Chapter Five

9 0 0
                                    

Chapter Five

Nagtanong ako sa Campus Nurse namin kung may record si Chris ng Bipolarism. Kung mayroon man, at least mapapanatag na ang loob ko dahil may sagot na ang tanong ko.

“Base sa record Ms. Guevarra walang sa medical history ni sa pamilya nila ang bipolarism,” yung nurse.

Heck. Imbis na matuldukan ang lalong lumaki ang tanong na di ko masagot. Chris, sorry for ignoring your most important rule. I can’t ignore the past. Sana may valid reason ang lahat.

Nga pala naaalala ko yung kinuwneto ni Mama tungkol sa isang childhood accident na muntik ko na raw ikamatay. Sabi ni Mamu ay mag-ingat daw ako para di na yun mangyari. Siguro nga masyado pa akong bata nun at di ko na maalala ang pangyayari pero biglang ko na lang napagtanto na parang may invisible link sa mga pahayag ni Mamu at rule ni Chris.

Parang pareho nila tinutumpok ang past, na dapat ay kalimutan na ito. Sa tingin ko kaya ako tulungan ni Mamu sa bagay na gumugulo sa akin ngayon.

“Mamu, ano po ba yung nangyari sa akin during that fatal childhood accident?”

“Bakit mo naman naitanong yan?”

“Kasi naguguluhan lang ako e... Para kasing may kulang sa pagkatao ko.”

“Wala yun anak, nakaraan na iyon”

Ayaw talaga niya nung topic. Halata naman kasi.

So, nagpaalam na lang ako sa kanya para sa midnight swimming namin. Buti naman at pumayag siya.

“Babe, sino ka ba talaga. I’m sorry sa tanong pero pakiramdam ko e may parte ng pagkatao mong misteryoso at di ko pa kilala...”

“Well, sa tingin ko ito na ang tamang panahon para tapusin na ang lahat sa atin. I hereby declare na tapos na ang pagpapanggap natin. Mukha kasing sineseryoso mo na talaga at nabi-break mo na rin ang conditions natin e...” si Chris.

“So ganun lang pala yun, Chris? Joke lang. Pagpapaasa. Akala ko totoo na...”

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya pagkasabi ko nito. Parang nalungkot. Pero biglang ngumiti.

“Sana ma-realize mo na walang karapatang magmahal ang mga tulad nating abnormal Melissa...”

“Abnormal? Bakit?”

“Kasi mayaman ako at ikaw ay mahirap lang”

Pagtapos niyang sabihin yun ay iniwan ko na muna siya. Nagmukmok ako sa isang pool ng bahay nila Chris.

“O bakit ka nagi-isa dyan?,” si Chris na parang walang nangayari.

“Ikaw kaya ang iwan ng mahal mo! Ano ka may amnesia na laging nakakalimot! Palibhasa kasi di mo naman talaga ako minahal e! Pakalunod ka na nga lang!”

"Sa ating dalawa ikaw ang may tunay na amnesia! At di mo alam na--'" biglang naputol ang sasabihin niya.

Biglang na lang tumalon si Chris sa pool at tila nalulunod.

“Tssss... Marunong ka naman lumangoy e.”

Mga isang minuto rin na di umahon si Chris.

“Paano na yan di ako marunong lumangoy, tulong!” ako.

Destiny left me with no options. I tried to save him, but I guess I failed to. The last thing I remember was that I can’t swim.

“Pahinga ka muna dyan” si Chris habang pinupunasan ako ng towel.

“Paano ka nakaligtas?” ako na nangangatal ang boses.

“Edi niligtas ko sarili ko , marunong naman akong lumangoy e.”

“Kainis ka! Kahit kailan sinungaling ka!”

“Ikaw naman may kasalanan niyan, alam mo namang di ka marunong lumangoy”

"Ikaw kaya may kasalanan, remember ikaw ng nagkunwaring nalulunod pacheck ka na nga at malala na yang amnesia mo e." ako

At muli, may bagong palaisipang nadagdag sa utak ko.

"Sana nga nagka-amnesia na lang ako, para parang normal na ang lahat sa akin." si Chris.

"Sana ako na lang kamo magka-amnesia, para makalimutan ko na lang bigla ang sakit ng nararamdaman ko ngayon sa break up natin Chris..."

"Kaya mo lang yan nasasabi kasi di mo alam. Alam mo bang mas maswerte pang maituturing ang may amnesia kaysa doon sa mga nagmamahal sa kanyang di na niya maalala?"

"Kung makapagsalita ka parang nagkaroon ng amnesia nanay at tatay mo ah! "

"Wala kang alam..." si Chris.

"Kaya ako walang alam dahil ayaw mo akong hayaang magkaalam. Kung may madilim kang nakaraan; holdaper ka man talaga noon, rapist ka man, buwayang pulitiko man tatay mo at ayaw mong malaman ko, wala akong pakialam na. Kaya ko yung tanggapin. Now kung aya mo na talagang halungkatin ang nakaraan, go for it. I will refer on Section 4 and 5 of our agreement. I'll believe in you and ignore the past."

"Next time na lang natin tong pag-usapan, Melissa."

“Iwanan mo na lang ako rito.Gusto kong magpahinga.”

At nakatulog na ako.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon