LETTER : 21

31 6 2
                                    

╔══..✉.═══ - ════════╗
L   E   T   T   E   R   :   2   1
╚═══════ - ═══.✉..═══╝

MESSAGE

Ajax

Bro•

Tama ka nga •

Mali ‘yung napabigyan ko
ng mga letter. •

Veron pala dapat hindi Nica•

• ayan, hindi ka kasi
nakikinig!

• dapat naniniwala ka
sa akin.

• hindi ako babae, pero
lagi akong tama!

Nakakahiya •

• Tinatanong nga ako
kung kilala ko raw ‘yung
nag bibigay ng letter.

• Sabihin ko na ba?

Huwag muna •

Ako ng bahala HAHAHA •

• Ulul!

Ang panget mo •

══..✉.═══ - ════════

Veron:


Good morning. Day two simula ng malaman ko na hindi ikaw si Nica. I still don’t have a courage na magpakita sa’yo, but kung darating man ang araw na iyon... Ewan ko. Sana mabasa mo lahat ang sulat na naibigay ko sa kapatid mo. Kung hindi naman, handa akong sabihin sa’yo lahat ang mga nakasulat doon.

Veron, habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa’yo. Hindi ko alam kung bakit, ginayuma mo ata talaga ako. Kasi sino ba naman ako, ako na ’to oh. Have a great day, my victory.

kyljn

══..✉.═══ - ═══════
Bricekyle’s POV

Lumingon-lingon muna ako sa paligid bago tuluyang lumapit sa bahay nila Veron. Bakit ba kasi ako naduduwag, napagplanuhan ko naman na kagabi na magpapakita na ako sakan’ya.

But here I am, mukha na namang ewan na naglalagay ng letter sa mail box niya ng patago. Nakahinga ako ng malalim ng sa wakas ay naipasok ko na ang letter.

“Just like what I thought.” I jumped in suprised ng marinig ang boses ni Veron.

Bukas na ngayon ang gate nila at nakasandal siya roon. Damn, she’s so pretty.

“Care to explain, Mr. Junio?” Inimwestra nito ang loob ng bahay nila.

Is she letting me in?

“Ano pang hinihintay mo? Pasok.” Para naman akong isang malambing na kuting na nahuling nangnanakaw ng pagkain. Mabait akong sumunod sakan’ya, dahil ang totoo. Todo-todo ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Letters : ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon