Justine’s POV
“Ang saya ng family nila no? Sana hanggang paglaki nyang magkapatid ganyan pa din sila. Walng magbabago.” Sabi ko kay migs. Kumain kami, antahimik. Hmp! Saying magkkwento sana ako kung anong nangyari sa school naming kanina e. pero mukhang wala sa mood si super bestfriend kaya next time nalang.
Hahaha, mahirap na baka imbes na matuwa kami sa nangyari sakin kanina e mawala pa kilig ko. I’ll reserve the story nalang.
Tinignan ko siya, sinawsaw niya yung fries sa sundae niya, abnormal talaga tong babaeng to. Iba ang trip sa buhay e, pero dahil love na love ko yan. Sanay na ako. Ever since, bestfriend ko na kasi siya e. siya lang ang totoo sa akin. Kahit na prangka siya, nasa loob ang kulo niya at kahit na sobrang kulit hindi ko siya iiwan kasi I know naman na ganun din sya sa akin. Mukhang wrong choice of words nga ako ng nasabi kanina e. Haaaayyy, you know what? Kahit na sobrang strong ng personality netong si migs syempre may kahinaan pa din to at kapaguran at alam niyo ba kung ano yun? Secret lang natin ha? Yun ay ang FAMILY niya.
Bunsong anak siya ng nanay at tatay niya. Malamang! Nanay at tatay niya kesa naman nanay at tatay ko diba? E di magkapatid na kami nyan. Woooow!! Ang saya siguro kapag ganun no? hahaha. ^^, Maria Isabella Gonzales Song ang whole name nya, initials ang migs. Kaya wag kayong magtaka kung bakit migs e wala naman Miguel o miguela sa pangalan niya. Ako naman, Maria Justine Salvador Tan. Justine ang sinasabi kong tawag sa akin kesa naman Maria diba?! Hahaha. Parehas kaming maria no? wala lang. that’s what you call coincidence.
“Ba’t ka nakatitig jan?”-siya
“ha? Wala lang. ayos ka lang ba? Hm… Kasi yung sabi ko kanina e.. ano, di ko naman sadya masabi” –ako
“Ikaw talaga. Hahaha, bruha. Ayos lang. nainggit lang ako dun sa sheantan, kasi mukhang love na love siya ng kuya niya and mukhang never magbabago ang bonding nila pati na din parents nila. I’m happy for them.” –siya
Ayan. Tumawa na siya, it means okay lang talaga. Haaay nakakatuwa talagang marinig na tumatawa ang kaibigan mo no? pero I know deep inside her merong part na nalulungkot. Wanna know why? Because there’s something about her, something about her past.