Chapter 1

119 7 8
                                    

Chapter 1 : Ottokajiiii?

ELLIE'S POINT OF VIEW

"ANO BUNTIS KA?"- sabay na sigaw ng magulang ko saakin. At napa-takip naman agad ako ng tainga dahil sa sigaw nilang yun.

"Sino? Sino ang naka-buntis saiyo?"- pasigaw na tanong ni papa. Kailangan bang sumigaw?

"Aish! Ang naka-buntis saakin ay si Ravi oppa!"- pasigaw din na sagot ko sakanila at hinimas pa ang tiyan ko.

Para namang nabunutan ng tinik ang dibdib nila. Aba! Kapag sinasabi kong si Ravi oppa ang naka-buntis saakin parang wala lang sakanila! Dapat pala kay Ravi oppa na lang hindi sa pesteng Clear na yan!

Pero, impossible namang mabuntis ako na si Ravi oppa ang ama, idol siya eh! Pansinin nga lang ako hindi pa niya magawa tapos yun pa kaya? Haay. Pesteng buhay nga naman.

"Ma, Pa! Buntis nga ako!"- pagkukulit ko sakanila.

"Sino na naman? Si Hyuk oppa mo? Si Leo oppa mo? Si Bean oppa mo? Si Ken oppa mo? O yung... Si... Yung maitim!"- napa-tingin naman ako ng masama kay mama. Maitim? Hindi ba nila naiintindihan?

"MA! BROWN NGA LANG KASI ANG KUTIS NI N! HINDI BLACK! BROWN!!! AS IN BROWN!"- sigaw ko sakanila at tumayo pa.

"Pero, hindi nga sila! Totoo ngang buntis ako, as in capital B-U-N-T-I-S! SA ENGLISH PREGNANT!"- sigaw ko ulit sakanila at napa-tingin naman agad sila saakin ng matalim.

"Kung totoo yang sinasabi mo! Ipakita mo saakin yang ama ng batang yan! Diyan ka muna sa labas hangga't hindi pa siya dumadating!"- may pagka-diin na sabi ni papa. Aish! Buhay nga naman parang life! Kahit balikbaliktarin mo, MAGULO PA RIN!

Inis naman akong lumabas ng bahay at sinarado ang pintuan.

"Sa tingin niyo ba dadating yun? Kahit ilang tawag ko pa, hindi yun sisipot, mas gugustuhin pa niyang mamatay ang dinadala ko kesa magpakita at magpakilala sainyo! Boset! Kahit maging asawa ko pa ang vixx hindi yun magpapakita!"- bulong ko ng naka-tingin sa pintuan.

Mukha na siguro akong baliw dito at kinakausap ang pinto na ito.

Pero, kailangan ko ng may mapakilala kela mama at papa. Kahit sino na siguro, basta huwag lang chaka as in chaka doll ang mukha, huwag yun! Kilabot ang dating!

"Tawagan ko kaya si L ma labs?"- tanong ko ulit sa sarili ko at umupo sa sahig.

Kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan si L.

"He-!"- hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nag-salita na ako.

"L! Kailangan ko ng tulong mo! ASAP! Dapat nandito ka na ng 2 minutes, kaya nga ASAP eh."- sabi ko at hinintay ang sagot sa kabilang linya. Anong nangyari sakanya?

"Oi!"- tawag ko at napa-kunot ng noo. Tinignan ko yung caller at si L naman ang tinawagan ko.

"Ano... Si L kasi, may ginagawang importante kasama ang mga magulang niya."- sagot nung caller. OTL na dude! Pero, parang pamilyar yung boses niya.

"Aish! Kung sino ka man, pumunta ka dito! ASAP! As in ASAP! Ite-text ko na lang yung address."- sabi ko at ibaba na sana ng magsalita pa yung sumagot sa tawag ko.

"Teka! Lilie naman! Saglit lang ako nawala tapos nakalimutan mo agad ako? Ang sakit naman!"- aniya. Teka! Lilie? Dalawang tao lang naman ang tumatawag saakin ng ganyan, si Clear at si Jaejae.

Pero, dahil impossible na si Clear ang kausap ko ngayon malamang si Jaejae, ang galing ko talaga!

"Oi, Jaejae! Pumunta ka na dito! ASAP ah! Makakasapok ka saakin!"- ang sabi ko pa at tumayo na sabay palakad-lakad sa harapan ng pintuan.

Ken Appa [VIXX Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon