Chapter Three

8 0 0
                                    

(WARNING!: Hurtful words that may contain traumatic events and are not suitable for young readers.)

Excited akong umuwi ngayon saamin kasi sabi nang pamangkin niya nakauwi na daw sina Mama at Nana. Absent ako kahapon kasi sinundo ako ni auntie sa bahay, nasa ospital pa daw si Mama at Nana at hindi pa nakakauwi kaya dun daw muna ako sa kanila. Natawa pa ako sa isip ko kasi ang takaw ni mama kahapon kaya nagka ulcer siya. Suka siya ng suka kagabi kaya pagising ko kinabukasan wala na sila, nagtext lang si Nana na nasa ospital daw sila kasi papacheck up si Mama. Pagpasok ko naabutan ko ang dalawang kasosyo ni Mama at Nana sa negosyo, nakaupo sila at nakatingin sakin na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Pumasok ako sa kusina at naabutan ko si nana na naghuhugas ng pinggan sa lababo pero wala si Mama.

"Na? Si Mama?" Nakangiti kong tanong.hinarap niya ako at nakita kong namumugto ang mga mata niya. Kinabahan naman ako at nawala agad ang ngiti ko pero hindi ko na inintindi yun, gusto kong malaman kung nasaan si Mama.

"Uy,Nana. Si Mama?" Tanong ko ulit.
Pero parang nabingi ako sa sagot niya sakin. Tatlong salita lang yun pero tinakasan agad ako ng lakas ko.

"Yung Mama mo." Paulit-ulit sa isip ko yung sinabi niya at hindi ako Bobo para di magets yun. Napasalampak ako sa sahig habang sapo-sapo ko ang dibdib kong nananakit. Lalapitan na sana ako ni Nana nang bigla akong magwala.

"NASAN ANG MAMA KO,NA? NAGTATAGO SIYA DIBA? PALABASIN MO NA KASI MAY SASABIHIN PA AKO SA KANYANG JOKE EH." Sigaw ko at halos hindi ko na makita ang nasa harapan ko sa sobrang pag agos ng luha ko. Iyak at padyak ang ginawa ko kasi hindi maproseso ng utak ko ang nangyayari.

"Shh. Tama na,Isa. Andito pa naman ako eh. Ako bahala sayo okay? Tahan na." Alo sakin ni Nana.

"PERO SI MAMA ANG KAILANGAN KO,NA! ASAN NA SIYA? ILABAS MO NA SIYA PLEASE! MAGIGING MABAIT NA AKO! HINDI NA AKO SUSUWAY SA UTOS NIYO.S-SIGE NA,NANA!" Iyak parin ako nang iyak habang niyayakap niya ako. Wala namang magawa ang dalawang kaibigan ni Nana kundi umiyak nalang din.

"Promise,nana hindi nako magpapaka pasaway. Hindi ko na papasakitin ang ulo niyo. Sige na naman oh. N-nasaan na ang mama ko!!!!" Iyak ko parin.

"Ma! Mama!!!!" Tawag ko pero walang sumasagot.

Ilang oras ata akong nakasalampak sa sahig habang patuloy paring umiiyak. Kumalma lang ako ng may pumasok na matanda sa bahay.

"May ann, totoo bang wala na si Luisa? Jusko, Ang bata pa naman niya. " Sabi niya habang nakatingin sakin. Alam ko ang tingin na yan, naaawa siya sakin kasi wala na si mama. Wala na akong mama. Hindi ko matanggap yun kaya pagtapos niyang umalis ay nag amok nanaman ako. Inubos ko lahat ng luha ko hanggang sa wala nang natira.

"Isa, Dun si mama mo ilalagay kina lolo mo ah. Masikip kasi dito ang daanan at hindi makakapasok Ang mga sasakyan." Sabi ni nana pero di ko siya pinansin. Tulala lang ako sa working place ni Mama.

40 days ang wake ni Mama. Ganun katagal kasi hinihintay pa namin si tita na umuwi galing Canada.Dun siya nilagay sa kapatid niya na malapit ang bahay sa dagat. Mom always likes the beach, palagi niyang sinasabi sakin na gusto niya ng bahay na malapit sa dagat. Hanggang sa matapos ang burol ni mama ay balisa parin ako.

----------------------------------------------------
Months after Mama's funeral,medyo okay na ako. Balik skwela na at tumatawa na kasama ang mga barkada ko. Hindi ko din maiwasan ang palagi naming pag aaway ni Nana sa bahay,lalo na kung pagod siya at wala pang Pera.

Love And LiesWhere stories live. Discover now