Pag-ibig na Hindi Mapagkunwari

7 0 0
                                    

I

August 16, 2017

"TULONG!"

Isang nakakabulahaw na sigaw ang ginawa ko para makuha ang atensyon ng sino mang makakarinig.

"Tito! Mga kapitbahay! Tulongan niyo kami"

Mangiyak-ngiyak kong pagsigaw.

"Nilooban kami! Tulong"

Patuloy ang paghingi ko ng saklolo habang sumisigaw sa bintana ng kwarto ko. Katabi lang nito ang mababang pader ng bahay namin. Doon umakyat ang lalaking pumasok sa kwarto ko't sa bahay namin. Nakita kong may sumabit na piraso yata ng blue na hoodie na suot-suot ng akyat-bahay.

"Ugh! 'Wag kanang manlaban! Sino ka't anong ginagawa mo rito? Magnanakaw ka ba ha?"

Rinig ko ang mga kalabog at ingay sa labas ng kwarto ko gawa ng pakikipaglaban ni Tito sa akyat-bahay.

"Tito Leon, mag ingat ka! Tulong, tulongan niyo kami!" patuloy kong sigaw habang kinakalabog at pilit na pinipihit pabukas ang pintuan ng kwarto ko.

Kanina'y natutulog ako nang magising ako sa isang kalampog sa bintana. Nang makita ko ang akyat-bahay ay dali-dali siyang tumakbo sa pinto at isinarado ito. Hinarangan niya ata sa labas at hindi ko na ito mabuksan.

Unti-unti kong naririnig ang ingay ng mga kapitbahay na nagsisilabasan na ng kanilang bahay.

May naririnig din akong papalapit na sirena ng pulis.

"Paparating na ang mga kasama ko Yce, 'wag ka nalang lumabas diyan at baka mapahamak ka pa!" sigaw sa'kin ni Tito.

Umatras ako mula sa pinto, ramdam ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib at panginginig ng kamay. Patuloy kong naririnig ang mga kalampog sa labas at may mga nababasag pa ngang mga bagay.

Papalapit na nang papalapit ang mga pulis... nang biglang...

May umalingawngaw na tunog na parang nagpatigil saking puso...

"AHH! Mga putok ng baril!" sigaw ng mga kapitbahay na nagsitakbohan na.

"Yce, dapa!" sigaw naman sa'kin ni Tito na dali-dali kong ginawa. Dalawang putok pa ang narinig ko't tinakpan ko ang aking tenga. "Aagawin mo pa baril ko ha!"

"Tigil!" Isang pamilyar na boses ang bumungad pagkatapos nilang pumasok ng pinto sa bahay namin. "Taas ang kamay!"

"Teka lang po, pasensya na po natakot lang ako! Magpapaliwanag ako, parang-awa niyo na!" tugon ng akyat-bahay sa mga dumating na pulis. Ang boses niya'y mangiyak-ngiyak at takot na takot.

"Sa presinto ka na magpaliwanag, posasan mo na 'to Chief, kanina pa'ko nito pinapahirapan"

"Sige, posasan niyo na 'yan"

"Teka lang po, parang awa niyo na. 'Yung kapatid ko!" patuloy na pagmamakaawa ng lalaki.

"Iho, hindi ka na maisasalba ng pagmamakaawa mo. Sana naisip mo na 'yan bago ka mang trespass... sa bahay pa ng pulis" tugon ng hepe ng mga pulis. "Pasensya ka na Leon, medyo natagalan kami. Galing din kasi kami sa isang raid. Binata din yung nahuli namin, kagaya nito. Ano na bang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Dis-oras at hatinggabi kung mag-gagagala kaya napapasali sa kung anong mga gulo!"

"Salamat parin Chief at dumating kayo, kun'di baka nakawala to, ang liksi't bilis pa naman din."

"Okay lang ba kayo? Wala bang nasugatan?"

"Si Yce! Yce?" rinig kong sigaw ni Tito habang tumatakbo siya papunta sa kwarto ko. Binuksan niya ng malakas ang pinto't nakitang nakadapa parin ako sa sahig.

Nanginginig, di makagalaw.

"Yce, okay ka lang? Natamaan ka ba? Nasaktan?" dahan-dahan niya akong inangat at pinabangon.

"O-okay lang p-po ak-ko" tugon ko habang nakatingin sa mga mata niyang sobrang nag-aalala. May mga sugat siya sa balikat at kamay. "K-kayo po? Nagd-du-durugo ang kamay ninyo, k-kailangan niyo po magamot"

"Okay lang ako, madaling gamutin 'to. Salamat sa Diyos at okay ka lang" Niyakap niya ako ng mahigpit.

"S-salamat po, Tito" tugon ko't nakita kong nakatayo sa labas si Sir Ace, ang amo ng tito ko't hepe ng mga pulis. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala't ngumiti na din sa akin.

"Parang awa niyo na po!" malakas na iyak parin ng binatang akyat-bahay.

Kumalas na si Tito sa yakap niya sa'kin.

"Sige Leon, maiwan na muna namin kayo't dadalhin na namin itong binatang 'to sa presinto"

"Maraming salamat, Chief." sabay naming tugon ng Tito.

Inaalalayan na nila papasok ng kotse ang binatang akyat-bahay, nakaramdam ako ng awa't pagtataka kung bakit niya 'yon nagawa.

Kakalipat ko pa lang dito sa Tito ko kaninang umaga dahil malapit lang dito ang eskwelahan ko sa kolehiyo. Napagod na ako sa byahe't gan'to pa ang nangyari sa unang gabi ko?

Ano ba itong pinasok ko?

"Pasensya ka na sa mga nangyari, iho. Hayaan mo't hindi kita pababayaan. Ligtas ka, Yce"

Ligtas nga ba o magsisimula pa lamang ang madilim na parte ng makulay kong buhay?

Sa Gitna ng HatinggabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon