Trapped

20 2 0
                                    

 "Ma nakita mo ba yung black dress na isusuot ko mamaya?"


"Hamvmeucmlbemwoscdmtusdehtmrkotp"


"Ma, di ko po kayo marinig. Nasa 2nd floor po akoooo!"


"Thdsjvmburueoptkfhsntensahdshnrusovdl"


Hay nako. Wala akong maintindihan. Ako na nga lang maghahanap.



Pumunta ako ng kabilang kwarto at nakita ko ang isang kahon na may nakalagay, CAUTION HOT SURFACE. Natawa ako nung makita ito dahil naaalala ko ang mga kalokohan ko noong hayskul. Especially noong 1st year pa lamang ako. Binuksan ko at nakita ko ang ilang pictures (noong field trip sa Star City at Subic, noong recollection, noong surprise birthday ni Nics, noong graduation).



Ang bilis ng panahon. Ngayon, college na ako. Wala na ang dating simoy ng hangin sa balcon namin. Wala na rin ang maiingay na jeep sa may palengke ng Daraga. Wala na ang hanggang gabing jamming sa bahay ni Jason. Senti ko naman.



Nakita ko pa ang ilang gamit. Ballpeng green. ID Lace noong 3rd year. Giveaway sa JS Prom. At ilang takip ng Mogu Mogu. Ang cute kasi nun.



"Nak, nasan ka ba? Eto na yung hinahanap mo. Wag kasi maghahanap gamit ang bibig. Gamitin ang mata", dagdag pa ni Mama.



Nasermonan pa ko.



"Opo Ma", sabay kuha ng damit na susuotin ko para sa sa paparty ng Student Council. Huwag kayo. Mukhang sosyal ang party na to. Black ang theme. Chos. Nageexpect ako ah.


Hindi na siguro ako magkukulot ng buhok. Masyado namang maarte. Tama na sigurong nakalugay lang ang buhok ko.

HMMMMM. Ano kaya ang bagay na kwintas ditoooooo?

Super pula o tama lang na lipstick?

Heels o flats?

ANG HIRAP MANAMIT AH. PINAPAGOD AKO NG PARTY NA TO.

Reklamador.



 

The Bet (Pia and Aaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon