chapter five: something about her... (part3)

11 1 0
                                    

Pero sabi nga ng iba, life goes on. Hindi natin kailangan mabuhay sa past dahil walang maidudulot na maganda ito. Pero dahil sa nangyari, maraming bagay ang nagbago. Hindi lang sa akin, pero pati na din sa takbo ng buhay ko.

Madalas ng nasa labas ang parents ko. Laging may work si Dad sa company tapos si Mom naman sawa na daw sa loob ng bahay kaya naghanap ng trabaho. Hindi naman siya nahirapan, marami naman na kasing nag tatanong sa kanya noon na kung gusto niya mag-aaply sila dun pero mas pinili ni Mom na sa ibang bansa magtrabaho. Hinayaan nlang naming siya. Kaya naman madalas akong mag-isa sa bahay, feel ko tuloy since wala na si kuya wala na ring gana sa bahay.

Kapag nag-iisa ako, umiiyak nalang ako. Sinisisi ko sarili ko at inaamin kong hanggang ngayon. Kahit na minsan masasakit na din ang naririnig ko sa Mom ko, iniintindi ko nalang dahil I know, gaya ko. Disappointed siya sa akin, syempre ako ang dahilan ng pagkawala ni kuya e.

Nakauwi na kami ni Justine sa bahay namin, magkalayo kami ng subdivision e. Miss ko na yung babaeng yun! Soobra. Never pa akong nahiwalay sa kanya. Haha alam niya lahat ng nangyayari sa buhay ko. Superbestfriend nga e. psh! Pumasok ako sa room ni kuya nang…

Makita ko si Mom, nakaluhod hawak yung picture frame ni kuya at umiiyak. I went closer, umupo ako sa tabi niya and hugged her. Napatigil naman siya, tumingin sa akin. Nilayo niya yung pagkayakap namin.

“M-mom…” –ako

“Wala na… wala na si jigs, wala na siya dahil sayo. Alam mo bang mahal na mahal ko ang kuya mo? Kung hindi lang sana matigas ang ulo mo at nagpumilit na pumunta pa sa letcheng park nay an e di sana… sana, e di sana andito pa si jigs. Sana andito pa yung anak ko. Sana hindi nalang dumating yung araw na yun….” –Mom

5 years….. 5 years na, 5 years na since nangyari ang araw na yun.

5 years na since nawala si kuya..

5 years na pero hindi pa din nakaka move-on si Mom sa mga nagyari, well di ko naman siya masisisi dahil alam ko na kung gano ako ka-spoiled kay dad ganun naman si kuya kay Mom.

At 5 years ko na din pinagsisisihan ang pagpunta ko sa park ng araw na yun, pinagsisisihan ko na kung sana nakinig lang ako na uuwi kami ng maaga, Na kung sana hinintay ko si kuya sa school instead na sumama ako sa mga kaibigan ko, Sana hindi nangyari yun. Sana nandito pa si kuya, sana hindi nagging cold ang family naming, sana….. Sana ako nalang ang nawala.

“Mom, sorry po. Sorry talaga.” –ako

“Hay nako migs, walang magagawa ang sorry mo.” –mom

At umalis na siya sa room, naiwan yung frame sa taas ng bed ni kuya.

Migs na din ang tawag sa akin ni mom. Hindi na tulad noon na Princess, Honey or baby. While dad? Yea. He’s still calling me baby pero swertehan na kung makausap ko siya ng one month dahil madalas talaga siyang busy. Umupo ako at hinawakan yung frame. Naiiyak na naman ako. Unti-unting nag-fflash sa utak ko yung mga nangyari noon.

*flashback*

“Princess, try this one. It’s yummy. I know you’ll gonna love it” –Kuya

“I won’t kuya!!! Yuck. Ano ng lasa nyan? Fries dipped in sundae?” –ako

“Don’t be maarte. Try it. ” –kuya

No choice ako kaya tinikman ko. And in fairness, masarap nga. Hahaha Natutuwa ako pero I know inaabangan ni kuya ang expression ko kaya…

“Eew. Di bagay! Mas masarap pag ketchup.” –ako

“Hmp. Sarap kaya, I’m getting addicted to it.” –kuya

*end of flashback*

“Kuya. Haha, alam mo ba? Nung time na pinatikim mo sa akin yung fries and sundae nasarapan ako. Alam mo talaga yung mga taste ko no? Haha. Alam ko naman na alam mo nay un ngayon e, sorry sinabi kong di masarap pero siguro binabantayan mo naman ako diba? So nakikita mong ganun na lagi kong ginagawa at kinanakain? Haha” –ako

*flashback*

“Kuya. How’s this?” –ako

“Hindi ka nanaman nakinig sa teacher mo no?” –kuya

“amboring e. saka ba’t ba kasi may math? Never naman ginusto yang subject nay an ng students e. in fact, pinapahirapan pa nyan buhay natin” –ako

“sira. Mas dadali ang buhay kapag magaling ka sa math” –kuya

“Weh? E ngayon palang ang gulo na ng buhay ko dahil jan e. Haha, kuyaaaaa favor! Gawin mo to.” –ako

“No. you should understand that, simple concept lang naman yan e” –kuya

“Ayaw. Masakit na sa ulo kuyaa”- ako

“Come here, I’ll teach you.” –kuya

Lumapit ako sakanya at pinakinggan siya. Ginawa naming yung assignment ko and nakuha naman naming yung sagot. Mejo nagets ko noon at…

“*0* WOWWW!! Ang cool mo talaga kuya. Kaya love kita e.” –ako

“sabi naman kasi sayo e, madali lang yan. O kuha mo na?” –kuya

“YES! thankyouuuu ” –ako

*end of flashback*

“*sniff* *sniff* Alam mo ba kuya? Na yung assignment pala naming na yun ginawa ng teacher naming na part of our participation so it means mataas yung grade na nakuha ko dahil dun. Ako nga lang yung nakakuha ng tamang sagot e. At pinagmalaki pa kita hindi lang sa teachers pero pati na din sa classmates ko. Ako nga rin yung nag-discuss nun sa harap e. at tuwang-tuwa yung teacher ko dahil ang galling ko daw, ang galling daw nating magkapatid. Haha, ang saya ko kuya dahil andaming nagsasabi na ang galling ko na sa math. Marami na din akong tinututor odiba? Share your blessings nga talaga. Thankyou kuya ha? Seryoso na ako sa math ngayon, nakikinig na din ako sa teachers ko. ”

*flashback*

“Today’s your day, do you have any wish?” –siya

“Wish? Hmm. Wala na siguro. I’m happy and kuntento naman na ako with all the things and people around me.” –ako

“Wish na gusto mong tuparin ko.” –siya

“Uhm. Wish ko na.. Sana you’ll always stay with me. You’ll guide me and protect me. Sana ako lang ang princess mo, ako lang ang spoiled sayo and don’t ever leave my side kuya. Is it okay?” –ako

“Of course I never will. Ikaw talaga, lagi mo lang ako kasama tandaan mo yan. I won’t leave your side. Always remember that okay?”- siya

And then kuya hugged me. Humiram si kuya ng marker, kaya kinuha ko yung akin sa bag ko at nagsulat siya dun sa bench na inuupuan naming palagi.

This will always be our favorite bench. A witness to the promise I gave my sister. - Jasper Ian Gonzales Song & Maria Isabella Gonzales Song

“O ayan ha. Witness ng bench na to na I will grant your wish.” –siya

“Thanks kuya! You’re the best ^__^” –ako

*end of flashback*

“Ku—kuya. *sniff* kala ko ba you’ll always be by myside? Kala ko ba hindi mo ko iiwan? Diba birthday wish ko yun sayo? Mahirap bang tupadin yun? Kuya. Sorry. Sorry. Sorry talaga ha? Andami kong pagsisisi. Sorry for being a bad sister, a selfish sister. Sana maging Masaya ka na jan with papa Jesus ha?” –ako

Pinunasan ko na yung luha ko sa mata. At binalik na yung frame sa table ni kuya, Huminga ako ng malalim at..

“simula ngayon, hindi ko na sisisihin ang sarili ko. Ala-ala nalang si kuya and I know na kahit anong mangyari he’ll always guide me dahil I know love ako ni kuya and he won’t let me be hurt. Marami pang bagay sa mundo na kailangan ang attention ko. At mas sasaya si kuya kung uunahin ko na ang sarili ko. Kahit na mag-isa ako kakayanin ko lahat ng dadating sa akin. Magiging strong ako. ” –ako.

Secret Crush :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon