Chapter One

2.5K 9 3
                                    

Isang linggo matapos ipamana sakin ni nanay ang panty nya, she died. Nakakalungkot isipin na magisa na lang ako ngayon! Napatingin tuloy ako sa bayolet na kahon na ipinamana ni nanay. 

Nacucurious tuloy ako kung totoo ba talaga ang magic na sinasabi ni Nanay saken. I open the box tsaka ko kinuha ang glowing bayolet panty doon. Binasa ko ang maliit na papel na nasa loob ng kahon.

Wear this, before you wish.

Aba't may paenglish english pang nalalaman? Take note, may instructions pa talaga? Ibang klase! Kahit mga pamana, level up na din ah! Asteg!

Naghubad ako ng shorts at panty kong suot tapos sinuot ko naman ang panty na pamana ni nanay. May orasyon na kailangan pang banggitin bago humiling.

Punyemas! Hassle naman basahin! Pero sige, walang choice eh!

'Allakazzuummm Allaakazzaamm queriidoo cuuummmm piillummm'

'Allakazzuummm Allaakazzaamm queriidoo cuuummmm piillummm'

'Allakazzuummm Allaakazzaamm queriidoo cuuummmm piillummm'

"Gusto ko ng magandang sapatos." Pumikit ako saglit matapos kong magwish. Few minutes later, minulat ko ang mata ko. Bumulaga saken ang isang pares ng magandang sapatos!

Holy cow carabao! Totoo nga! Nananaginip lang ba ko?

I check the shoes kung totoo ba talaga, naaning ako kasi totoo nga! Hindi ako nananaginip! Nangingiting sinuot ko ang magandang sapatos.

Kung tao kaya ang hilingin ko? Magkatotoo kaya yun? Sige! Testing!

'Allakazzuummm Allaakazzaamm queriidoo cuuummmm piillummm'

'Allakazzuummm Allaakazzaamm queriidoo cuuummmm piillummm'

'Allakazzuummm Allaakazzaamm queriidoo cuuummmm piillummm'

"Gusto kong magkaron ng instant boyfriend. Yung tall, white, chinito and handsome at syempre mayaman." I close my eyes as I made that wish. Matagal bago ako mumulat. Nagbilang muna ako, in 3, 2, 1.

"Hi." sabi nung tall, white, chinito and handsome guy sa harap ko.

For a while, I was speechless. Napatunganga ako sa nakikita ko. Nagkatotoo nga!

Grabe! Ang astig naman ng panty ni nanay! Ang galing galing! May boypren na ako ng walang kahirap hirap!

"He-Hello! Totoo ka ba talaga?" Napapraning na tanong ko sa lalaking kaharap.

"Yes. Di ba nga, winish mo ko? So I'm here to be your boyfriend." He smile flaunting his white set of teeth. Mukha syang koreano sa chingky eyes nya.

I furrowed my brows. "Alam mo ang tungkol dito?"

He chuckled na lalong nagpagwapo sa kanya.

Gosh! Pantydropping naman talaga sya oh! Galing kong magwish!

"Yes. Alam kong galing ako sa panty ng nanay mo. Yun nga lang may limitasyon ang pagiging boyfriend ko sayo."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Tsaka mo lang ako makikita o makakasama kapag suot mo ang panty ng nanay mo. I mean lahat ng bagay na winish mo sa panty nya. Yun ang side effect nyan."

"Ganun? Badtrip naman. Paano kapag nilabhan ko to eh di dissapear ka muna?"

"Yeap."

"Bakit ba kasi may side effect pa? Nakakainis naman." Nakasibangot na sabi ko.

Susmi! Gamot lang ang peg?

"Tanong mo sa nanay mo."

"Patay na sya, ano ka ba! Maiba tayo, diba boypren na kita? So dapat may endearment tayo. First time kong magboypren kaya dapat bongga noh."

"Ano bang gusto mong itawag ko sayo?"

"Babe na lang! Teka nga pala ano bang pangalan mo? Kanina pa tayong nagchichikahan dito!"

"I'm Matteo Dy babe! Your instant boyfriend." He smile again. How I love the chinito eyes.

"Astig may pangalan ka din pala! I love you, Matteo Dy."

"I love you too babe." Sa sobrang saya ko, napayakap ako ng bongga sa kanya. Nakalimutan ko na ang side effect na sinasabi nya. Basta all I know is, may boyfriend na ko! Hindi man normal, keribels na din!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panty ni NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon