Chapter Six

2 0 0
                                    

Chapter Six 

Paggising ko ng umaga ay Baked Mac ang nakahain sa in-bed break fast ko with note.

___________________________________________________________________

Dearest Melissa,

          Good morning Babe! Hayan na ang breakfast mo ha. Nakalagay pa name ko sa pagkain niyan para parang kinakain mo na rin ako, este para maisipmo lang pala ako. LOL.

                                                                                       Your only,

                                                                                      Mac

______________________________________________________________________

Haist, buti pa si Mac laging nandiyan , liban na lang nung iwan niya ako dahil sa chubby ako noon. Pero ika nga nila , PAST IS PAST. I have to move on. Siguro si Mac talaga ang para sa akin.

  Tooooot! Tooooot! Toooot!

1 Message Received

Si Mamu nagtext.

From: Mamu

May mahalaga akong sasabihin sa’yo. Tungkol yung sa childhood accident na gusto mo malaman. Punta ka na lang dito sa bahay.

Heto na yun, malalaman ko na ang parte ng buhay ko na tingin ko ay may kakaibang nangyari noon. Nagmamadali akong umuwi ng bahay namin.

“Mamu, nandito na po ako.”

“O ikaw pala, anak. Upo ka muna rito.”

“Mamu may ipagtatapat po pala ako sa inyo”

“Tungkol saan ba yun?”

“Kasi Mamu may naging BF po ako after nung kay Mac na hindi niyo po alam e”

“Sino naman siya?

“Si Chris Sandoval po Mamu... Sorry po at di ko pinaalam...”

Di ko maipinta ang mukha ni Mamu ng mga oras na iyon.

“Ka-Kayo pa rin ba ni Chris?” tanong ni Mamu.

“Hindi na po. At sa tingin ko para kay Mac po talaga ako e...”

“Ahhhh... Anak sa tingin ko dapat mo tong malaman... Naaalala mo ba itong diary na ito?” sabay labas ng isang pulang diary.

“Di po Mamu, kanino po ba yan?”

“Malamang di mo na ‘to naaalala... Sorry anak. Sa tingin ko kasi mas nakabubuti kung magkakaroon ka ng bagong buhay—ng bagong simula. Pero nakokonsensya ako. At karapatan mong makuha ang dating sayo.”

“Di ko po kayo maintindihan Mamu”

“Sayo ‘tong diary na ‘to. Diyan mo sinulat halos lahat ng mahahalagang alala mong pinagdamot ko sayo sa loob ng limang taon. Five years ago kasi nagka-car accident ang nanay ko kasama ka on of of her trip to Baguio. Namatay ang lola mo at ikaw nakaligtas. Pero di mo man lang ba naisip kung bakit wala kang maalala kahit kaunti sa pagkabata mo. Kasi as a result of the accident, na-diagnosed ka na may amnesia.”

Booom! Everything suddenly becomes clear. Kaya pala parang kaunting tao lang ang kakilala ko. Pakiramdam ko lahat ay tumatawa sa kamangmangan ko. Pakiramdam ko lahat sila ay parte ng isang palabas para magkaroon lang ako ng bagong bukas. At ang di ko pa maintindihan, ano bang mayroon sa nakaraan ko para piliin ng mga mahal ko sa buhay na ibaon na lang sa limot?

Ang daming tanong. Ang pagkakasagot sa isa kong tanong ay nagbunga ng mas marami pang mga tanong.

Kailangan kong makausap si Mac, alam kong matutulungan niya ako.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon