Chapter One
“Haaaaaaaaa….,” mahaba-habang hikab din ang pinakawalan ko.
Kasalukuyang nakasakay ako sa isang sa LRT papuntang bahay. Bad trip nga e, mukhang walang masyadong nakasakay dito ngayon. Sabagay, pa-close na rin kasi ‘tong station. Last travel na yata.
Nakatingin ako sa kawalan nang mahigit sa 15 minuto nang biglang…
“Hi Miss, may I know your name? By the way I’m Chris Sandoval” sabi ng isang lalaki sabay akmang makikipagkamay pa and matching wide smile.
-_- Name mo mukha mo. Ano ba yan, baka masama ‘tong lalaking ‘to at trip niya yata ako.
“Ok, just stay calm Ms. Guevarra kailangan mong huminahon at mag-isip ng paraan kung pa’no mapo-protektahan ang iyong sarili,...” sambit ko sa sarili ko.
“Sorry Mister, pero di kita kilala e. Mommy told me not to speak with strangers…” ngunit di pa ako tapos sa sinasabi ko ay may sinabi siyang makahulugan… na di ko maintindihan…
“Tinuruan ka rin ba niyang makalimot makipag-usap sa tulad ko…?” sabi nung lalaki na parang nag-iba yung timpla ng mukha.
“ Pardon?”
“…Sa tulad kong pogi…” Suddenly turning to his first expression upon greeting me.
Nakakaloko ‘to ahhh, kanina nakasimangot at kung anu-anong pinagsasabi tapos ngayon ngi-ngiti-ngiti pa sakin. Di kaya psychotic ‘to o drug adik, o di naman kaya rapist???!!!! My god paano ang pagiging babae ko!!!!!!!!
Bigla na lang umupo yung lalaking nakikipagkilala sakin by my side. Natatakot na ako at baka may balak ngang masama.
Palihim kong siyang tiningnan. Mukha namang may sinabi sa buhay at ang amo ng kanyang mukhang. Ganito ba kagwapo at kaporma mga rapist sa mga paahong ito?
Matingnan nga ulit ang mukha baka naman may tagabulag lang ‘tong mokong na ito.
Nahuli ko siyang nakatitig sa’kin at ngumiti na naman. Bakit ba siya ngiti nang ngiti, wala ba siayng alam na ibang expression?!
Buti na lang at biglang tumigil na yung LRT at saktong nasa bababaan ko na talaga ito. Binirahan ko na nga ng labas yung estrangero.
“Kala mo ha, di mo ko makukuha sa mga ganyang style,” ako habang lumilingun-lingon sa likod.
“Miss, hinahanap mo ba BF mo?”
“Anak ng toge?!!!” muntik pa akong mapamura sa gulat nang may biglang lumitaw sa harapan ko.
“E daig mo pa kasi yung giraffe sa katitingin sa likuran mo.”
“Pwede ba, tantanan mo na ako. Di ko kailangan ng tulong mo” at kumaripas na ako ng lakad.
Pero alam kong sumusunod pa rin siya sa’kin.
“Ano ba talagang trip mo ha?! Di kita kilala tapos kung makasunod ka daig mo pa parents ko!”
“Ikaw ang trip ko, type kita,” walang paliguy-ligoy nyang tugon sabay ipinako niya ang mga mata niya sa’kin. Yung tipong para akong pagkain habang ngumingiti.
“Budol-budol ka ano? Wala akong pera sa bag ko, makakaalis ka na . At pag sinundan mo pa rin ako, wala na akong magagawa at magsisisigaw ako ng tulong.”
Sino ba kasi ang estrangherong ‘to, ano ba kailangan niya sa akin. Foot-a-sheet naman oh!!!
At di nagtagal ay nasagot na rin ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko. Isa pala siyang holdaper!
Tinakpan niya ng panyo niya ang bibig ko at mukhang dadalhin ako sa kung saan. Baka naman miyembro siya ng isang gang na ginagawang prostitute ang mga nabibiktimang babae… Naku, baka ma-gang bang pa ako!
Huminto kami sa isang gilid ng LRT station kung saan walang masyadong tao.
“Lahat ng taong gusto ko, gusto rin ako” sabi nung lalaki na may suot ang signature smile niyang nakakaloko.
Akmang hahalikan niya ako sa labi… yung mapupula at malalambot niyang labi.
“Wala na akong magagawa kundi ang magpaubaya… Malay mo pag nagsawa siya sa’kin e tantanan na niya ako at iwanan ng buhay. Afterall ang mahalaga naman di ba ang yung manatili akong buhay” sa loob ko.
“E pa’no kung halang ang kaluluwa ng lalaking ‘to… At nagbabalat-kayo lang ang demonyo sa anyo ng poging lalaking nasa harapan ko” sabad pa ng isang parte ng utak ko.
At ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinanda ang sarili sa darating, kung anuman ang mangyayari, yung ang di ko pa alam. Pero di ko dapat isuko na lang ang pagkababae ko, I will fight to keep it ‘til death!
PAK! PAK!
Nagpang-abot ang aking kamay at ang kanyang pisngi.
“At ako yung gusto mong ayaw ka! Always remember, there’s always first time in everything”
He stood still. Para na siyang istatwang Adonis . Then I decided to run away to him.
After surviving the crazy man in the LRT, I feel myself gasping for air as much as I could.
Naglalakad na ako sa street namin nang may tumigil na sasakyan.
“Hi, wanna ride on Melissa?” galing ang tinig na iyon sa kotseng huminto sa harapan ko. Mukhang pamilyar ang boses, but it can’t happen here… especially under this circumtances… and after convincing myself falsely that I moved on already…
“Hatid na kita , just like the usual”
“Just like the past” I said firmly.
“Okay, whatever you say. How about a dinner, can I have a dinner with you?”
“Please Mac, itigil mo na ‘to. Stop acting like a kid, act accordingly. Tapos na tayo di ba?”
“So may bago ka na naipalit sa’kin?”
Na-hang ako dun. The question keeps reverberating in my head.
“O-Oo naman, we’ve been together for about a year and half” sabi ko.
“Ouch, just a month after our broke up.”
“Ge, alis na ako.”
“Sunduin kita bukas sa school mo”
“Stop! May BF na ako , Mac.”
“I won’t believe unless you show him to me. Tomorrow I’ll stop all of these when I met your imaginary boyfriend hahahahaha.” Pagtawa ni Mac na mapang-asar. “Geh, bukas na lang, Melissa”.
Patay, paano ko ba lulusutan ‘to. Pinahamak ako ng sarili kong dila.
“Hi Miss, may I know your name? By the way I’m Chris Sandoval…” biglang sumagi sa isip ko ang sagot. Tama, sabi niya gusto niya ako di ba? So gagamitin ko siya para tigilan na ako ng ex-BF kong si Mac. E pa’no kung manyak nga talaga si Chris o stalker ko… Kahit na wala naman sa muka niya ang pagiging ganun. At saka kung di man nga siya masamang tao, e pa’no ko siya mako-contact?...
“I won’t believe unless you show him to me. Tomorrow I’ll stop all of these when I met your imaginary boyfriend hahahahaha.” Di mawaglit sa isip ko ang ex ko na mukhang after we broke up ay nag-enjoy sa buhay at out of the blue lilitaw sa harapan ko… Yung lalaking iniwan ako nung 18 years old pa lang ako sa kadahilanang chubby ako… Yes you heard it right, sa kadahilanang C-H-U-B-B-Y ako. LOOK HOW FABULOUS I AM AND DROOL UNTIL MAUBOS LAHAT NG TUBIG AT ELECTROLYTES SA KATAWAN MO!!!
“I know God will help me in this” at pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko.
______________________________________________________________________________
P.S.: Sabihin niyo na lang kung gusto niyo ituloy yung story na 'to. Comment din kayo ng gusto niyong mangyari throughout the story. :D
______________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Missing You
Teen FictionForgetting the past is difficult, remembering it is worse. --Chris Sandoval (Fictional character in Missing You)