"A-Anak, halika rito sandali." Si Nanay Violeta na mukhang naghihingalo na. Hindi ako gasinong nababahala kasi lagi namang ganito ang eksena ni Nanay eh.
"Bakit ho Nay? Nauuhaw ho ba kayo?"
"Siguro panahon na para ipamana ko na sayo ang natatangi kong kayamanan anak."
"Nay? Seryoso? Mayaman ba tayo at may pamana chenelyn ka pang nalalaman? Sus Nay, tigilan nyo nga ako. Siguro nagugutom na kayo noh?"
"Basta lumapit ka rito Cyenith."
"Andyan na ho Nay." Lumapit ako sa kama nya.
"Kuhanin mo yung kahon tapos buksan mo, ang pantyng yun ang makakatulong sayo kapag nawala na ako anak! Ipinapamana ko na sayo. Basta ba hindi mo aabusuhin ang magik niyon ha?"
"Nay naman! Nagdidilhiryo ba kayo? Nasobrahan ata kayo sa gamot kanina? Anong panty ho ang sinasabi nyo? Kumain na nga kayo Nay. Saglit lang ho at ikukuha ko kayo ng makakain."
"Ano ka bang bata ka! Seryoso ako, kuhanin mo ang kahon na yun. Yung nasa ibabaw ng cabinet."
"Nanay talaga oh! Alin ho bang kahon?" Napapakamot sa ulong tanong ko.
"Yung kulay lila." Atubiling kinapa ko ang kahon na sinasabi nya. 'Sabagay bat ba nagtanong pa ko? Halos lahat naman ng gamit namin sa bahay puro kulay bayolet. Si Nanay kasi, kinareer ang pangalan nyang Violeta kaya ang ending naging bayolet ang paboritong kulay nya. Mapagkakamalan na syang si Barney eh!'
"Eto ho ba Nay?" Sabay abot ko ng kahon.
Nanay Violeta open the box at laking gulat ko naman nung makita kong isang kumikinang na pantyng bayolet ang laman.
Holy cow kalabaw! Totoo nga!
Kinuha nya ang bayolet na panty!
"Itong pantyng ito ang ipamamana ko sayo Cyenith! May papel sa kahon, yung nakasulat doong orasyon ang babanggitin mo kapag hihiling ka. Tandaan mo anak, wag mong aabusuhin ang paggamit nito. May limitasyon ang lahat ng bagay Cyenith."
I stared at the glowing violet panty. Hindi ako makapaniwala na sa year 2016 may magic pa pala talaga. Nakakaamazed ang mahiwagang panty ni nanay. Magic rocks!
BINABASA MO ANG
Panty ni Nanay
FantasyPanty telege? Susme! This is some kind of a gross inheritance!