(HIS POV):
“Saan ba talaga tayo pupunta?” tanong niya sakin habang magkahawak-kamay kami sa loob ng taxi. Papunta kasi kami ngayon sa isang free concert na kasalukuyang ginaganap sa park kung saan kami madalas tumambay nun.
“Basta Babe. Magtiwala ka lang sakin, please?” sagot ko sa kanya.
Sumandal siya sa braso ko, “Okay.”
Tapos ngumiti siya sakin.
“Oh. My. Gosh. Babe!” bungad niya matapos ko siya alalayang bumaba mula sa taxi. Narinig niya kasi yung banda sa stage na tinutugtog yung “Stargazer” ng Spongecola, na isa sa mga pinakapaborito niyang kanta.
♪♫ Take me to that one perfect night,
My arms around your waist,
Stargazing, dreaming on and on.
Hope against all hope,
Should I stay if you should go? ♪♫
“Bakit tayo nandito?” tanong niya sakin habang kumikinang yung mga mata niya na kasing-tingkad ng mga ilaw sa stage, nagliliwanag sa gitna ng malalim na gabi. Magmamadaling-araw na rin kasi, dahil 11:30 kami umalis mula sa venue ng prom namin.
“Diba nanghihinayang ka kasi hindi kita masasayaw sa prom?” nakangiti kong tanong sa kanya.
“Oo. Pero bakit nga tayo nandito?”
“Kaya tayo nandito, kasi, dito kita isasayaw, sa gitna ng maraming tao. Hindi man natin magawang maipagmalaki yung pagmamahal na meron tayo para sa isa’t-isa sa mga tao sa school, gusto kong maranasan natin ulit yung feeling na malaya pang maging tayo, kahit ngayong gabi lang.”
Hinawakan niya nang mahigpit yung kamay ko, habang namumuo na yung mga luha sa mata niya, na malapit nang bumagsak sa pisngi niya. Gamit yung isa ko pang kamay, pinunasan ko yung mga luha niya.
“Tara Babe, lapit tayo sa may stage.”
At lumapit nga kami dun sa may gitna ng mga tao.
“Babe, pinagtitinginan na nila tayo.” Sabi niya sakin, na lalo pang hinigpitan ang paghawak niya sa kamay ko. Paano ba naman kasi, siya, naka-long gown, heels, at make up pa, habang ako, nakapang-CAT uniform. Para kaming mga characters mula sa magkaibang fairytale na umusbong mula sa libro at napunta sa totoong mundo.
“Ok lang yan Babe. Wag mo nalang silang isipin. Nagagandahan lang talaga sila sa’yo ngayong gabi.”
Hinampas niya ako sa braso.
“Aray Babe! Para sa’n naman yun?”
“Bolero mo kasi!”
“Eh sa totoo naman eh. Maganda ka talaga ngayong gabi.”
“Ngayon lang. Bukas, hindi na.”
“Ano ka ba. Maganda ka na, dati pa. Mas maganda ka lang talaga ngayong gabi.”
Magsasalita pa dapat sana siya nang natapos yung pagtugtog ng banda ng “Stargazer” at nagsalita yung vocalist.
“And for the last song of the night, we decided to make a cover of Sleeping With Sirens’ song, ‘If I’m James Dean, You’re Audrey Hepburn.’ Sana magustuhan niyo.”
BINABASA MO ANG
My Secret Relationship with A CAT Officer
RomansaAnother story of a forbidden love. (One-Shot + Sequel)