080

64 1 6
                                    

December's Point of View

Hindi na nag-reply si Kazael sa mga chats ko. Kaya naman, napabuntong-hininga na lang ako. Inayos ko ang mga gamit at aalis na sana ng classroom nang may maramdamang yumakap sa bewang ko.

Gags!

"Hoy!—" lalo akong nagulat nang ipaikot ako nito paharap sa kanya. "Punyeta, ikaw lang pala, Kazael! Masyado mo 'kong ginulat!"

Natawa lang siya, "Hey,"

"H-hi," utal kong ani. Paano ba naman kasi, ngumiti lang naman si gwapo. Ang gwapo talaga niya sa malapitan, nakakaiyak.

"Now," ha?

"Now? Anong.. now— hoy!" Niyakap na lang niya ako, dahilan ng panlalaki ng mga mata. "Kazael! B-bawal ganito dito s-sa campus—"

"Shh," bulong niya. Nyeta, ang bango ng lalaking 'to, talaga naman! Nabulabog lahat ng paru-paro sa tiyan ko!

"Kazael.." kaba kong bigkas sa pangalan niya. Sobrang lapit niya sa 'kin, e. Magkadikit kami, yakap niya ako. Sino bang hindi kakabahan 'pag yakap ka ng crush mo, aber? Pero isa pang inalala ko, na baka may makakita sa 'min, ma-report pa kami sa guidance.

"Give me seconds, December," aniya. Hindi na tuloy ako makagalaw. Hindi rin makapaniwalang niyayakap ako ngayon ng taong gustong-gusto ko mula first year.

Hindi na ako nagsalita, at tahimik ang buong room. Medyo kumalma nang wala namang napansin na dumaan o pumasok sa room. Lumakas lang ang kabog ng dibdib nang isandal ako ni Kazael sa.. dibdib niya. Rinig ko yung.. yung heart beat niya.

"It feels good," rinig ko sa kanya, "Why are you like this, December?"

"H-ha?"

"Why you're giving me so much feeling?" Tanong niya, "You're like caffeine. So good, so sweet, so warm. So addicting."

Wala na, kung ano-ano na naman ang pinagsasasabi niya. Pero ewan ko ba kung bakit kinikilig ako kahit hindi ko masyadong gets.

"K-kazael—"

"I rejected you before, right?" Sa sinabi niya, natigil ako at naalala na lang ang lahat nung first year. Kung.. paano ako nag-confess sa kanya.

He did rejected me.

"Kaz—"

"I rejected you many times, and I'm your living insulter. I'm mean to you. But why you still like me, hmm?" Wala akong naisagot sa mga salitang galing sa kanya. Humigpit lalo ang yakap niya. Napalunok ako.

"Kazael—"

"Why you didn't rejected me back even if I broke your heart? Why aren't you cold like your name? Tell me, December.. why you stayed warm?"

Dito, ramdam ko na ang pangingilid ng mga luha ko. Ngumiti lang ako at marahang dinampi ang mga palad sa likod niya, "Simple lang. Kasi gusto kita."

"You like me that much, huh?" Kumalas siya sa pagkakayakap, saka naman niya hinaplos ang buhok ko.

Nakatitig lang ako sa kanya, sa magaganda niyang mata, sa naka-wolfcut pa rin at medyo humaba nang buhok, sa gwapo niyang.

"Gustong-gusto kita, Kazael. Gustong-gusto," wala nang pagdadalawang isip kong inamin. "Gusto rin kitang maging boyfriend. Sinasagot na kita."

Tinigil niya ang pagsuklay sa buhok ko. Kita ang gulat sa mga mata niya. Hindi ko mabasa kung ano pa ang nasa isip nito, pero kalaunan ay ngumiti rin siya.

"You're making me crazy now, December," sinapo ni Kazael ang magkabila kong pisngi. "You're so pretty."

Nag-init ang mga pisngi ko do'n!

Hinalikan na lang niya ako sa noo, "I love you."

"I-I.. l-lo—" bigla na lang natigil ang lahat nang idampi ni Kazael ang.. labi niya sa labi ko.

Ang.. lambot ng labi niya. Kita kong nakapikit siya, habang ako nama'y hindi pa maayos na nagpro-proseso ang utak. Shet, first kiss ko 'to! Siya first kiss ko! Yung puso ko, hindi ko maikalma!

"H-hoy!" Agad kong tinampal ang braso nito matapos maghiwalay ang mga labi namin.

"That's a ratio, lady." Pa-inosente nitong sabi.

"H-ha?"

Matamis siyang ngumiti, "One is to one. One 'I love you' from me is to one kiss on your lips. I Love you," at punyeta, inulit na naman niya ang paghalik!

Punyeta talaga, ako mababaliw sa lambot ng labi nitong lalaking to, e!

Humiwalay naman siya agad, "Hehe,"

Ramdam na ramdam ko ang init ng pisngi at katawan. Alam kong mukha akong kamatis sa pamumula dahil sa mga halik niya. Pero ginulo lang niya ang buhok ko at muli akong niyakap.

"You know what? The thought I'd have the same rejection like what I did. It creeped me out expecting you'd reject me too, the time I realized I fell. But I got the opposite back to December.." he said, "so this is me now, putting down my fucking vanity.. asking you again.."

"Kaz.." napahagikhik ako sa mura niya. Hindi talaga nawala ang malutong niyang mura.

"Will you be my red roses?" Tinanong niya nga ulit. Lalong lumala ang paggalaw ng mga paru-paro sa loob ko. Halo-halong saya, kaba, at excitement ang nararamdaman ko ngayon.

Pero hindi naman ako nagdadalawang-isip. Walang kalituhan, isa lang ang sagot ko. Huminga ako ng malalim at tumango, "Oo naman, Kazael."

Ayan, sinagot ko na siya.

"That's it. Unbelievable. I can't believe it, you're my girl now." Sobrang rahan niyang sabi.

Sumang-ayon ako. "Oo nga.."

Ako rin, hindi rin ako makapaniwala. Na yung crush ko noon, boyfriend ko na ngayon.

Back To DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon