya ako. Argh, bakit ba napakasadista nitong babaeng to. Ang liit naman niya. Banatan ko to e -_-

"Bahala ka diyan. Tss, panget mo talaga. Bansot pa"

"Panget mo din! Kaya walang nagkakagusto sayo e"

"Wow saken pa ha? Baka naman sayo? Sa liit mong yan, may makakapansin pa ba sayo? Dream on"

"Sa yabang mong yan may magkakainteres pa sayo? Puro yabang ka lang naman!"

"Maam, sir.. pakihinaan naman po ang boses. Kung may lovers quarrel po kayo, wag naman ho dito. Ospital po ito"

"HINDI KAMI LOVERS!!"
Sabay naming sigaw. Letse talaga tong babaeng to. Pahamak na lang palagi e

Iniwan ko na siya doon. Bahala siya sa buhay niya, kailangan ko pang balikan si Manse at baka umiiyak na naman yon.

"Saglit lang naman! Ang bilis mo kase maglakad e no?"

"Kasalanan ko bang maliit yang mga hakbang mo?"
Binuksan ko ang pinto at naabutan kong nag uusap sina Lance at Yerin. Tuluy tuloy lang ako kay Manse, chineck ko din muna siya bago lingunin yung dalawa.

Living with these Cute Little BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon