Chapter Two

8 0 0
                                    

*Eloisa's POV*

The next two days was normal. Babangon,maliligo,magreready sa school,kakain,aalis, magka klase at uuwi. Ganun ang routine ko araw-araw at hindi na ata magbabago. Well, except na alam na ng mga estudyante sa university na half-sister ko si Nathalie at sikat pala ito kasi siya daw ang Campus Queen. ah okay, may nagsasabi din daw na baka agawin ko ang title na yan sa kapatid ko at para makapareha ko ang Campus King nila na si Abo. The heck? Kung para sa abo lang din naman ay wag nalang. Tsaka ano namang makukuha ko dun kung magiging CQ ako? Mas gugustuhin ko nalang maging patatas. Speaking of, this past few days ay nagiging weird ang pakiramdam ko. Kahit san ako magpunta nakakasalubong ko yung Abo na yun. Lahi siguro ni Dora yun eh!HAHAHA. But nevertheless, School is fun. Dito pala kami ngayon sa tambayan namin malapit sa Field, kumakain kami kasi vacant naman namin eh. Kasama ko yung dalawa, Si Chris at Gail. At oo! Feeling close Sila. Hindi ko mataboy kasi kahit saan ako magpunta sulpot sila nang sulpot kaya hinayaan ko nalang.

"Shuta! Ang gwapo talaga ni Nickos my love so sweet ko!" Kilig na sabi ni Gail. Tanga talaga to eh, may MY na nga may KO pa. Ayyss..

"Ah Basta! Kay Tristan lang ako kakalampag!" Protesta naman ng Isa. Nakakaturn off talagang kausap tong dalawang to eh. Sarap sipain sa ngala-ngala. Maingay pa!

"Ikaw Ace? Kailan mo popormahan si Fafa Gray?" Biglang tanong ni Gail na nagpasamid sakin. Ano daw?!

"The fuck are you talking about,Gail? At tama ba yung narinig ko? Bat ko popormahan yung Abong yun? Matino ang isip ko no!" Diin ko pero tumawa lang sila.

"Ikaw naman masyadong defensive.HAHAHA." Tawa pa niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Akala siguro niya nagbibiro ako. Sipain ko kaya siya sa Mukha? Ay bawal baka ma guidance ako. Tsk!

"O siya! Tama na nga! Napipikon na si Ace sayo eh." Awat ni Chris. Buti pato marunong makiramdam.

Pagtapos namin kumain naglakad na kami papasok sa campus para sa next subject namin ng may makasalubong kaming mga clown kasi mukha silang espasol. May circus ba? Nyehe! Dadaanan lang sana namin ng marinig namin ang pinaguusapan nila.

"Hayy Nako Giselle! Akala mo naman kung sinong mukhang manika nasa loob naman pala ang kulo." Sabi ng Espasol #1.

"Sinabi mo pa, Clarissa. Kunwari mabait malandi naman pala." Gatong pa ni Espasol #2.

"May Plano pa atang agawin ang prinsipe ng kapatid niya. Naku! talandi talaga." Comment naman ni Espasol #3. Sml?

Hindi ko na kailangan magtanong kasi obvious naman na ako yung pinaguusapan nila. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Thalie na hindi ko alam na nasa likod ko na pala.

"What did you just say?!" Sigaw niya sa tatlo. Napalingon ako sa kanya at kasama niya din pala ang mga barkada niya pati si Abo andito. So narinig nila? Great! Just great!

"What?! Di kayo magsasalita? I've heard it! Now tell it to my face you freaks!" Ulit ni Thalie. Buang din eh, narinig naman pala papaulit pa. Nagaalburoto ito sa galit at namumula pa ang pisngi, taray! Tisay! Geez! Agaw eksena nanaman ito.

News flash: Campus Queen nakikipag away kasi sinabihan ng malandi ang kapatid niya, reporting live from Clintford University!

"Oh? Cat got your tongues? Pipi naba kayo? Ano!" Sigaw niya ulit. Sasampalin na niya sana yung isa ng pigilan ko siya. Nagulat naman itong lumingon sakin.

Love And LiesWhere stories live. Discover now