48 : All about his mom

274 11 0
                                    


( Yerin's POV )

Nakangiting mukha ang bumungad sa akin nang makarating ako sa bahay ng mga Kim. Nakatayo sa labas ng gate ang eomma niya kasama ang isang maid na hawak ang gate.

Sinulyapan ko ang relo ko para tignan kung anong oras na. Baka kasi na-late ako, nakakahiya naman sa eomma niya.

Pinapunta ako dito ni Mrs. Kim dahil daw gusto niya ako makita at makausap. Pumayag naman ako tsaka wala naman akong karapatang tumanggi. Wala namang problema sa aming dalawa kaya bakit hindi ako pupunta? Maganda na din yon ng mas makilala ko pa siya.

"Magandang umaga ho"
Bati ko nang makalapit ako sa kanilang dalawa nung babae. Niyukuan ko siya pero nanatili siyang nakangiti sa akin.

"Akala ko isasama mo si Ravenn. Bakit ikaw lang mag isa?"
Magkasabay kaming naglakad papunta sa loob. Kasunod namin ang maid na isinara muna ang gate.

"Nauna na ho siya sa hospital. Naka-confine po kasi si Manse"

"Manse? Sino naman yon?"
Napakunot ang noo niya nang marinig ang pangalang iyon. Nakalimutan ko palang hindi niya kilala yung mga bata dahil hindi nagkukwento si Lance sa kanila. Ngayon na lang din siya bumalik dito kaya wala talagang alam ang mga magulang niya sa mga nangyayari.

Bakit ba ganun na lang ang ginawa niya? Matatanda na ang mga magulang niya, dapat palagi niya itong binibisita. Masyado bang malaki ang pinag-awayan nila noon kaya hindi na ulit siya bumalik dito?

"Ah, yung mga kaibigan niya po kasing sila Kurt, may batang inaalagaan"

"Inaalagaan? May anak na ba ang mga kaibigan niya? Parang ambilis naman"

"Ay hindi ho! Ibig ko pong sabihin, katulad po niya, may inampon din po sila. Si Manse po yung bata na kay Kurt"

"Lahat pala sila may inampon? Hindi ko inaasahan yon ah, lalo na ang anak ko, hindi siya mahilig sa bata"

"Lahat naman po ng tao nagbabago"
Nakangiti kong sabi sa eomma niya. Pero nawala ang ngiti ko ng sumimangot siya.

"I dont know if that's true. Hindi ko alam kung magbabago pa ba si Ravenn at babalik pa siya sa dati pagkatapos ng nangyari"
Natahimik ako. Hindi ko kasi talaga alam yon. Yung kay Jasmin nga na ex niya, ang alam ko lang iniwan siya e. Wala na siyang masyadong nabanggit doon.

"Ano po bang meron?"
Hindi niya ako sinagot, gusto ko sanang malaman pero hindi na lang ako nagreact pa.

Dumiretso kami sa kusina, hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa ganda ng interior nito. Oo, pangalawang beses ko na dito pero sobrang ganda lang talaga.

"Ayos lang ba kay Ravenn na pumunta ka dito? Baka mas lalong sumama ang loob noon sa akin. You know that I don't want him to be mad right?"

"Wala naman pong problema Mrs.Kim"

"I told you to call me tita. Cut that 'Mrs.Kim' out"

"Ah, sorry po"
Napayuko ako ng kaunti dahil sa kahihiyan. Kahit papano, naiilang pa din ako sa 'tita' na yon. Kakakilala pa lang namin tsaka hindi ko pa siya masyadong kilala e.

Hinugasan ko muna ang kamay ko bago tumabi kay tita na nilalabas ang mga gagamitin namin.

"Anong mga hobbies mo Yerin?"
Pagtatanong niya.

"Mahilig po akong magluto. Nagbebake din po ako kapag may free time po ako sa trabaho"
Tinulungan ko si tita maglagay ng mga gulay sa sink para hugasan. Umalis siya saglit, siguro may kukunin o ano, hindi ko alam kasi wala naman siyang sinabi.

Living with these Cute Little BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon