Chapter 2 : Buing buing! Ottokajiiii?
(ELLIE'S POINT OF VIEW)
"WHAAAT?"- sabay na sigaw namin ni Jaejae, kaya nagkatinginan kami sa isa't isa, nababasa ba nito ang magiging reaction ko o nagkataon lang?
Nabaling naman agad ang tingin ko kay mama na gulat gulat sa reaction namin, paano ba naman daw, malamang naman sa malamang ay matutulog kami yun yung positive at ang negative as in negative na negative ay matutulog kami sa iisang kwarto, iisang kama.
Like seriously? Sabihin ko na kaya ang totoo na hindi ko siya fiancee at hindi siya ang ama ng dinadala ko?
Sabi ko na nga ba eh, dapat kay Ravi oppa na lang kasi hindi doon sa lalaking yun na mukhang larva!
"SERIOUSLY? HINDI YUN PWEDE!!"- sigaw ko at napa-tayo na, hindi ko naman siya asawa at fiancee ko lang siya. Feel na feel ang pagiging fiancee eh, i mean FAKE fiancee.
"MWO? ANDWAE! Eomma, andwae! Huh? ANDWAE!"- sigaw naman ng lalaking FAKE fiancee ko nga.
At gumuhit pa siya ng malaking ekis gamit ang hintuturo niya sa hangin. Pinaglalaban nito? Akala niya siya lang ang ayaw!
"Teka nga! Kanina ka pa Korean ng Korean diyan ah! Sapakan gusto mo? Nakaka-nosebleed ka kahit may konti akong alam sa Korean, pero--- nasa Pilipinas ka..."- pabulong ko na lang sinabi ang huling parte dahil naka-tingin saamin ang magulang ko na may pagtataka sa mukha.
Naka-sabunot na kasi ako sa lalaking ito na si Jaejae at si Jaejae naman ay naka-hawak pa sa mukha ko.
"Hehe... He! Hehehehe."- nahihiya na ako, kahit magulang ko sila, paano kung mabuko nila? Goodbye world! Goodbye Philippines! Goodbye Korea! Goodbye Ravi oppa! Goodbye Hongbin oppa! Goodbye Hyuk oppa! Goodbye N oppa! Goodbye Leo oppa! And... Goodbye Ken oppa! Huhuhuhu.
Papakasalan pa ako ni Ken oppa eh atska si Ravi oppa! Huhuhuhu.
Inayos ko naman agad ang buhok ni Jaejae kahit na may halong inis na inayos ko ito at siya namn ay naka-ngiti ring hinahaplos ang pisnge ko. Gusto ko siyang tadyakan sa 'alam na' at bugbugin sa harap ng magulang ko.
Mas lalo naman akong ngumisi sa naisip ko at sabay tumingin kay Jaejae na naka-ngiti sa mgulang ko. Hindi pwede! Huwag muna ngayon, huwag muna. Kailangan ko pa siya. MWAHAHAHAHA!
"Ganito lang po kami mag-mahalan!"- sabi ko sakanila at tinap pa ang balikat ni Jaejae at pinandilataan ko ulit siya ng mata, napa-dilat naman agad siya ng mata.
"O-opo! Ga-ganito lang po talaga kami mag-mahalan!"- sabi pa nito at inakbayan pa ako. Chansing siya kainis!
Pilit naman agad akong ngumiti kay mama, pero nabaling naman ang tingin ko kay papa na kakalabas lang ng banyo. Buti may balak pa siyang lumabas. Naku!
"Anong pinaguusapan niyo? Huh? Ellie! Yeobo!"- sabi ni papa, ayan na naman siya sa yeobo-yeobo niya, feel niya naman nasa Korea siya, ano to? Parang Marriage not Dating? Ang layo ah!
"Dito muna sila matutulog tutal gabi na at baka madisgrasya pa sila. Atsaka bukas na bukas naman ay aalis agad sila at pupunta na sa bagong bahay."- paliwanag ni mama na naka-ngiti pa. Kanina ko pa paa napapansin ang ngiti ni mama ah, boto ba siya kay Jaejae?
"Ahh! Sige sige! Dito na muna kayo matulog!"- sabi ni papa at tumatango-tango pa. Ano kaya ang kinain ni papa at naging ganyan siya? Kinain ba o linabas? MWAHAHAHA!
"Ellie, pumunta ka na sa kwarto mo! At Jaejae--! Hep hep! Saan ka pupunta?"- biglang sinabi ni papa, napa-tigil naman ako at tumingin sa likuran, aakyat na sana ako kaso pagtingin ko sa likod ko naka-sunod si Jaejae na ito.
BINABASA MO ANG
Ken Appa [VIXX Fanfiction]
Fanfiction"Ma, Pa! A-ano... Siya po si... Si Jaejae ang naka-buntis at ang fiancee ko!" - Ellie "OTTOKAJIIIIIIIII?!!!"- Ken