CHAPTER I: WELCOME BACK TO CHAMBER'S UNIVERSITY

17 1 2
                                    

Yeinah's POV

It's been 2 years na rin pala simula nung mag-break kami ni Jam. Nakamove-on naman na ako pero hindi ko talaga maiwasan na isipin siya paminsan-minsan. 3 years ba naman kaming in a relationship tapos nakipag-break siya sa 'kin kasi mas pinili niya ang career niya. Gusto niya mag-focus muna sa career niya. Na-curious kayo bigla kung ano yung career niya ano?? Sige sabihin ko sa inyo kung ano yun.

Isang sikat na Figure Skater si Jam sa Chamber's University. Maraming humahanga sa kanya dahil magaling talaga siya at may itsura rin. Maputi kasi siya , matangkad at matangos din ang ilong niya. Hindi lang siya sa Figure Skating magaling ah, magaling din siya sa pagsayaw at pagkanta. Oh diba? Ang perfect niya. Pero sa 3 years na naging kami sekreto lang kaming nagkikita. Ewan ko kung bakit pero gusto niya kasing i-private yung relationship namin. Mga kaibigan at family lang namin ang nakakaalam sa relationship namin Although, pumupunta naman siya sa bahay namin since alam din naman ng parents ko ang tungkol sa amin. Legal kami both sides ah. Supportive nga mommy niya sa 'kin eh. (⁠^⁠^⁠)

Pero one day, everything has changed. Gustong makipag-kita ni Jam sa 'kin sa school garden. May mahalaga daw siyang sasabihin sa 'kin. Hindi naman nag-sink in sa utak ko na makikipag-break na pala siya sa 'kin no'n ehh.

**FLASHBACK**

Nag-text sa 'kin si Jam. Gusto niya makipag-kita sa 'kin dahil may mahalaga siyang sasabihin. Sakto tapos na rin naman klase ko kaya diretso uwi nalang ako after namin mag-usap ni Jam. Niligpit ko na agad ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom namin. 15 minutes akong naglalakad papuntang school garden. Pagdating ko do'n hinihingal pa ako. Nasa 2nd floor ba naman kasi classroom namin. Wala pa si Jam sa school garden pagkadating ko kaya hinintay ko nalang siya.

"Yeinah.." sabi niya sa akin. Nanlamig bigla ang mga kamay ko. He just call me by my name. What's wrong with him? "Boo" ang endearment namin. At tsaka bakit parang cold ng aura niya ngayon?

"Boo, may problema ka ba? Is there something happened?" tanong ko sa kanya. Hindi siya makatingin sa 'kin ng diretso. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Nothing naman... I'm just tired." sagot niya sa 'kin ba't ang cold niya ngayon hindi naman siya ganito dati ah.

"Ba't parang matamlay ka ngayon, Boo? May sakit ka ba o r what?" tanong ko sa kanya. May mali sa kanya ehh.

"Hindi tsaka wala akong sakit, pagod lang ako. I think kailangan ko lang ng time para sa sarili at career ko.." sagot niya. Alam ko may meaning ang mga sinasabi niya pero ayokong maniwala baka pagod lang talaga siya ngayon.

"Edi magpahinga ka, masyado ka kasing nagpapagod ehh." sabi ko sa kanya. Ang tanga ko ba para hindi mapansin na parang may plano siyang makipag-break sa 'kin?

"What I mean is.. let's stop this relationship Yeinah." sabi niya habang nakatingin sa 'kin nang diretso. Tama nga hinala ko na nakikipaghiwalay siya sa 'kin pero bakit? Sa anong dahilan? Eh masaya pa nga kami nung last date namin ehh.

"Nagbibiro ka lang di ba? Tell me , it's just a prank right? Boo? wag ka namang ganyan oh please? Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo eh." sabi ko habang hinahawakan ko ang mga kamay niya.

"No, it's not a prank, I'm serious Yeinah.. let's break up." sagot niya. Pinipigilan kong umiyak. Ayokong makita niya akong umiiyak.

"Why? Anong dahilan? May mali ba akong nagawa? Bakit?" tanong ko sa kanya. Hindi ako papayag. Ayoko siyang mawala. I love him so much..

"Napapagod na ako sa relationship natin and gusto ko munang mag-focus sa career ko. You know naman na gusto kong mag-compete sa International Figure Skating Competition di ba? Gusto kong mag-focus sa training para makarating ako do'n. And isa pa, masyado pa tayong bata para sa ganitong bagay, Yeinah. Gusto ko ma-enjoy muna natin yung mga bagay na magpapasaya sa'tin." sabi niya sa 'kin. Yun lang ba talaga ang dahilan niya? O baka may iba pa?

It's Me and The Seven Prince Where stories live. Discover now