The Day I Met You

13 2 0
                                    

0906XXXXXXX

Magandang buhay Committee O! Ako po si Kuya Fred Dionisio, P.O.C. President and Committee O Officer-in-charge. Nais ko lang kayo paalalahanan tungkol sa miting na magaganap mamaya.

ANO: Miting para sa unang event natin

ANONG ORAS: Ala-una ng hapon

SAAN: Lobby ng Condo ko (Washington Suites, Street 2)

Walang malelate. Ang malate, panget. Salamat po.

Yan ang text na gumising sa akin ngayong araw.

Ang cute naman ni Kuya Fred. Hihi. Masyadong Tagalog. Makata. (agad agad) Straight to the point. Yan ang gusto ko sa lalaki. HAHAHAHAHA.

Gwapo si Kuya Fred. Matangkad. Matangos ang ilong. Matipuno. Parang maypagka-athlete pero di ko alam kung athlete nga.

Ang wish ko sana hindi siya player-player sa mga babae.

Pero OMG. Eto na nga ang sinasabi ni Kyle na simula ng trabaho.

Mamaya ang unang meeting namin bilang isang grupo. Nakakaexcite. I'm sure marami na naman akong magiging kaibigan dun.

Teka makapagbihis na nga. Alas onse na. LAGOT. Malayo pa ko.

*BEFORE ONE OCLOCK*

Nandito ako ngayon sa ice cream shop katabi ng Washinton Suites. Ang inorder ko, syempre Mint Chocolate my favorite.

Maya maya pa, nakita ko na si Kuya Fred kasama ang ilan pang mga tao (sorry di ko pa sila kilala eh) na papunta na ata sa lobby ng condo niya so sumunod na ako.

"Sir, pasensya nap o di nap o kasi pumapayag ang management na magmeeting ang mga studyante sa lobby eh"

"Sir dito naman ako nagsstay and mabilis lang naman po"

"Sir pasensya na po talaga"

YUN LANG. Di kami pinayagan na magmeeting sa lobby ng condo ni Kuya Fred. Pero sadyang maparaan to si Kuya Fred. Nakaisip siya agad ng paraan.

"Di bale, dun na lang tayo sa UN Ave magmeeting. Sakto, tulungnan na lang natin yung Committee A sa ginagawa nilang designs para sa event natin."

"Ah Kuya, saan po ba yung UN Ave?", tanong ko.

Pasensya na mga kaibigan. Ako ay isang probinsyana. Di ako pamilyar sa mga lugar sa Maynila. Pero di ako basta basta. ;)

"Sophia, dun lang yun sa gilid gilid"

"malayo po ba? Ang paalam ko po kasi kay Mama dito lang po tayo malapit sa school"

"Wag ka magalala, mga 5 siguro pabalik na tayo"

Buti naman kung ganun. Maya maya, pumara na siya ng 2 taxi. Marami rami rin kasi kami.

Nakatabi ko sa taxi si Ate Angelu. 4th year na rin siya. Tinanong niya ako kung ano section ko. Sabi ko Beta. Beta rin pala siya.

Sabi ko sainyo pag-Beta magagaling eh. ;)

Nakita ko ang nakasabit sa ID niya. Member pala siya ng Glee Club. At wag kayo, SOPRANO pa. Di na niya natatanong, medyo singer din ako. D ko lang alam kung soprano. O mas mataas pa dun ;)

Nakarating na rin kami saw akas sa UN Ave. 125 ang bayaran sa taxi at dating gawi, kung sino ang may buong pera siya muna ang magbabayad. Pagkatapos nito, di na nila ako makikita. HAHAHAHA. Joke.

Bahay pala ng isa pa naming ka-org ang pupuntahan namin. Astig. Mala-mansyon. Pagpasok sa gate, jusko po kala ko mamamatay na ako.

Nilapitan kami ng dalawang aso nla. Medyo malaki at black pa so, nakakatakyut.

The Bet (Pia and Aaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon