My High School Crush

6.5K 159 24
                                    

MY HIGH SCHOOL CRUSH

Introduction

Define High School

High school is preparation for college (Based on teachers)

High school is full of joyous moments (Based on High school students)

­­­High School makes love blossom (Based on high school lovers)

Eh . . Para saken? Ehem.

High School is full of kabaliwan, kakornihan, kapraningan at higit sa lahat….

Punong puno ng masasaya at makukulit na ala-ala kasama ang mga minamahal mong partner-in-crime sa kalokohan!

Tama ba?

 And Highschool, is like a start of something new; The start of something that you are yearning but you never expect that it will come true.

In short, Highschool is filled with lots of unexpected happenings and precious memories that you will never forget.

 

* * *

Masaya ang highschool life ko, naka enroll ako sa magandang school, marami akong kaibigan, maganda ang grades, walang kaaway…

Pero may kulang. Napansin nyo? 

Wala akong lovelife since birth. Ne wala nga kong crush noun. Abnormal ako eh!

Pero pag apak ko sa High School, nakita ko ang lalaking nagpatibok ng puso ko ng bonggang bongga. Na kahit isang sulyap niya lang, tumatambling na atay ko at lumuluwa ang mata ko na parang telescope

.

But, he is so out of my reach. Kahit batch ko siya, magkaiba naman ang rooms namin, nung first year high school ko lang siya naging classmate, at higit sa lahat, ni minsan hindi ko siya kina-usap. Ang first impression ko kase sa kanya is. Uhm… how should I say this. Uhh. very Awkward?

Nagsasayaw kasi ako nun ng itik itik with matching T-rex dance with Harlem shake sa hallway, kabaliwan lang namin ng baliw kong bespren. And suddenly he passed by with a gusto-ng-tumawa face. At dahil dun, nahihiya na ko sa kanya.

I mean, para akong kabayo nun, sino ba naman ang hindi?

Sa totoo lang, lagi niya kong binabati ng mga “Good Morning” “Good Afternoon”, “Good Day” sa tuwing nagkakasalubong kami, pero ako, todo iwas at takbo, at Dapa. Masyado kase siyang friendly, kahit hindi niya kilala, bumabati siya. Kahit aso sa kalye, binabati niya rin. Kaya nga ko nagka gusto ako sa kanya kase napakafriendly and approachable niya . Di siya tulad ng iba jan na mahangin. Siya, kahit associate editor sa School magazine namin, down to earth parin.

 His name is Jason Labajo.

Ako nga pala si Kate Joy Sismar. And now, fourth year high school na ko, at sa isang linggo nalang, gagraduate na. . Ang bilis nga naman ng panahon.

My High School CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon