"Cass lets go?" Yaya ni Pauline. Langya san ba kasi kami pupunta! Kung hindi ko lang to mga kaibigan pinaghinalaan ko ng may gagawin silang masama sa akin. Mag pa-five pa lang baka isa-salvage nila ako. Huhuhu
"Teka nga! Sabihin nyo nga kung saan tayo pupunta! Wag nyong sabihin ipapada-"
"Oo ipapadate ka namin" Putcha sabi na nga ba eh!
"Pero Cass ginagawa lang namin to para makalimutan mo na yung EX mo!" Langya Sam! Maka-ex wagas ah
"Kung hindi ko lang kayo mahal..." Ano pa bang magagawa ko? Edi sumama na ako. May meeting pa naman ako bukas sa mga Parker.
"Tsaka. Hindi lang ikaw ang may date kami din. Yung ipapakilala namin sa'yo ay kaibigan ng makakadate namin."paliwanag ni Aubrey. At dahil hindi ko medyo gets tumango na lang ako. Galawang matalino Cass!
At yun na nga umalis na kami sa bahay at pumunta na kung saang lupalop. At dahil mga bungangera tong mga to ng ingay nila sa sasakyan. Habang ako kinakabahan para bukas. Sabi kasi ng secretary ko masungit daw yung kakausapin ko. Huhuhu Lord tulungan mo ako!
At dahil hindi ko namalayan ang oras dumating na pala kami sa isang restaurant. Kaya pala nakadress kami. Pagpasok pa lang namin sa loob pinagtitinginan na kami l. Wala eh sadyang magaganda kami. Bwahahaha!
Umupo kami sa isang table na may 12 chairs. Halatang pinare-serve kasi lahat ng table dito ay hanggang 2-4 chairs lang.
"Ah wait lang daw papunta na sila." Sabi ni Cathy. Luh! Akala ko ba naman mga gentle man eh babae pala ang pinapaghintay. Pwe!
"Ahh excuse me." Bigla bigla na lang may nagsalitang lalake sa likod ni Aubrey. Sila na ba yun? Sht. Kahit sinong babae siguro kayang maghintay kung sila ang makakasama mo sa ka- kainan! Nakooo Cass umaarangkada nanaman yang kahalayan mo!!
"Oh! Nandito na pala kayo!" Sabi ni Wendy. Sabay nakipagbeso sa kadate nya ata yun ewan pero ang gwapo. Sana maging sila.
Habang sila puro kwento habang ako naman nakatingin sa kanila. Pero don't worry hindi ako nagiisa may isang lalaking walang imik parang ang sungit. Tapos yung mga iba akala mong ang tagal na nila magkakilala.
"Oh yes! Cass bakit naman kasi hindi ka nagsasalita. Nakoo wag kang kabahan sa meeting mo bukas sa mga Parker. Alam kong kaya mo yan."Habang sinasabi ni Sam yun nagkatinginan yung mga lalake. Okay? Anong ibig sabihin nun?
"Ah girls hindi pa pala namin napapakilala sa inyo. Si Luke. Luke Michael PARKER." Wait what?
Pa-Parker? Parker? Parker!!!!!! Seryoso? Parker? Parker yung apilyedo nya? As in Parker? Letche Cass! Parker nga diba PARKER!!
*Blink* *Blink* *Blink* *Tingin sa lalake* *Tingin sa mga kaibigan*
"Hey. *Tingin sa akin* You don't need to be shock like hell. Alam kong gwapo ako wala eh lahing Parker." Huh? What? Wow ha! Lakas ng tama ni kuya!
"Wait diba sabi ng kaibigan mo-" Hindi pa sya nakakatapos pinutol muna ni Sam
"Excuse me? FYI lang may pangalan ako. I'm Sam" Mahinahong sabi ni Sam bwahahaha! Yung itsura nya! XD
Pero tinignan lang sya ni Luke
"Okay. As Sam said na may meeting ka daw sa amin. Ikaw ba si Cassandra Angelica Gomez?" Sabi ni Luke nyeta kuya ah! Nakakahighblood! Nako kung wala lang akong meeting sa kanila kanina ko pa to binatukan
"Ahmm. Yes" Seryoso Cass? Yan lang nasabi mo? Pero eto pa ang nakakainis tinignan lang nya ako. Okay? Hindi man lang ba sya nagandahan sa akin?
"Oh nice to meet you Ms. Gomez"sabi nya sabay lahad ng kamay pero yung muka nya seryoso pa din. Hindi man lang ba nya kayang ngumiti man lang?
Dumating ba yung order namin lahat lahat hindi man lang sya umiimik. Langya naman oh! Ang hard to get naman tong si kuya. Pero in all fairness gwapo naman sya kaso... kaso... kaso! Ang SUNGIT nya!
"Ah guys labas muna ako" halatang nagtataka pa sila. Eh paki nyo ba! "Ang swerte nyo nga kasi yung mga kasama nyo ang sweet. Okay na sana eh kaso panira yung isa." Sabay tingin sa katabi ko. See? Katabi ko sya pero hindi ko maramdaman yung presence nya. Ganyan ba yung mga Parker? Walang pakealam sa mundo?
Hindi ko na hinintay na sumagot sila. Bahala sila pakasaya na lang sila.
At dahil hindi ko naman alam kung saan ako pumunta eh. Langya! Magisip ka Cass! Aha! Alam ko na.
"Sht ang ingay naman dito" Putcha Cass nagtatanong ka kung maingay? Eh malamang sa bar ka pumunta.
Order lang ako ng order ng kahit anong drinks. Yung naiinom ko ang tapang yung iba naman okay lang
"Hi miss pede ka bang samahan?" Tanong ng isang lalake. Tinignan ko lang sya at uminom na ulit. Duh! Hindi ako desperada noh!
"Okay. Silent means yes. Hi-" hindi pa nya natatapos yung sasabihin nya dahil...
"Cass! Babe! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh" Wait what? B-babe? As in babe? Ti-tinawag ako ni Luke ng babe? Si Luke?
"Oh I see. Sige miss hindi mo naman sinabi na may kasama ka. Sige bye pakasaya kayo ng babe mo" Wow ha! Napakauto-uto nitong lalaking to.
"Anong-" Putcha hindi man lang ako pinatapos nanghila agad tong lalaking to. Ang sakit ng hawak nya.
"Teka nga! San mo ba ako dadalhin? Eh kanina nung nasa restaurant tayo hindi ko man lang maramdaman yang presence mo! Tapos ngayon! Kakaladkadin mo ako!" Sabi ko pero wala syang pakealam. Aarrgh!! Nakakainis na sya!!
"Yun ba yung dahilan? Kaya ba nakikipagusap ka sa mga lalaking hindi mo kilala? Hindi ko naisip na napaka desperada mo par-" sinampal ko na sya agad
"Huh? Ako desperada? Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan. Hindi porket may meeting ako sa inyo bukas eh papalampasin ko na yan! Hindi nga kita kaibigan o kahit man lang kamag-anak tapos pagsasabihan mo ako na desperada? Eh ano bang pakealam mo? Wala! Wala kang pakealam! Kaya ba ginawa mo yun parapagsabihan ako ng ganyan! Huh! Hindi ko naman alam na may pagkabastos pala ang mga-" Kahit minsan lang patapusin mo akong lalake ka!
"Ayaw kong may umaaligid sayong mga lalake" Sht ang lapit ng muka nya. Kulang na lang hindi ako huminga para hindi nya maamoy yung alak. Ganto ba lahat ng mga Parker? Lumayo na ako baka kung san pa to mapunta hindi pa ako ready.
Tinext ko sila Sam na uuwi na ako magisa. Si Luke? Bahala sya sa buhay nya. Pumara na ako ng taxi pero hinila nya ako papunta kung saan. Seryoso Luke? Hilig mong manghila. Baka kung ano na yang nahihila mo ah! Noo! Galit ka sa kanya Cass! Galit ka!
"San bahay mo?" A-ano daw? Ba-bahay ko daw? Baka kung anong gawin nya sa akin! May mga pangarap pa ako sa buhay!! Mommy oh re-rapin ako ng lalaking to!
"Hindi kita ire-rape baka ikaw pang mang rape sa akin" sabi nya sabay ngisi. Wait ngu-ngumisi si Luke? Nako Cass imagination mo lang siguro yun. Imposible isang Luke Michael Parker ngi-ngisi?
"Ewan ko sa'yo" tinuro ko na lang yung direction para matapos na tong kalokohan mo Luke Michael Parker.
