Promise Chapter 2:

4 0 0
                                    

"Hmmm... Aray... Sakit ng ulo ko" Nyeta naman napasobra ata ako sa alak. Tama nga sila sa huli nasa huli ang pagsisisi. Buti na lang pina-cancel ko yung meeting ko dun sa mga Parker. Langya kasi yung Luke na yun eh bwisit.

Sa wakas nahimasmasan na ako. Pero saan naman ako pupunta? Wala naman akong mga meeting. Baka tulog pa sila Sam. Sa coffee shop na nga lang.

Yup. May pinatayo kaming coffee shop. Kasi business ang course namin. Hindi nga namin alam kung paano kami pumasa. Basta past is past.

Nainom ako ng coffee ng may biglang nagiskandalong isang babaeng costumer. Haaay ang aga aga problema agad.

"Ahm ma'am ano pong problema?" Tanong ko pero tinignan lang ako nito dahil nakashort lang. Hindi naman yung short na short ah!

"Nasan ba yung manager nyo at nagpapapasok kayo ng mga malalandi!" Mukang mainit ang ulo nya ah. Langya hindi lang ikaw ang mainit ang ulo! Wag mo akong tatawagin na malandi. Wala kayong karapatan!

"Ahh ma'am ako po yung may ari ng coffee shop na pinuntahan nyo. Kung ayaw nyo po ng serbisyo namin pede na kayong umalis wag na kayong gumawa ng eksena." paliwanag ko pero tinawanan lang ako. Aba't!!

"Hahaha. Ikaw? Ikaw yung may ari kaya pala walang respeto tong mga trabahador nyo dahil kawala-walang respeto din ang may-ari" at ayun tawa sya ng tawa na parang baliw

"Ma'am kung sa akin kayo may problema kung sa suot ko kayo may problema. Wag nyong idamay ang mga trabahador namin dahil wala kayong karapatan na sa-" bigla akong natauhan ng sampalin nya ako.

"Ma'am Cass" Pag-aalala ng mga trabahador (note: Sorry hindi ko alam kung anong dapat itawag eh sorry) namin. Awww ang sweet naman.

"Okay lang ako" pigil ko sa kanila. At akmang susundan pa nya ng isa pero biglang may humarang. At s-si Luke yun. Wait what? Si Luke? Siya yung nasampal?! Teka anong ginagawa nya dito?

"Tss." Naaawa ako sa kanya kasi mukang malakas yung pagkasampal kesa nung una eh. Hmmp. Hayaan mo sya he deserve it naman eh pagkatapos nya akong tawagin na desperada kagabi.

"Oh! I'm sorry hindi ko sinasadya hindi naman ikaw yung dapat sumalo nun eh. Yang babaeng malanding yan ang dapat sumalo" Wow ah! Nasabihan pa akong malandi eh sya nga yung makahimas sa pisngi ni Luke wagas.

Ako pa yung sinabihan nyang malandi eh ano pa sya haliparot! Nakoo!! Pigilan nyo ako! Sinasabi ko sa inyo baka kung anong magawa ko dyan!

"Its okay madam. Kung pede lang po umalis na kayo para hindi na lumaki yung gulo. Oh by the way *tingin sa akin* yung sinabihan nyo ng 'malandi' ay ang 'girlfriend' ko." Wait what? Pinagtatanggol nya ba ako? o sinusumpong na naman sya? Argh!

Alam ko na to Luke Michael! Pagtatanggol mo ako tapos mamaya pagsasabihan nya ako ng kung ano ano!

"Oh I see. Sige sorry for making a scene." Sabi nya at lumabas na ng coffee shop. Salamat naman. Pero hindi ako magpapasalamat kay Luke! Bahala sya sa buhay nya.

Lalapitan ako ng mga trabahador namin. Pero mas nauna si Luke.

"Cass are you okay?" at dahil dun pinagbulungan na kami. Na 'boyfriend' ko daw sya. Like duh!

"Sabihin mo na." Inunahan ko na sya alam ko naman na may sasabihin sya tungkol sa akin lalo na ganto yung suot kong damit.

"Huh? Anong sasabihin?" wow Luke stop playing around!

"Tss. Kaya ko mag isa hindi ko kailangan ng tulong sa mga mapanghusgang tao" pagkatapos nun tumayo na ako at binabalik ko na sila sa trabaho. Pero hindi pa ako nakakalayo.

"I'm sorry" Huh? Ano daw? "I'm sorry" ulit nya teka nagsosorry ba sya dahil tinawag na naman nya ako girlfriend nya? O dahil kagabi na tinawag nya akong 'desperada'?

"Para saan?" Tanong ko. Ewan ko sayo Luke naguguluhan ako sa'yo

"Sorry for what I said yesterday. Alam kong wala akong tawagin kang 'ganun'. Kaya I'm sorry" Nabigla ako hindi dahil dun sa 'sorry' nya. Dahil lumuhod sya habang nagso-sorry. Seryoso Luke ano bang gusto mo?

"A-anong ginagawa mo?" Hindi mo kailangan gawin yan. Hidni mo kailangang ibaba ang sarili mo na ganyan. Ano ba ako sa'yo para gawin mo yan?

"Hindi ba halata nakaluhod" Aba! Nakoo binabawi ko na yung nga sinabi ko. Langya Luke akala ko seryoso ka dyan sa sorry mo! Bahala ka!

"Oi! Joke lang Cass pinapatawa lang naman kita eh."

"Muka ba akong na-tawa?" Seryoso nakakabanas na! Ayoko sa lahat yung jino-joke ako lalo na yun mga hindi ko ka-close kapag seryoso ako!

"Hindi. Kaya nga sorry please? Tignan mo ang sakit ng sampal nung babae kanina" Bakit biglang tumigil yung tibok ng puso ko. Dahil ba hawak nya yung kamay ko habang nagpapa-cute sya at nilalapit sa pisngi nya. O dahil seryoso muka nya habang sinasabi nya yan.

"Ano bang gusto mo?" Waaa! Nakakalito ka Luke!

"Patawadin mo ako. Sige na. Please" sabi nya habang nakapout. Waaa! Ang cute! Hindi Cass wag kang magpadala sa cute nyang muka. Galit ka galit ka!! Wag kang ngumiti!!

"Oii! Ngumiti sya! So ano? Okay na tayo?"Sabi nya.

"Hindi naman tayo eh." Wait what? Sinabi ko yun? Seryoso?

"Gusto mo? Pede naman maging tayo eh." Waaa!! Wag mo akong pinapakilig dyan!

"Adik"

"Gwapo naman" tignan mo to!

"Alis na ako" sabi ko sa kanya at kinuha yung bag. At dahil malapit lang yung condo ko hindi ko na dinala yung kotse ko sayang sa gas eh.

"Hatid na kita" Aww ang sweet. Hindi ko pa nga sya sinasagot eh. Ano? Cass umayos ka! Lumalandi ka na naman!

"Malapit lang condo ko dito"

"Basta para SAFE" okay anong safe tinutukoy mo Luke? hahaha. Kahalayan mo Cass!

Nakadating na kami sa condo ko pero etong si Luke ayaw pang umalis. Kulang na nga lang pagtabuyan ko sya para umalis kaso ang tigas ng ulo nya. Pengeng martilyo sarap kasing pukpukin ng ulo nitong damuhong to!

"Luke! Umalis ka na wala kang gagawin dito!" Ayan na naman sya nagtutulog tulugan.

"Hmmm. Ano ba Cass natutulog yung tao eh. Halika ka nga"sabi nya sabay hila sa braso ko. At dahil nasa sofa sya nasa ibabaw na nya ako. Waaa! Bata pa ako Luke!

"Bad girl" sabay pitik sa noo ko. Putcha sakit nun ah!

"Aray! Magsorry ka sa akin! Sakit nun ah!" Sabi ko sabay pout. Totoo naman eh masakit kaya! Pero imbis na sagutin nya ako hinalikan nya ako sa pisngi. Sa pisngi lang ah! Sayang kala ko sa... noo. Kasi sabi nila mas sweet daw yung sa noo kini-kiss

"Landi mo" totoo naman eh! Kagabi lang kami nagkakilala tapos nilalandi nya ako. At nagpapalandi naman ako. Bwahaha

"Gwapo naman" yabang talaga nito

"Hindi naman malakas yung aircon ko ah. Eh bat ang hangin"

"Hindi hangin ang nilalabas ng aircon. Lamig ang nilalabas"

"Kaya nga kulang na lang lumabas ka eh"

"Ano naman ilalabas ko?" Kyaa! Manyakis ka Luke!

"I mean lumabas ka na dito sa condo ko. Tss bastos" sabay alis sa ibabaw nya.

"Tsk. Kung hindi ka lang maganda" wait ano sabi nya? Ako magnda? Seryoso?

"Alam ko naman yun. Madaming nagsasabi nyan"Bakit totoo naman diba?

"Makaalis na nga" sa wakas lumayas kana!

"Dapat lang"

At ayun hinatid ko na sya sa pintuan. Sa wakas wala ng gwapong nilalang dito maganda na lang. Bwahaha!!

Nagpapahinga ako ng mag vibrate yung phone ko. Si Luke nagtext.

"Miss na agad kita. Kaya liligawan na kita" pfft. Bwahaha. Ang cheesy putcha! Wait what manliligaw sya sa akin? Ano ba talagang gusto mo Luke Michael Parker?

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon