Chapter One

15 0 0
                                    

*Eloisa's POV*

What's up world!!!!!! Hello, I'm Eloisa Acee Cordova,20 years old at kasalukuyang nag-aaral ng Senior High sa Clintford University or also known as C.U, Actually transferee ako at ngayon palang mage-enroll. Sa loob ng limang taon ay nakaka 6 na eskwelahan nako.Hindi naman sa proud ako pero I think lapitin ako ng mga gulo, Syempre, ayokong madehado kaya pumapatol ako. I have a double personality disorder na kung saan may ugali akong minsan abnoy, madalas cold. Ewan ko ba! Ganito nako simula ng mahanap ako ng totoo kong Tatay at dalhin dito sa Manila 5 years ago. We're currently residing in one of the luxurious village here in QC at kung ako lang ang tatanungin, Maganda naman siya. Pang mayaman, pero hindi para sakin.

*TOK-TOK*

"Nak! Ace, Tawag ka na ni Daddy mo!" tawag ni Manang Sally mayordoma ng mansion ni Dad.

"Pababa na po!" Sigaw ko kahit di pa naman ako naliligo.

"Anak pag di kapa bababa,sisirain nanaman nang Daddy mo ang pinto." Warning niya.

Hayyss! Pang ilang ulit na ba nasira ng tatay ko yung pinto ng kwarto ko? Hmm? I think pang walong beses na ata to kung sisirain nya pa ulit.

"Pakisabi maliligo lang ako." Sigaw ko.

Di ko na hinintay Ang sagot nya at basta nalang pumasok sa banyo para maligo. Habang nagsha-shower ako kumakanta-kanta pako pero wag kayo! Maganda boses ko. Di naman sa binubuhat ko yung bangko ko pero parang ganun na nga! HAHAHA. After kong maligo, lumabas nako at naglakad sa walk in closet ko (kaya nga walk in kasi maglalakad hindi lilipad) at pagka tapos ay kumuha nako ng jeans at black t-shirt, oo simplehang outfit kasi di ko pa nakukuha ang uniform ko tsaka di pa naman daw magkaklase kasi may orientation pa.So anong sense,Diba?

"Dami Kong gamit pero di ko Naman ginagamit. Psh! Ano ba naman tong make up na binigay ni Thalie! Di ko naman gagamitin to."

Kinunutan ko lang ng noo ang biniling make up set ng half-sister ko. Yes! May half-sister ako, Nathalie Ordonez ang pangalan niya, 21 years old pero tulad ko, Wala na din siyang mama. Tanging si daddy nalang ang kasama namin. Bata pa naman si Dad, nasa 40 palang and sure akong masamang damo yun kaya matagal pang mamatay. HAHAHA! Nagbihis nako at naglagay ng pulbo at konting liptint para hindi magmukhang bangkay,tsaka ko kinuha ang hairbrush at sinuklay ang buhok kong itim na hanggang pwetan ang haba tapos kulot pa sa dulo. Mahaba na pala siya, habang nakikita ko Ang buhok ko napapangiti ako..

"Are you looking at me from heaven right now,Ma? Look oh! I made my hair longer gaya ng sabi niyo. I kept my promise, Mama." Bulong ko sabay pahid ng luhang kanina pa pala pumapatak.

Inayos ko pang muli ang itsura ko bago maglagay ng pabango at pumili ng sapatos sa shoe drawer ko. At ang napili ko ay ang converse high-cut na black tapos may zipper sa gilid. Sinuot ko nalang to at bumaba na bago pa mainip ang ama ko at sirain nanaman ang pinto ng kwarto ko. Pagbaba ko, nasa dinning room na ang half-sister ko at ang Daddy kong palagi nalang nakakunot ang noo. Problemado nanaman ata. Di pa ako nakakalapit ng magsalita ito.

"5 minutes late and I'm ready to break your door open,young lady." Sabi nito sa malamig na boses. Napalunok nalang ako na kunwari di ako natakot dun. Hayyss..

"Sorry,Dad." Sabi ko din sa seryosong tinig.

Ganito kami ni Dad magusap. Parang pinagsakluban Ng langit at lupa.

"You do realize that today is your first day of class right? You have to change your routine,Eloisa! You're already 20 years old for goodness sake! Look! Your sister even waited for you!" Gigil niyang sermon sakin.

Love And LiesWhere stories live. Discover now