Joyride

9 2 0
                                    

Kahit nagparty party kahapon, matinde. May pasok pa rin ako ng 7 AM. Kaya naman paggising ko, takbo agad ako sa CR. Nagmamadali ako ngayon. Malamang, marami na namang tao sa LRT.

Pagdating sa school, 7:04 na pero buti naman wala pa ang Prof. Sabi sa schedule namin, Botany ang unang subject. Psssh, Botany? Mga halaman lang naman yun diba?

Pagpasok ng room, napansin ko na may kanya-kanya nang grupo sa seksyon namin. Sina Krissy, Yui at ang mga'mayayaman' ay may isang grupo. Sina Camille at ang mga 'medyo tahimik' ay may isang grupo. Ang mga lalaki ay may isang grupo. At kami, nina Joy, Angel at Patricia, mga 'magaganda' ay may isang grupo rin.


Nakipagdaldalan ako sa kanila agad.


"Uyy alam niyo ba may creepy kagabi."

"Creepy? As in multo?", sabi ni Joy.

"Di ko nga alam eh basta habang nasa may stairs ako bigla na lang——"

"Good morning class. I am Assoc. Professor Liwayway Morales, your Botany professor"


Di ko natapos ang sinasabi ko kasi dumating na si Ma'am Botany. Este si Professor Morales. Maliit lang si Professor Morales. Nasa bandang 60s. Floral ang suot niya ngayon. Sakto, botany pa naman ang ituturo niya. Nice one Ma'am.


"Get ¼ sheet of paper and answer the following"


LAGOT. SMALL BUT TERRIBLE PALA.


"Uy pahingi nga"



"Ako din"



"Dagdagan mo na"



"Uyyy ako din. Pasa mo sa likod"




"Class quiet! College na kayo. You should be responsible of your own sheet of paper."

WEW.

"Answer the following on that sheet of paper. There are only two questions."



The Bet (Pia and Aaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon