Chapter Four

9 0 0
                                    

                     *Gray's POV*

Kanina pako naghihintay sa labas nang Resto Bar na pinagtatrabauhan ni Eloisa. Ako ang nagpresintang bisitahin to kasi didiretso daw sina Nathalie sa apartment ni Eloisa. And yes, Eloisa ang tawag ko kasi ang unique nang name niya and it suits her very well. I think I made the right decision na pumunta dito kasi pagbaba ko palang ng sasakyan Nakita ko na agad siya. She looks so pale at ang laki din nang nabawas sa timbang nito. Nakuyom ko ang kamao ko sa galit nang tawagin ko ito, pero nawala ang din Ang pagpupuyos ko nung nakita ko ang maamo niyang mukha. She still looks the same kahit may maliit na eyebags sa ilalim ng mata niya. Hindi na ako nakapag pigil at niyakap ko siya. Fuck! I don't know why but I'm yearning to see and hold her again. Alam kong mali kasi engaged ako sa kapatid niya pero kahit ngayon lang, I need to feel her just to be sure. Nagulat pa siya nung niyakap ko siya pero hindi ko na inintindi yun. Binitawan ko lang siya nung tinulak niya ako kasi hindi daw siya makahinga. Natawa pa ako sa isip ko pero agad din nawala ang saya ko nang itulak niya ako palayo. Hindi ba siya masaya na nakita ko siya? Kasi ako sobrang saya ko na ako ang unang nakakita sakanya. She told me to go back pero di ko siya sinunod. Not until she's coming with me. Natawa pa siya nang sinabi kong hinahanap siya ng pamilya niya. Saying na wala daw siya nun. Napabuntong hininga nalang ako nang pumasok na siya sa loob. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Nathalie.

"Hello,Gray? Wala si Ace dito sa apartment.Grabe! Sobrang liit lang nung space niya. Sabi nang isang tenant nagtatrabaho daw sila sa catering malapit sa bayan. Yun Ang next namin na pupuntahan ni Dad. Sina Tristan umuwi na kasama ang mga kaibigan ni Ace. Alas 9 na kasi at hinahanap na sila ng mga parents nila. Ikaw di kapa uuwi?" Sabi niya.

"I found her,Nat. She's in Nimfa's Resto Bar. I'm here at nakita ko siya. Nagkasagutan kami actually bago siya bumalik sa loob.And no, ayoko pang umuwi.not without her." Sagot ko.

"R-resto bar? But they said sa Catering daw nagtatrabaho si Ace. Dad, nasa Resto Bar daw si Ace--- Sige pupuntahan natin." Rinig kong usap nila.

"Hihintayin ko nalang kayo dito." Sabi ko bago ibaba ang tawag. 30 minutes at nakarating nadin sila. Naunang bumaba si Nathalie at sumunod naman ang Daddy niya.

"Are you sure dito nagtatrabaho ang anak ko iho?" Tanong ni Tito.

"Yes,po. I saw her and even talked to her pero di niya ako pinakinggan when I tried to pursue her na bumalik kasama ako." I explained.tumango lang siya at nagyayang pumasok.

Pagpasok namin ay humawak agad si Nathalie sakin. Amoy ko ang alak at sigarilyo at alam kong normal na ito dito. The place is crowded kahit hindi naman masyadong matao.

"Hello, welcome to Nimfa's. Table po,Sir?" Lapit ng Isang lalaking sa tingin ko ay bakla.

"Ah,yes! May beer at sisig kayo dito?"tanong ni Tito na akala mo kabisado niya ang ganitong estado ng lugar.

"Yes,Po. Eto po ang menu sir at baka may oorderin pa kayo." Sabi niya sabay bigay ng menu.

"Ah, excuse me? Do you know someone named Ace? She's working here daw kasi." Tanong ni Nathalie.

"Ay,hihi. Englisera pala tong jowa niyo eh. ay kenat anderstan mam, Ace lang po ang naintindihan ko at kung hinahanap niyo po si Loisa ay malamang nasa kabilang table po nagseserve." Paliwanag naman niya.

"Oh, sorry hindi ko alam. Pero salamat." Sagot naman ni Nathalie. Loisa pala ang tawag sa kanya dito? Nice name.

"Sige po. Wait lang po ah. Hintayin nyo nalang po ang order niyo at baka si Loisa din po ang magseserve." Sabi niya na ikinangiti namin. Nang dumating ang order namin ay nadismaya kami kasi hindi si Eloisa ang nagdala kundi Isang babaeng kulot ang buhok. Just when we're about to ask the waitress ay may nakita kaming nagpupuyos sa galit na lalaki.

Love And LiesWhere stories live. Discover now