Chapter Two
Krrrrrrriiinnnnnngg Krrrrrrrriiiiiiiiinnnnnngggg!!!
Bungad ng nakakabinging alarm clock kong bagong bili lang ni Mamu sa Divisoria.
5:30 AM na pala. Kailangan ko nang tumayo para di ako ma-late sa quiz naming mamaya sa Calculus. Dafuq mahirap na, di pa kaya ako nagrereview ng lessons, ibang bagay kasi nireview ko e—sila Mac at Chris, kung paano ko sila magagamit para sa kapakinabangan ko.
Halos isang oras din ang inabot ko sa pagpe-prepara sa sarili ko. Sabi ko na nga ba, mukhang late na naman ako. Patay na ako nito kay Mr. 7 o’ clock—ang teacher namin na kahit isang minuto ko lang naman nahuli e absent ka na sa class card niya. --__________--
“Kasi naman e napakaluwag naman ng daanan dito ka pa dumaan sa dinaraanan ko!,” pasigaw na sabi ng nabangga kong lalaki.
Tameme time. Di ako nakapagsalita. Ngayon lang kasi ako naka-experience na sigawan ng ganun, especially sa ganitong sitwasyon pa. Iba pala talaga ang tunay na buhay, kasi yung napapanuod ko sa pelikula e pag ganitong nagkabanggaan ang lalaki at babae e ang lalaki pa ang humihingi ng paumanhin. Ba’t I’m in reality.
At ako pa ngayon ang may kasalanan ganun?! Anong klaseng lalaki ka. Kung ayaw mo lang akong tulungan sa mga gamit kong pulutin sabihin mo na lang. ----___________________---- sa isip ko lang sinabi.
Pinulot ko na lang mga libro ko pagkaraang panuorin yung walang kwentang lalaki na papalayo at di nag-offer ng kahit na anong tulong.
“Packing Tape!,” sigaw ko dun sa umaalis na lalaki.
Sa wakas nakarating na ako sa classroom ko. 6/25 score ko sa test namin sa Calculus. Heck naman kasi, by two’s setting arrangement ng klase namin. At for almost one whole sem, wala akong cheat mate, este seatmate pala. Sobrang tuwa ko nang marinig ang balitang papasok na raw yung supposedly katabi ko.
“Welcome back Mr. Chris Sandoval!” my teacher greeted him.
“Ikaw?!” napalakas yata nang kaunti yung boses ko kaysa sa normal.
“Tsss... Oo ako nga,” sabay pakawala ng sarkastikong ngiti.
“Uuuuuuuyyyy!,” hiyaw naman ng mga kaklase kong mean.
“Stop it class! Mr. Sandoval, you may now seat beside Ms. Guevarra,” si Sir.
“Excuse me Miss, nakikita mo ba yung mga tiles na yan, the two of us must be at least three tiles apart para di ako mahawa ng sakit mong katangahan...” si Mr. Angas.
“Sakit ka dyan, wala akong sakit no! E mas mukhang may sapak ka sa ulo e. Wala kang manners at paggalang sa tulad ko”
It was unexpected, I never thought of having a seatmate like him for the rest of my campus life. Nakakasira naman ng araw oh!
“I won’t believe you unless show him to me. Tomorrow I’ll stop all of these when I met your imaginary boyfriend hahahahaha” biglang pumasok sa isip ko. And my ex laugh while letting those words out reverberates in my head.
“Bahala na...” sambit ko sa sarili ko.
Si Chris yun ah, nag-iisa yata siya? Sabagay, balita ko matagal daw di siya pumasok. Tama! Gagamitin ko siya para tigilan na ako ni Mac. Parang baliw naman kasi tong si Chris e, ang hirap i-spell e. Nung unang kita ko sa kanya sa may LRT station, then he is a total stranger to me, kulang na lang e gahasain ako. Tapos ngayon, parang kung umasta e di man lang ako nakikilala.
“May I sit beside you, Mr. Angas?”
“Ayoko, dun ka sa harap ko pwede pero wag mo ko lalapitan ha...”
“Anong nangyari sayo? Di ba nagkita na tayo sa LRT station noon, di mo ba ako natatandaan?”
“Ang mga taong walang kwenta, dapat di tinatandaan. Siguro nga nagkita tayo noon, pero nakalimutan na kita kasi di ka naman importante e.”
“Well, I have a favor. I will be straightforward upon asking this favor and be specific. I want you to be my boyfriend”
![](https://img.wattpad.com/cover/4498160-288-k331c50.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing You
Novela JuvenilForgetting the past is difficult, remembering it is worse. --Chris Sandoval (Fictional character in Missing You)