PANIMULA

7 0 0
                                    

Umaalingawngaw ang samo't saring tunog sa gabing iyon.



May mga boses na tila bumubulong...

Hangi'y tila nagbabadya ng masamang mangyayari sa umagang sumasalubong,

At mga hampas ng alon na sa katahimika'y tila lumalamon.


Sa gitna ng maliwanag na buwan

Kahit sa parolang nagbibigay liwanag sa karagatan,

Hindi nababasag ang kadiliman.


Nalilitong lumakad upang alamin ang mga kaganapan

Sa gitna ng mga tunog, mga kaibiga'y tila hindi man lang naguguluhan

Sa bawat pagyapak ng mga paa pababa ng hagdan

Mas lalong kinakabahan



Isa, dalawa, tatlo...

Yapak ng paa't kabog ng puso'y lalong bumibigat

Apat, lima...

Pababa ng pababa, palakas ng palakas, ang mga bulong ay naisiwalat


"Dinig mo ba kami?

Dinggin kami't wag ikubli"

Naguguluhan kung kinakausap

Ngunit tinig ay tila hindi maisabat

"Nakaw... Mapagkunwari...

Kabutiha'y tuloyan na bang napawi?"

Naaninag ang dalawang tila'y nagdarasal

Naglaho ang mga ingay... mga tinig nila'y biglang namutawi

Nakaluhod, umiiyak na parang nangugumpisal

"Dinggin ang dalanggin,

Parating na ang gitna ng gabi..."

Biglang sumingit ang tunog ng kampana

Nabulabog sa kintatayoa't nahulog ang dalang lampara

Lumingon ng may blangkong ekspresyon ang dalawa


Isa, dalawa, tatlo ...

tunog ng kampana

Apat, lima, anim, pito...

nakatitig lang sila

Walo, siyam, sampu

"Maghahatinggabi na, ibukas ang iyong mga mata nang makita" tugon ng isa

Labing-isa, labing-dalawa

"Hatinggabi na... Mga mata mo'y dapa't nakasara"



Umaalingawngaw ang tunog ng kampana ng gabing iyon.


Sa bawat pagpitik,

handa ka ba sa mga katotohanan

o kasinungalingang layon?



Umaalingaw ang mga tinig ng gabing iyon.


Sa mga kwento ba nila'y handa ka nang makinig?

Sa Gitna ng HatinggabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon