Periodical exams na! Wala manlang akong napag-aralan kagabi. waaaaaaa! Paano na yan?! Nagyaya kasi silang kumain ng dinner kagabi sabay-sabay minsan lang daw e kaya ayun gora naman kami. Haha, kasama pala namin kahapon yung buong grupo. (referring to shane, casey, alexa, king, ryan, christian, stephen, john, jm)
Nagmadali na akong bumangon at naligo. wala ng kain-kain! Nagbihis ako ng school uniform at chineck yung gamit ko pati na din ang ID mahirap na, baka maiwan ko yun at hindi ako papasukin ng guard.e di kapag ganun babalik pa ako ng bahay, anlayo pamandin. Kailangan kong makarating ng school agad para dun na ako mag-aaral kahit first subject lang ng itetest namin ngayong araw, hinatid na ako ni manong sa school at sa loob ng sasakyan dun na ako nagbabasa.
"Bye-bye manong! salamat po." -ako
"sige iha! Kaya mo yang test mo. Ikaw pa! magtxt ka kung uuwi ka na ha? mag-iingat ka."-manong
"Opo manong. Ingat din po! :)" -ako
Dali-dali na akong tumakbo sa high school department at sa room............. nakita ko si Christian omyghhed!!! =))) Nagsmile siya buo na araw ko. wahahaha! Takbo padin ako ng takbo. sorry christian di muna kita mapansin, aalisin muna kita sa utak ha? di pako nakakareview e. Mamaya naman ibabalik din kita. Hihihih, XD LANDEEEEE! At eto, nasa room na ko. @_@
"Takbo takbo kasi, di magdahan-dahan. siguro di ka nakareview no?"
Tingin sa side, Psh. si stephen lang pala. Eto nagyaya kahapon kumain sa labas e!
"Kung di ka kasi nagyaya kumain sa labas kagabi e di sana nakapag-aral ako! Hmp." -ako
"reasons.com! e bakit ako nakapag-aral pa din? bakit sila na mga nakasama natin nakapag-review? e ikaw pa nga yung pinauna naming pasakayin e. di it means ikaw unang nakauwi. HAHAHA! sabihin mo tinamad ka na naman." -siya
"e paki mo kasi, syempre napagod ako kaya nagpahinga agad. Psh, bakit ka pala nandito aber? Dito ba ang room mo?!!" -ako
"Hindi! e sa may titignan lang ako dito. Maka-alis na nga! jan ka na. magreview ka ha? baka MA-ZERO ka pa e. >:P ipakasalanan mo na naman sa iba." -siya
"Kala ko ba may titignan ka pa dito? Ba't aalis ka na? SIGUROOO...." -ako
"Siguro a-ano?" -siya
"Hahanapin mo yung inspiration mo no? HAhahaha. ikaw ha! o andito ba? sino sa kanila? Yiiie." -ako
"Psh. Asa! Oo nakita ko na. aalis na ako." -siya
Loko yun a! Haha. sa kabila ang room nila e. Dumeretcho nko sa upuan ko, dito na muna ako sa likod magrereview.
Basa....basa.....basa.....memorize.....memorize.....basa......tingin sa relo.... 0_0 Hala!! 2minutes na lang. kaya pa. next page....
unti-unti na ding nagdadatingan mga classmates ko. Hinanap ko si shane andun sa harap nagbabasa din, tapos si cassey.... >.> <.< >.> <.<
>.> ayun. sa labas. Kausap si alexa. talaga yang dalawang yan, di talaga uso ang review sa kanila. oh well.
*KRIIIIIIIIIIIING**KRIIIIIIIIIING*
Hala. bell na! Tumayo agad ako at dumeretcho sa harap, syempre permanent cheating arrangement nga daw e. Tumabi sa akin si cassey at shane.
"Haaay! Perio na naman ma'am? Grabe. ang bilis ng panahon! Woo" -cassey
"Oo nga cassey e, andami mo na rin palang nalampasan na perio no? Nakakapasa ka pa kahit hindi magreview. akalain mo yun? Haha" -Mrs. Dela cruz
"Syempre naman ma'am! Inborn talino ko. Hahahahah" -cassey
Hanggang sa nagtawana na ang buong klase, grabe ganyan kasi tlaga si cassey. Matalino siya kahit papano pero pagdating ng mga examinations hindi siya nagrereview. Kung meron man sa amin ang magaling sa memorization dito siya yun at mahilig din sa stock-knowledge.
"Okay class. get one and pass!" -Mrs. dela cruz
"Excited na ako mag-Prom! Wohooo." -cassey
"Hoy ms. cassey magtest ka na nga." -Mrs. dela cruz
Tumayo pa si cassey pagkasabi niya nun. Hindi naman halatang excited nga siya no? Kakaiba talaga. and i have to admit that i have a ONE CRAZY FRIEND here.
_____________________________________________________________________________
Tapos na ang test namin for this day. Grabe! yun lang ang masasabi ko. mukhang di ko pa nga napag-aaralan yung mga lumabas sa test e.
"hoy. ba't ganyan mga pagmumukha nyo?" -king
Andito na kasi kami ngayon sa canteen. Gutom na lahat e, magcelebrate daw kasi nakaraos ng isang araw na naman. Haay =_=
"Siguro wala kayong nakuha sa exams no? Hahaha" -ryan
"Gutom na akoooooo! Pagkain. Bigyan niyo ako ng pagkain!!!" -shane
"lakayo! ginugutom niyo si shane. masama pamandin gutumin yan!"-john
"Wag mo akong kausapin. Kung ayaw mong ikaw ang kainin ko." -shane
"ayos ka lang ba shane? namumutla ka o." -ako
"kanina ko pa yan kinakausap pero parang wala sa sarili niya." -cassey
sabay kain sa sandwich nya. Lumalamon agad, di pa nga kami kumpleto. Nagbabayad palang kasi sila Alexa, Christian at Jm sa counter, sila na ang kumuha ng pagkain namin tutal pupunta din naman sila dun e. Haha
"Oo nga shane. di ako sanay na ang tahimik mo e." -john
"saka kaya pala boses lang ni cassey naririnig ko buong araw." -ako
Pag ganito kasi laging nagsisigawan, nag-aasaran, at nagdadaldalan tong dalawa kaya boses nila nangingibabaw pero ngayon si cassey lang ang dada ng dada.
"Don't mind me guys. I'm fine. gutom na ako." -shane
"Naks. english ka bro!" -john
"Hay nako john. wag mo na nga kulitin yang si shane baka tuluyan ng mabali yang buto mo e." -christian
Nakabalik na pala sila. Binigay na nila yung foods at kumain na kami. konting kwentohan at kulitan. mga boys naman syempre ano pang maaasahan e di...
Stephen: 7 lang yun.
Ryan: 7 lang!? e chx na yun dre. 10 na yun no!
Stephen: Mga type mo talaga. 7 lang.
Jm: E yun? yun?
King: May syota na. mga tarantado.
Christian: Sayang. yan ang chx!
John: 9.
King: 8.
Jm: 5.
Christian: Tres! wapak.
Lahat sila: HAHAHAHAHAH!!!!
Alexa: Mga loko! ano na namang ginagawa nyo!!!?
John: oh-oh! laka king!!!
Christian: It's a boy thing.
Cassey: As usual, nagrarate na naman ng girls.
Ako: Boys will always be boys. -_-
Stephen: Normal na sa guys yun.
Ako: Kaya nga, ano bang sabi namin?
Stephen: Alam nyo girls, ganito lang yan. parang kapag may nakikita kayong gwapo *ehem* di ba tumitili kayo? kinikilig ganun.
Ako: Ahh. so you mean, yan ang way nyo nang pagtili at pagkilig?
Christian: Nah. di rin! we have our own ways.
Okay. HAHA. Di nako sasagot, si christian na yun e. :") pano kaya kiligin si christian no??
------------------------------------------
May makakabasa pa kaya neto? haha. antagal kong nawala. Hayy! Anyways. kung meron man, Hello guys! :) Comment naman. *DN.