CHAPTER 1

20 1 0
                                    

Nakangiti kong sinalubong ng mahigpit yakap ang kaibigan kong si Zovery na agad naman nitong sinuklian ng isa ring mahigpit na yakap.

"Kamusta ka na, Emris?". Agad na tanong nito pagka-upo nila mismo. Ngumiti ako bago sumagot.

"Okay lang! Ikaw ba kamusta ka na? Tatlong buwan rin ang tinagal mo sa Italy". Balik nyang tanong sa kaibigan.

"I'm doing fine, and yes may inasikaso pa kasi ako sa Italy kaya medyo natagalan ang dapat two weeks kong bakasyon sa bansa". Sagot nito, napatango na lamang ako.

"So anong ganap sa buhay mo? Do you have a boyfriend now?". Kumunot ang aking noo sa sinabi nito, what? Boyfriend?

"Wala pa kong plano magka-boyfriend, Zovery. Gusto ko munang mag-focus sa sarili ko. I'm going to spoiled and enjoy my self first" I answered

"Well sabagay, Ikaw pa eh you love to explore things nga pala". I nodded at her remark.

"Ikaw? Nakabulsa ka ba ng Italyano?". Natatawa kong biro.

"Ay taray bakit? Gusto mo din ba?". Tawa nya, umiling ako. "Choosy ha".

"So meron? Who's the lucky guy?". Sinundot-sundot ko ang tagiliran nito.

"Omg, Emris ano ba stop!", Pigil nito sa kamay ko. "Okay fine, his name is Nicollo".

Napatakip ako sa aking bibig bago hinagod ng tingin ang aking kaibigan, hindi na ako magtataka kung merong magkakagustong lalaki dito dahil maganda ito at matalino. Ngunit hindi ko pa rin iwasang magulat.

"Akala ko ba bakasyon lang, bakit bumingwit ka na ng jowa". Hinampas naman ako nito sa balikat.

"Loka! Nabaliw ata sa ganda ko ayon naawa ako pinatulan ko na". Natawa naman ako, baliw talaga. "Char lang, baka sabihin mo pa illuminati ako".

"Hindi ba?". Pabiro nitong hinila ang mahaba kong buhok bago ako sinamaan ng tingin.

"Pero I'm planning to go back to Italy next month, Hindi pa kasi pwedeng lumabas ng bansa si Nicollo dahil sobrang busy nya sa mga business nya doon so we planned na ako na lang ang dadalaw". Sabi nito.

"Oh he's a business man? That's nice. Pero ang bilis naman kakabalik mo lang aalis ka nanaman next month?". Nagtatampong angal ko.

"Yes he's a business man and isa pa Emris kahit naman ayokong umalis dahil matagal nanaman kitang hindi makikita eh  syempre uso din ang bebe time. Humanap ka na kasi ng jowa at ng may ka bebe time ka din hindi yung lonely ka dyan!".

Napa-iling na lamang ako.

Ilang oras pa kaming nag-kwentuhan ni Zovery bago ito nagpaalam na uuwi na dahil gabi na rin at madilim na sa labas kaya naman naghiwalay na kami ng daan.

Malamig ang simoy ng hangin habang naka-upo ako at nag-aantay ng bus dito sa may waiting shed, mag-isa lang ako.

Napapadyak ako dahil gabi na at wala na rin masyadong dumadaan na mga sasakyan, bakit ba kasi nag-book lang ako ng cab kanina at hindi dinala ang kotse. Nilalamok na tuloy ako dito kakahintay.

Ilang minuto rin akong naghintay pa hanggang sa may humintong isang itim na sasakyan sa harap ko at may lumabas na isang maskuladong lalaki at mabilis akong nilapitan.

"Fucking come with me!". Angil ng lalaki bago ako mahigpit na hinawakan sa braso at pilit kinakaladkad papasok ng sasakyan.

Agad akong nanlaban at sumigaw ngunit mabilis ako nitong sinampal at binuhat papasok ng kotse. Basta na lamang ako nitong inihagis sa backseat at lumipat ito sa driver seat at nagsimula ng magmaneho.

Chained and TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon