Unang Kabanata: First Blood

20 0 0
                                    

"You were just a dream that I once knew.. Never thought I would be right for you..."

"I juUUus kAn compAaAaare you with ENITING indis wOoOOoorld-"

"Rafi, tumigil ka na. Mabibingi na kami."

Hmph! Kahit kailan talaga.. Eh sa gusto ko sabayan 'yung kanta ng Side A eh. Haynako, Phil, bakit ba hindi na lang KJ ang ipinangalan sa'yo ng mga magulang mo?! Isinandal ko ang walis at dustpan, bago ko pinatay ang portable speakers na nakapatong sa upuan ko.

"Pwede ba Phil, for once, hayaan mo naman ako i-fulfill ang contentment ng malayang pag-awit gamit ang magandang boses ko? Tsaka, anong 'kami' eh tayo na lang dalawa ang natitira sa classroom na 'to?!"

"Alam mo, sasang-ayon na sana 'kong maganda 'yung boses mo kung hindi ka lang kumakanta. Isa pa, may feelings ang lahat ng bagay kaya 'wag ka nang maingay at baka ma-hurt pa sila," sabi ni Phil habang nagbubura ng mga nakasulat sa blackboard.

Hindi ko alam kung ano na naman ang sumapi kay Phil at kung ano-ano na naman ang trip niyang sabihin. Pero mas lalong hindi ko alam kung ano'ng sumapi sa akin at tinanong ko siya, "Phil, kaya ba walang nagkakagusto sa'kin dahil sa boses ko?"

Itinigil niya ang kaniyang ginagawa. O baka naman tapos na siya, ewan ko. Basta humarap siya sa akin, kahit na nasa kabilang dulo naman ako ng classroom.

"Ganyan ka ba talaga mag-isip, ha?"

Ipinatong ko ang aking ulo sa armchair ko at hinayaan kong mapapikit ang aking mga mata habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan...

******************************************************************************

Four months ago...

"I'm sorry, Rafi. Ang totoo n'yan, hindi kasi kita type eh. Sorry if I'm too straightforward. Uhm, you know, ayoko namang paasahin ka. We're good friends kaya sana, hindi 'yun mabago. And, I think that pretty explains kung bakit hindi ako nag-rereply.."

Grabe. Hindi naman siguro kailangang ipamukha sa'kin na hindi ako kanais-nais 'di ba?

"Ay ganun ba.. Uhm, ano ah.. HAHAHA okay lang! Ikaw naman 'yan eh, syempre naiintindihan kita," medyo totoo pero deep inside, nadudurog na naman ako.

Tinawid ni Shane ang distansya sa pagitan namin. MY GOODNESS-matapos mo durugin ang puso ko, ang lakas-lakas ng loob mong hawakan ang magkabilang balikat ko! Huhu..

"I'm so sorry, Rafi. Please understand."

So ako pa ngayon 'yung kailangan umintindi, ganon?! Hindi ba pwedeng damayan mo na lang muna ako? O kaya naman.. hug mo na lang ako? Hihihi-ay, oo nga pala! Dinurog mo puso ko. Che.

Kahit sinabi ni Shane na mananatili pa rin kaming "good friends", hindi ko na siya pinansin magmula nun. Iniiwasan ko siya simply because I can't bear the feeling of seeing him. Masyado niya akong napapasaya. Nakakalimutan kong heartbroken ako dahil sa kaniya. At mas lalo lang akong nahihirapan maka-move on..

Sa kabutihang-palad, naganap na ang simula ng pag-move on ko nang masaksihan ko mismo ang katibayang hindi siya ang aking 'the one'...

Papasok na ko sa classroom namin nang gulatin ako ng hiyawang nagmula sa classroom namin.

"Nako pare! Big time na big time ka kay Rafi ah," wait. 'Di ba, tropa 'yun ni Shane? Mukhang boses ni Alvin eh.

"Anong big time, eh binasted ko nga? HAHAHAHA!"

May forever, sabi ni RafiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon