My Secret Relationship with A CAT Officer

798 14 22
                                    

(HER POV)

"Babe, sa susunod na lang ulit tayo mag- usap ha. Maaga pa yung batallion namin bukas, tapos magrereview pa 'ko kasi malapit na yung Periodical Exams natin. At alam mo namang bawal ma-late sa batallion, lalo na yung mga officers na kagaya ko."

"Naiintindihan ko Babe."

"Babe, sorry nahihirapan ka sa sitwasyon natin ah?"

"Ano ka ba, Babe. Ok lang sakin yun. Sige, tulog ka na."

"Kaw din Babe. Tulog ka na. I miss you."

"Mas miss na kita Babe."

"Good night."

"Good night din Babe. I love you."

"I love you din. Bye."

"B---"

Di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bago pa man ako makapag-babye sa kanya, binaba niya na yung kabilang linya at narinig ko na ang dial tone. Kaya binaba ko na rin yung telepono, tapos huminga ako nang malalim.

"Miss na miss ko na siya,"naisip ko.

Alam kong kausap ko siya kani- kanina lang pero di na talaga kami gaya ng dati eh. Pero hindi babae ang dahilan, kundi ang lecheng rule na pinapatupad sa mga CAT officers.

What I'm saying is, kapag part ka ng mga officers ng CAT (Citizenship Advancement Training) sa school namin, bawal kang magkaroon ng boyfriend o girlfriend. Kapag napag-alaman na ang isa sa mga officers ay may boyfriend nga or girlfriend, automatically matatanggal na siya sa CAT.

Mula kasi nang maging member siya ng CAT na 'yan, di na ulit kami nakapagdate. Di na kami makapunta sa bahay ng isa't - isa para mag-movie marathon at magjamming, since pareho kaming marunong kumanta at tumugtog ng musical instruments (marunong siyang mag-gitara at magdrums, ako naman marunong din mag-gitara at magdrums, pati piano at violin). Di na rin kami sabay na manood ng mga paborito naming anime. Di na rin kami sabay mag-exercise at pumasok at umuwi galing sa school. Nakakapunta na lang kami sa bahay ng isa't -isa kapag birthday ng isa sa aming dalawa, o kapag may project sa school at magkagrupo kami. Pareho kasi kaming may kapitbahay na kasama niya sa CAT kaya ganun. Di na rin namin ma-practice yung photography na pareho naming naging hobby mula nang maging kami. Wala na rin kaming picture na magkasama. Yung last picture namin na magkasama, nakunan pa mula nung 3rd anniversary namin, which is 2 years ago. Tapos bihira na lang din kami mag-usap nang personal tungkol saming dalawa. Kadalasan, sa chat, text at tawag na lang yung communication namin at once a week na lang halos nangyayari yun, kasi bukod sa pagiging CAT officer niya, inaasikaso niya pa kasi yung studies niya. Top 1 kasi siya sa klase.

At ang pinakamasakit diyan, it's been 2 years din since huli kong nahawakan ang kamay niya, at na-hug ko siya nang matagal. Dalawang taon na rin ang nakalipas mula nang huli kong maramdaman yung kakaibang saya na dulot ng pagiging in love. Ngayon kasi parang puro pahirap at pasakit nalang yung nararamdaman ko.

Dahil sa rule na yan, feeling ko nawalan ako ng boyfriend at bestfriend. Kahit pa sabing kami pa rin for five years now, feeling ko parang unti-unting nauuwi sa wala yung relationship na pinaghirapan naming i-maintain.

Pero kahit na ganun, di ko pa rin magawang iwan siya. Kahit na dalawang taon na akong nagsasakripisyo na itago lahat ng sakit na nararamdaman ko para lang magtagal pa kami, pinipilit ko pa ring magpakatatag.

Ganito nga siguro talaga kapag nagmamahal.

My Secret Relationship with A CAT OfficerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon