PHM II: Pangalawang Kabanata

5 0 0
                                    

II

August 17, 2017

"NEXT!"

Sigaw ng registrar sa eskwelahan namin kaya tumayo nako't lumapit sa window 2.

"Good morning, Ma'am. 'Eto na po mga enrollment requirements ko" pagbati ko.

"Walang good sa morning, kanina pa'ko nandito't mag-aalas dose na kaya't nagugutom na rin ako! Idagdag niyo pa 'yang mga requirements niyong kulang kulang, hindi ba kayo marunong magbasa't mag check ng requirements na nakalagay sa website at forms niyo ha? 'Tong mga batang to!"

Kami rin naman ah, kanina pa dito. Nagreklamo ba kami sa katarayan mo?

"May sinasabi ka ba iho?"

"Ay, Wala po Ma'am. Ka'ko kompleto po 'yan, promise!" sagot ko't ngumiti nalang ng pilit.

"Yce Delos Santos. Teka... Delos Santos? Kaano-ano mo yung sikat na pulis dito? Yung gwapo?" tanong niyang parang naiintriga.

"Si Leon Delos Santos po? Tito ko po. Bunsong kapatid ng mama ko"

"Ay gano'n ba? Naku, pakisabi sa Tito mo, maraming salamat sa mga tulong niya sa bayang ito, oo." tugon niyang nakangiti't ngumiti-ngiti nalang din ako.

Good mood bigla eh, kanina ang taray-taray.

"Matanong lang iho, single ba sya?" pabulong niyang bigkas at biglang tuminis ang boses at tumawa ng manipis.

May pagkahaliparot.

"Ano iho?"

"Ah-eh, sabi ko po, hindi ko po sure. Wala naman po siyang pinapakilala sa pamilya 'tsaka... 'di naman na po kami nakikialam 'pag gano'n. Baka matutukan niya pa kami ng baril kung palagi naming kukulitin" sabi ko't sabay na alanganing tumawa.

"Ay naku iho, sa'kin niya ka'mo itutok yung baril niya" mahinang tugon niya't sinundan ng napakalakas na tawa.

Confirmed, ang landi!

"Kanina ka pa ata pabulong-bulong iho" pagpupuna niya't itinaas ng bahagya ang kilay ng nakangiti parin.

"Sabi ko po... confirmed na po ba ang documents ko?"

"Ah okay na to Mr. Delos Santos, I'm your future Tita nga pala ha! Regards sa Tito mo"

Super landi, 'di ko na to kaya.

"He-he, Salamat ma'am, bye!" pagmamadali kong umalis.

"OKAY, MAMAYA NA ULIT, LUNCH BREAK!" rinig kong sigaw niya sa mga estudyante habang paalis na ako.

Ang awkward naman no'n, 'tsaka ang landi ah.

Hindi ko din naman masisi si Ateng Registrar kasi marami naman talagang nangangarap sa Tito ko. Palagay kong nasa early thirties niya parin siya't makisig at malakas ang dating. Lahi din naman kasi talaga ng magaganda't gwapo sila Mama, saki'n lang 'ata hindi tumalab ang genes.

Inayos ko ang mga dokumento kong dala't ipinasok na sa bag ko. Lumabas na'ko ng school para maghanap kung saan kakain.

Naisipan kong kumain sa malapit na manukan pero ang init kasi do'n, kaya't nagpunta nalang muna ako sa convenience store sa kabilang kanto. Bumili nalang ako ng sulit meals nila at doon na kumain, at least air-con.

Habang kumakain ay pinagmamasdan ko din ang mga estudyanteng pumapasok do'n. Madalas mga group of friends, napapaisip tuloy ako.

Kailan kaya ako makakahanap ng kaibigan dito? Mas nauna pa 'yong kaguluhang nangyari kagabi eh. Lapitin ba'ko ng malas?

Sa Gitna ng HatinggabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon