*Ang mga single lumalandi para magkaroon ng relasyon. Ang mga nasa relasyon lumalandi kasi feeling single.
* Hindi mo kailangan magpapansin sa kanya kung nasayo naman talaga atensyon niya.
*Jokes are half meant. Kaya nga hindi lahat ng biro nakakatuwa.
*Lahat tayo may karapatan pero wala tayong karapatang humusga.
*Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw sayo. Tandaan mo hindi ka sardinas.
*Aminin mo, alam mong may kalandian kang taglay pero sa taong mahal mo lang ina-apply at hindi sa buong barangay.
*Bakit ka ba naman kasi maglilihim kung pwede mo namang sabihin? Hindi yung kung kailan huli na ang lahat tsaka mo aaminin.
*Nakakapagod magpaliwanag sa taong ayaw naman umintindi.
*Minsan kung saan ka nagmumukhang tanga, dun ka pa masaya.
*Ang hirap magmahal ng taong manhid. Pero teka manhid ba talaga siya o iba lang talaga mahal niya.
*Kapag ayaw sayo, wag mo nang ipilit. Hindi sikat maging tanga, kaya wag kang makiuso.
*Wag mo kong idaan sa titig mo, baka hambalusin kita ng ngiti ko.
*Mas masarap mahalin ang taong tanggap ka kung sinu ka. Kesa sa taong mahal ka lang dahil sa mukha mong pangrampa at katawan mong pangkama.
*Wag ka maghanap ng taong makakaintindi sayo. Ang hanapin mo yung taong kahit hindi ka naiintindihan, hindi ka pa rin iniiwan.
*Walang taong gustong masaktan. Pero wala kang matutunan kung hindi ka masasaktan.
*Hindi lahat ng sumusuko ay mahina at talunan. May mga bagay at tao lang talaga na dapat sukuan para di ka masaktan.
*When you really love someone, age, distance, height, weight is just a number.
*May mga taong hindi payag mawala ka pero hindi naman gumagawa ng paraan para manatili ka.

BINABASA MO ANG
QUOTES, JOKES and More.
RandomI don't own any of this quotes and jokes. I made these out of boredom. I am sure na makakarelate ka dito dahil ito ay tungkol sa buhay, pag-ibig at buhay pag-ibig. HAHAHA ENJOY READING GUYS! ♥♥♥